26: Command

447 14 0
                                    


Anna Marie's POV

Pagpasok ko ng bahay ay dumiretso ako agad sa kwarto ko. Wala akong oras upang harapin ang leche kong ama. Siya ang sumisira ng araw namin ng kapatid ko sa araw-araw na pagtira namin dito.

Ginagawa namin siyang multo. Nandito nga siya sa bahay ngunit hindi namin siya pinapansin at hindi niya rin kami pinapansin. Wala rin naman siyang pakialam e. Nandoon lang siya parati sa casino at winawaldas ang pera ng mama namin.

Namatay si Mama two years ago dahil sa isang car accident. Naisugod namin siya sa ospital ngunit hindi nagtagal ay binawian rin siya ng buhay. Hindi na kasi kinaya ng katawan niya at dahil na rin siguro sa maraming fracture niya sa buto. Simula noon, itong magaling na step-father na namin ang kasa-kasama namin sa araw-araw.

Gustuhin man naming umalis rito dahil sa nakakairita talaga, at hindi namin masikmura ang pagmumukha niya, wala kaming magawa dahil sa kanya pa rin namin kinukuha ang baon at pera namin sa pang araw-araw. Binibigay niya ito ngunit hindi sa paraang lalapit siya samin. Iniiwan niya lang sa kwarto namin ang pera at kami na ang bahala pagkatapos nun. Kahit sa pagkain ay ganon rin. Walang nabago. Kanya-kanya.

"Nakakabagot," sabi ko at humiga sa kama ko nang makapagpalit na ako ng pambahay.

Kinuha ko ang mamahalin kong cellphone sa loob ng aking bag at hinanap ang number ni Lloyd doon. Tatawagan ko na sana ito nang biglang manikip ang dibdib ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Para bang may nangyaring hindi maganda.

May namaalam na naman kaya?

Nang tawagan ko ang number ni Lloyd ay puro ring lamang ito. Ilang beses pa akong tumawag ngunit ganon pa rin. Hindi niya sinasagot. Sa isip-isip ko, baka natulog siya ng maaga at naiwan niyang bukas ang phone niya kaya ganon.

"Kamusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili nang sandaling maisip ko ang mga ginawa niya para sakin noon.

Nagtalukbong ako ng kumot sandali at tinaas ko rin iyon. Anong gagawin ko kung sakaling ako na ang susunod? Kakayanin ko bang harapin ang kamatayan ko? Handa na ba akong makita at makilala kung sino talaga si Aira? Ewan ko. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag dumating na ang araw na kinatatakutan ko.

Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong malapit na ang katapusan mo. Nakakakaba. Nakakatakot. Alam mong wala ka nang magagawa kaya ang tangi mo na lang na maaaring gawin ay ang hintayin ang araw na iyon at maghanda para sa mangyayari.

Sino nga kaya ang taong iyon na nagtatago sa katauhan ni Aira? Napapaisip pa rin ako hanggang ngayon sa katauhan ng taong iyon.

"Ate!"

Napatayo ako nang marinig ang boses ng kapatid ko sa labas. Ano na naman kayang kailangan nito? Napairap tuloy ako dahil sa inis. Gusto ko ngang magpahinga ngunit iniistorbo naman niya ako.

"Bakit?" inis kong sigaw sa kanya mula sa labas.

"Kumain ka na ba? Pinaghandaan kita."

Dahil kumakalam na rin naman ang sikmura ko, napagpasyahan kong pagbuksan siya ng pinto. Pagkabukas ko ay nakita ko siyang may hawak na tray na may pagkain. Kanin, isang basong pineapple juice at bacon ang nakita ko sa mga mangkok. Napangiti ako saglit dahil talagang kilala nga ako nitong kapatid ko.

"Salamat," ani ko at kinuha ng tray mula sa kanya.

Ngumiti muna muna siya sa harap ko bago tumalikod at naglakad pabalik sa kwarto niya.



Cyrill's POV

Nang makabalik sa kwarto ko ay sinara ko agad ang pinto at patihayang humiga sa kama, at umiyak. Sa isang iglap ay nawala si Prince nang dahil sa Aira na iyon. Siya ang puno't dulo ng paghihirap namin sa mga sandaling ito.

Sandali akong napatingin sa bintana nang marinig na may ingay na nagmula roon. Napatigil ako sa pagiyak at kinakabahang bumangon sa kama ko. May nararamdaman ako.

Bakit parang may iba pang tao sa kwarto ko?

Tumayo ako at lumapit sa bintana upang sumilip. Saktong pagkadungaw ko naman ay ang pagtalon ng isang puting pusa sa harapan ko. Agad akong napaatras dahil doon hanggang sa makarinig ako ng ingay na may bumagsak sa ibaba.

Sa muli kong pagsilip ay tumambad sakin ang wasan na katawan na pusa. Ang kaninang maputi nitong balahibo ay naabahiran na ng sarili nitong dugo.

"Kamusta, Cyrill?"

Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ko inasahang makikita ko siya dito. Papaano siya nakapasok nang hindi ko napapansin? At anong ginagawa niya dito? Anong kailangan niya sakin at pakiramdam ko nasa panganib ako ngayon? Bwisit.

"A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Huminga ako ng malalim tsaka lumakad papunta sa kama ko.

"Nandito ako upang bigyan ka ng napaka-gandang alok," aniya at humakbang ng tatlo.

"Ikaw ba?! Ikaw ba si Aira?!" Palingon-lingon ako sa paligid at naghahanap ng kahit na anong maari kong magamit sa kanya.

"Walang duda, ako nga."

Nang marinig kong inamin niya sa harapan ko mismo iyon ay parang bibigay ang katawan ko. Bakit sa lahat ng maaaring maging si Aira sa mga kaklase naming babae ay siya pa? Hindi ako makumbinsi sa nalaman ko. Pakiramdam ko niloloko niya lang ako ngayon.

"Bakit ikaw? Bakit sa lahat ng maaaring maging si Aira, ikaw pa?!"

Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa pagkadismaya. Papaano niya nagagawa samin 'to? Naging mabait kami sa kanya. Sa loob ng maraming taon, kasa-kasama namin siya. Naging magkakaklase kami. Anghel ang pagkakakilala namin sa kanya ngunit di ko inakalang pagbabalat-kayo lamang pala niya iyon upang mapaniwala kami at mapaikot sa mga kamay niya.

"Dahil ako si Aira. At gagawin ko ang lahat ng gusto ko," sabi niya at humakbang muli ng tatlo. Konting-konti na lang ang distansya namin at mahahawakan na niya ako.

"Hindi ako susunod sa gusto mo. Isusumbong ko sa kanila kung sino ka talagang hayop ka!" Pumunta ako sa kabilang gilid ng kama at tumayo doon upang makalayo sa kanya.

"Akala ko ba, mahal na mahal mo si Prince?"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Dinamay niya pa ang lalaking pinaka-mamahal ko sa kahayupan niya.

"Gusto mo bang buhayin ko siya para sa'yo?"

"Sinungaling ka! Tigilan mo na 'ko!" sigaw ko at hinagis sa kanya ang lagayan ko ng mga balllpen. Nang tamaan siya nun ay bigla siyang napayuko... at napangisi.

Ano na namang binabalak niya?

"Papatayin mo ang ate mo. Iyon ang gusto ko," dinig kong sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Akmang lalapitan ko sana siya nang biglang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para akong naparalisa ngunit ang ulo ko lang ang naigagalaw ko. Nakakapagsalita pa rin ako at nakakalingon-lingon sa paligid.

Anong ginawa niya sakin?

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon