02: Caught

1.5K 45 4
                                    


Patricia's POV

Lutang pa rin ang isip ko nang magsimula na ang klase. Kahit na anong pilit kong intindihin ang mga tinuturo ni Mr. Valdez sa harap ay hindi ko talaga maunawaan. Ganito talaga siguro kapag matagal kang nawala. Kailangan mong mag-adjust at muling pagaralan ang mga pinagaralan ng mga kaklase mo.

Ang hirap lang sa akin dahil maraming gumugulo sa isipan ko. Gaya nang hindi ko malaman ang dahilan niya at ginawa niya sakin ang bagay na iyon noon. Wala akong maalala na naging atraso sa kanya kaya napapaisip talaga ako. Ganoon na ba siya kagalit sa akin at gustong-gusto niya akong mamatay?

Nang ibaling ko ang aking tingin sa kanya, biglang kumulo ang dugo ko. Biglang naginit ang ulo ko at tila ba nais ko siyang saktan sa mga oras na ito. Nagagawa niya pang maging plastik sa harap ng maraming tao habang nakabaling ang sisi ng lahat sakin. Kakaiba nga talaga siya.

Napaiwas ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Nakapaskil na naman ang ngising iyon sa labi niya. Nakakakilabot talaga. Sinusubukan kong muling ituon ang atensyon sa kanya, hindi ko talaga kaya. Hanggang sa mapukaw naman ng kaklase kong si Caroline ang atensyon ko. May ginuguhit siya sa pahina ng kwaderno niya na siyang nagpataas sa lahat ng balahibo ko. Saglit ko lang nasilayan iyon dahil mabilis niyang tinigil ang ginagawa niya at ibinalik ang kwaderno sa loob ng bag niya.

"Class dismissed."

Nang marinig ko ang tinig ni Mr. Valdez ay muli akong napatingin sa harap. Ngumiti siya ng napaka-lapad samin bago niya nilisan ang klase.

Nang sandaling tuluyan na siyang nakalabas ay siyang simula naman ng mga kaklase ko sa pagiingay. Nariyan ang nagpapatugtog ng malakas habang pilit na sumasayaw, may nagke-kwentuhan, may kumakanta at mga nagbubulung-bulungan. Psh. Napairap tuloy ako. Alam ko naman sakin sila nakatingin at ako ang palihim nilang pinaguusapan.

Mga hangal.

"Hayaan mo na sila," bulong sakin ni Dianne at nilapit ang upuan niya. May kislap sa mga mata niya na tila ba nagsasabing itigil ko na ang pagiisip ng hindi maganda. Sa totoo lang, iyon ang kailangan ko sa mga sandaling ito. Maraming hindi magandang nangyari kaya dapat siguro na maging positibo ako.

"Salamat," iyon na lamang ang nasabi ko bago muling ituon ang atensyon sa librong binabasa ko alinsunod sa tinuturo ni Mr. Valdez sa harapan kanina.

Naging mabilis ang paglipas ng oras at hindi ko napansing breaktime na pala. Gaya ng dati, hindi ako nagmadaling lumabas at hinintay ko munang kumonte ang tao sa klase. Nang lima na lang kaming natitira ay lumabas na ako. Ngunit hindi ko inaasahan ang taong makikita ko pagkalabas ko.

"It's nice to see you," nakangisi niyang turan sakin habang nakatitig sa mga mata ko. Napangisi rin tuloy ako. Kakaiba talaga ang ugali niya kapag kaharap na niya ako. Malayong-malayo sa kung ano siya sa harap ng mga teachers at kaklase namin.

Plastik.

"Nakakatulog ka ba ng mahimbing pagkatapos ng nangyari?" Tumawa siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko maiwasang hindi mainis. Nakakairita talaga ang pagmumukha niya.

"B*tch," bulong ko at lumakad na upang iwan siya sa kinatatayuan niya. Narinig ko ang pagsigaw niya dahil sa ginawa ko. Psh. Akala niya siguro'y mababago niya ang lahat. Pwes, hindi.

Dumiretso ako agad sa cafeteria at pumila. Hindi naman ako natagalan sa pagbili. Isang sandwich at orange juice lang ang binili ko pagkatapos ay naghanap na ako ng puwesto.

Mabuti na lang at may bakante malapit sa puwesto nila Dianne. Hindi na ako nagatubili pa at umupo na ako doon. Tinabihan naman ako nung Marvin para daw may kasama ako. Baka raw kasi mabored ako at ma-op sa kanila. Napangiti lang ako.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon