C25:

57 6 3
                                    

"Ma'am, balita ko nagdate kayo ni Sir Bryan. Yieeee." Kay aga-aga naman nitong si Chary.




"Anong date ka jan? Hindi iyon date." Sabi ko. Ngingiti ngiti naman sila ni Lory.




"Nakita kaya namin kayo kahapon sa mall, naglulunch at kayo lang dalawa. Tanggi pa si Ma'am eh. Haha." -Lory




"Magkasama nga kami pero hindi iyon date, ang tawag doon ay trabaho. Okay?" Sabi ko. Pero mukhang hindi sila naniniwala.



"Kwento mo naman kung anong nagyari sa trabaho nyo?" Panloloko ni Chary sabay tawa ng parang kinikilig.




"Nagsimba ako, nakisama sya di ko matanggihan dahil binilin ni Sir na samahan ko sya. Tapos naglaro kami..." sumingit naman ito bigla.



"Naglaro ng apoy?" Tanong ni Lory na may halong panloloko.




"Baliw! Ng basketball, buti na nga lang at may boutique sila nakapagpalit kami ng damit kasi ang baho na namin. Kainis nga eh sya lang ang shoot ng shoot." Sabi ko.




"Basketball? Waaaaaaah! Lory! Nag shoot naaaaaaaa!" Sabi ni Chary.




"Natural! Basketball nga eh!" Sabi ko.




"Siguro pagod na pagod kayo no?" Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon yung tono nila ay kakaiba.




"Ano bang tanong yan Chary? Syempre, physical game yun!" Sabi ko. Nagtinginan sila at ngumiti ng nakakaloko. Arggggg!





"Pawisan kayooo?"




"Lory naman! Syempre naman!" Ano ba? Sinong hindi pagpapawisan pag nagbasketball? Haist!





"Sabi mo kanina, physical game iyon. Bakit ginawa nyo iyon kung laro lang pala?"




"Laro nga lang iyon! Ano bang dapat?" Hindi ko na sila maintindihan.




"Ma'am, nandito na po yung mga applicant." Dumating pala si Frances. Tumango ako.




"Alis na ko. Usap tayo mamaya." Sabi ko.

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon