44: Revelations

202 7 0
                                    


Patricia's POV

Napasigaw ako ng malakas nang bumagsak ang katawan ni Cyrill. Dilat siyang binawian ng buhay at nakatingin ang mga mata niya sa direksyon namin ni Marvin. Hindi ko maiwasang magtaasan ang mga balahibo ko sa sobrang takot.

Nagpakamatay ang kaibigan ko sa mismong harapan ko. Napanuod ko ang eksenang iyon at bawat detalye nun ay mukhang hindi na mabubura sa utak ko. Kung papaano niya sinaksak ang sarili niya gamit ang pangtabas, talaga namang nakakapangilabot.

"Nais niyo na bang sundan siya sa kabilang buhay?" Nakangisi si Ashly habang tinitignan ang mga kuko niya sa daliri.

"Tumigil ka! Tama na ang lahat ng kasamaang ginawa mo! Sino ka ba sa inaakala mo, ha?! Diyos?! At ganon na lang kung kumuha ka ng buhay?! Napakasama mo!" sigaw ni Marvin at Pinapunta niya ako sa likod niya.

"Dito ka lang sa likod ko. Maliwanag ba?" Tumango lang ako at sumilip nalang kay Ashly.

Muling tumingin si Ashly samin at isang nakakairitang pagtawa ang ginawa niya. Naiinis ako. Bakit parang wala lang sa kanya ang mga nangyari? Bakit ang dali lang sa kanya na kumitil ng buhay ng iba? Wala ba siyang puso? Puro galit na lang ba ang nararamdaman niya? Hindi ba siya marunong magpatawad?

Ano bang nangyari at nagkaganon siya?

"Nagmamatapang ka na ngayon? Akala mo siguro kaya mo 'ko, ganon ba?" Bahagyang napaatras si Marvin sa kinatatayuan niya, maging ako.

"O, bakit parang natatakot ka na? Wala pa nga akong ginagawa sa inyong dalawa e. Nakakatawa ka naman." Ngumiti si Ashly na naging dahilan upang kabahan ako.

Anong pinaplano niya saming dalawa?

"Kung anoman yang binabalak mo, hindi ka magtatagumpay!" sigaw ko at napairap siya.

"Isa ka pa, Patricia! Masyado kang pakialamera!" Dinuro niya ako. "Kung hindi ka sana nangialam sa mga plano ko, kung hindi ka sana tumulong sa kanila, baka masaya kayong dalawa ni Marvin ngayon at kayo na!" Tumalikod siya samin.

"Kaso, huli na ang lahat. Mamamatay kayo rito kasama ang iba nating mga kaklase. Mga walang kwenta." Tumawa siya. Ewan pero naririndi ako sa tawa niya. Parang paulit-ulit na nage-echo sa tenga ko.

Pakiusap, tumigil ka na.

"May nais pala akong ipanuod sa inyo. Sumunod kayo," aniya at lumabas na ng kwarto.

Nagulat nalang ako nang hindi ko na makilos ang buong katawan ko. Hindi ito maganda. Mukhang kinokontrol na niya ang katawan ko.

Lumingon ako kay Marvin at napansin kong hindi rin siya makakilos. Mukhang maging siya ay nasa ilalim na din ng kapangyarihan ni Aira. Bwisit. Bakit ngayon pa?

Ano na ngayon ang gagawin namin? Papaano kami kikilos upang pigilan ang kasamaan niya? Paano na? Wala na ba kaming ibang magagawa kungdi ang magpaubaya sa lahat ng ipapagawa niya? Ayoko.

Natatakot ako.

"Marvin..." Naiiyak na naman ako.

"Magtiwala ka, hindi niya tayo sasaktan. Iba ang plano satin ng babaeng 'yon." Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko.

Maya-maya'y kusang gumalaw ang mga paa namin at naglakad palabas ng kwarto ni Bianca. Pagkabukas namin ng pinto ay agad na bumungad samin ang nakangiting mukha ng demonyong iyon.

"Hayop ka talaga!" sigaw ni Marvin.

"Wala kang kasing sama, Ashly! Paano mo nagagawa samin 'to?!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon