C16: CoC

50 7 4
                                    

Lahat kinakabahan na, dahil ngayon lalabas ang list ng mga makakakuha ng Certificate of Candidacy for Graduation. Kahit ako ay hindi mapakali dahil sobrang hirap talaga ng ObliCon lalo na at napaka higpit ng Prof namin dito, si Atty. Suarez. Wala syang pakialam kung may hindi makagraduate ng dahil sa kanya, hindi sya tulad ng ibang professors na mapapakiusapan mo lalo na kung isang puntos lang naman ang kulang para pumasa ka, pero sakanya ay kahit point one lang ang kulang mo ay bagsak padin.




"Hindi ko alam kung maiihi ba ako o ano."




"Para nga akong nasusuka eh."




"Wag kayong maingay natatae ako."




Halo-halong kalokohan at pangangamba, iyan lamang ang ilan sa mga maririnig mo. Yung iba naman ay kampante na makakapasa pero dahil may hinahabol silang grades para makasama sa list of honors, hindi ako kasali doon dahil nagkaroon ako ng 2.5 na marka sa PolSci noong 2nd year, pero habol pa naman ako sa Acad Excel, masaya na ako doon. Hindi naman iyon ang pamantayan ng talino ngunit isa ito sa mga factors, ang mahalaga marunong kang magsalita sa harap ng mga tao. 




Dumating na ang aming Adviser, hindi ito nakangiti napakaseryoso ng mukha nito. Lalo akong kinabahan, alam kong ganun din ang mga kaklase ko.




"Tatawagin ko ang lahat ng makakakuha ng CoC, sa hindi matatawag ay hindi ito makakakuha na ang ibigsabihin ay madadagdagan pa ang taon nyo dito sa ating Paaralan."





"Miss, may hindi po makakagraduate?"Tanong ni Robi.




"Sa kasamaang palad meron, nalulungkot ako dahil alam kong lahat kayo ay matatalino yun nga lang siguro hindi nyo binigay ang best nyo, sa ObliCon at Cost Accounting ang subjects na ibinagsak ng iba nyong kaklase." Sabi ni Ms. Rea.




Napatingin ako sa gawi ni Jajan, nakatingin din ito sa akin at nagthumbs up at ngumiti. Malakas loob nya na papasa sya dahil talaga namang matalino ito. Nginitian ko din sya at tumingin na sa seryosong mukha ni Ms. Rea.




"Ok class, wala na munang iimik sasabihin ko na ang mga nakapasa."




Tahimik ang lahat.

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon