11: Bloody Event

751 26 3
                                    


Patricia's POV

Isang linggo. Isang linggo na naman ang lumipas at nangungulila pa rin kami kay Dianne. Marami na ang tumulong samin sa paghahanap sa kanya. Kasama na doon ang mga kaklase namin maging ang pamilya at kamag-anak ni Dianne.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin samin kung saan dinala si Dianne at kung sino ang nasa likod nito. Hindi ko pa rin matukoy sa mga kakase ko kung sino sa kanila si Aira. Lahat ay normal ang kilos. Walang kahina-hinala na siyang makapagsasabi na isa sa kanila ay nagpapanggap gamit ang ibang katauhan.

Si Bianca. Nasa kanya pa rin ang pagdududa ko. Hindi pa rin nawawala iyon kahit na tumutulong siya sa paghahanap. Ayokong magpadala sa pinapakita niya, maging ng iba pa. Nasisiguro kong sa mga oras na ito ay nakatingin lang samin ang taong iyon at pinagtatawanan kami dahil hindi namin siya makilala.

Nasabi ko na rin kina Anna Marie ang hinala ko. At maging sila'y duda rin kay Bianca. Ngunit hindi namin ito agad makumpronta lalo pa't wala kaming sapat na ebidensya na makapagdidiin sa kanya sa kasalanan niya. Kung siya man ang nasa likod ng lahat ng ito.

"Ang lalim yata ng iniisip mo."

Napatingin ako kay Marvin nang kausapin niya ako. Nang lumingon ako sa paligid ay tsaka ko lang napagtantong nandito na pala kami paakyat sa hagdan. Masyadong maraming gumugulo sa isip ko kaya siguro hindi ko na namalayang nakarating na ako dito.

"Wala 'to. 'Wag kang mag-alala. Ayos lang ako," sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Kung may problema ka, nandito lang ako palagi at handang makinig."

"Salamat, Marvin. Salamat dahil nandiyan ka palagi sa tabi ko."

"Wala 'yon. Para saan pa't naging magkaibigan tayo."

Oo. Magkaibigan nalang kami ni Marvin. Sinabi ko na iyon sa kanya pa noong inamin niya sakin ang nararamdaman niya. Sa totoo lang kasi, wala pa sa isip ko iyang lovelife na iyan. Kuntento na ako sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Mas gusto ko ring magkaibigan kami dahil pangmatagalan iyon. Kaysa sa kapag naging kami na kapag nagbreak ay biglang maglalaho lahat.

Maluwag sa dibdib na tinanggap naman niya ang sinabi kong iyon. Nagpakatotoo lang ako para hindi siya umasa sa bandang huli na magiging kami. Ayos lang sa kanya na ganon basta't magkaibigan kami hanggang sa huli.

Maraming mga nangyari at natitiyak kong may mga mangyayari pa. Kaya hindi talaga ito ang tamang panahon upang isipin ang tungkol sa pag-ibig na iyan. Mas magandang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pag-aaral namin at nang makatapos kami sa ninanais naming kurso. Kasama na doon ay ang pagkawala ni Dianne. Kailangan namin siyang mahanap bago pa mahuli ang lahat.

"Uy, tulala ka na naman."

Hindi ko namalayang wine-wave na pala ni Marvin ang kamay niya sa harapan ko. Natawa na lang ako dahil sa pagiging balisa ko ngayong araw.

"Tara na sa klase," sabi ko at hinawakan ang kamay niya't umakyat na kami papuntang klase.



Caroline's POV

Hindi pa rin nila mahanap si Dianne. Napangisi ako. Mas maganda. Dahil mawawala na rin ang atensyon ni Apollo sa kanya. Pero leche lang! Dahil hanggang ngayon ay tumutulong pa rin siya sa paghahanap sa bwisit na babaeng iyon. Para saan pa? Wala namang kasiguraduhan na mahahanap niya iyon dahil mismong sina Patricia nga ay hindi mahanap ang kinaroroonan ni Dianne.

Bakit ba may mga taong handang sayangin ang panahon nila para sa paghahanap sa taong wala namang kwenta? Nakakairita sila. Sila ang mga taong matatawag kong pakitang tao lang. Kunwari ay mahalaga sa kanila ang tao kahit na hindi naman talaga. Parang ako. Dahil sa totoo lang...

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon