C34:

42 6 7
                                    

"Mii.. Dad.. Papasok na po ako."


"Sige anak ingat ka."


Paglabas ko ng bahay ay nakaparada ang sasakya ni Seb sa tapat ng bahay namin, nilapitan ko sya.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagmamataray ko.



"Sinusundo ka. Tara na!"



"Ayaw ko!"



"Tss. Diba friends tayo?"



"Fine. Fine!" Sumakay na ako. Sya ngayon ang nagdidrive.


"Sabi ko sayo susunduin kita kahapon, tapos may iba namang nagsundo sayo."



"Oh tapos?" Sabi ko nalang.


"Bitter kapa din? Haha. Akala ko nakamove on kana?" Baluga to ah!


"Hindi pwedeng hindi lang maganda ang mood ko? Bitter agad?"



"Galit agad. Tsss. Nga pala, susunduin kita mamaya ha! Wag kang magpapasundo sa iba, may gusto kasing makilala ka. Ge na nandito na tayo, ingat!"



"Sino?" Binuksan nya ng pinto ng kotse nya.


"Basta. Baba na, baka hindi paghindi kapa bumaba jan eh buhatin kita hanggang sa office mo." Tawa naman sya ng tawa.



"Fine! Bahala ka! Alis na!" At naglakad na ako papasok ng building.


I changed my number, text kasi ng text si Jm eh tawag din sya ng tawag. Ayaw ko nang makigulo pa sakanila, nakakaawa naman kasi si Mariz eh tska ang baby nila.


Maghapon akong nagpakabusy para kahit saglit ay makalimutan ko ang problema ko. Hindi ko lubos maisip na bakit sa lahat ng pwedeng maging ama ng dibadala ni Mariz ay si Jm pa, kung kailan mahal ko na sya! At kung kailan umamin na sya sa akin.


"Ma'am, may naghihintay po sa inyo sa baba." Sabi ng secretary ni Sir Migs na bago.


"Sino daw?"



"Sebastian daw po." Tinanguan ko sya.


Talaga naman! Tinotoo nga nya ang sinabi nya. Haaay! Inayos ko na ang gamit ko, hindi naman ako nagmadali dahil hindi naman importante ang naghihintay sa akin. Hahaha. Ang hard. Lumabas na ako sa office.



"Dana, uuwi kana. Hatid na kita."



"Hindi pa Bry, nasa baba ang kaibigan ko may pupuntahan kami."



"Ah sige. Ingat ha. Sina Kris at Rox ba kasama mo?"



"Hindi."



"Sina Chary at Lory?"



"Hindi din. Si Seb, Bry. Sige ha alis na ako. Kanina pa iyon dito eh."



"Sige! Nexttime ipakilala mo sya sa akin ha." Tumango ako at ngumiti. At sumakay na sa elevator.



"Ano pang inuupo upo mo jan? Tara na!" Sabi ko. Sarap ng upo ng mokong na to eh.



"Haha. Excited. Tara na nga!" Sabay na kaming lumabas sa building.



"Saan ba tayo pupunta?"


"Sa De Moore. Nandoon si Dad, gusto ka nya makilala."



"Whaaaat? At bakit naman? Ayaw ko na. Huhu. Ibaba mo ko!!" Naghihisterical na ako.



"Behave Dana. Gusto ka lang nya makilala dahil nacurious sya sa name mo. Anong akala mo ipapakilala kita as girl friend? Hindi no! Asa ka. Hahaha. Joke, gusto kita maging girlfried pero ayaw mo kaya hindi na muna. Gusto ka lang talaga nya makilala."




CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon