Bago pa makadating ang pamangkin ni Sir Migs ay nandito na ako sa HR Department, kukuhanin ko kasi ang mga resume para mapag-aralan ko. Ako kasi ang nakaassign sa final interview dahil aalis si Ma'am Cecile bukas, malaki naman daw ang tiwala nito sa akin na magiging maayos ang maihihire kong tao.
"Ma'am ito na po iyong mga nakapasa sa exam at initial interview." Inabot ni Ma'am Sally sa akin ang folder ng mga resume.
"Salamat, Ma'am." Sabi ko.
Dumaan na din ako sa Marketing Department para kumustahin ang mga orders.
"Ma'am, balita ko ay nandyan na si Sir Bryan. Nakita nyo na po ba?" -Chary
"Totoo bang gwapo?"-Lory
"Nako, hindi ko pa sya nakikita. Nasa HRD kasi ako kanina bago pa sya makarating sa office ni Sir Migs." Sagot ko.
"Si Ma'am naman nandun kana nagpahuli kapa. Sobrang gwapo kaya ni Sir Bryan kaso suplado." Singit naman ni Frances.
"Ikaw Frances ha! Mukhang gwapong gwapo ka talaga kay Sir ha! Sasabihin ko pala kay Sir Migs. Haha." Pagbabanta ko.
"Ma'am wag naman po. Pero totoo gwapo po talaga si Sir Bryan." -frances
"Oh sya gwapo na kung gwapo. Eh kumusta naman ang delivery? Nadeliver ba lahat?"
"Yes Ma'am, kaso may returns po kasi napanis po agad eh nexttweek pa po ang expiration." -chary
"Baka naman nasa kanila na ang problema, pakisabi sa delivery icheck ang temperature ng stock room ng lahat ng pinagdedeliveran natin. Check din ang mga trucks, baka may sira kaya bumababa ang temperature."
"Opo Ma'am."
"And make sure lahat ng replacement natin ay nandyan talaga yung products na nireturn ha! Mahirap na baka sinasabi lang na napanis pero hindi talaga."
"Opo. Yung sa RFB, Inc. po may initials na ng POs nila. Nasa 300 liters na po agad ang gatas, 350 liters naman po ang choco nila." -Lory
"Make sure na hindi tayo masisira sa kanila lalo na sa RFB ha, alam nyo naman na napakalaking customer ito."