Marvin's POV
Pagpasok palang namin ni Patricia ng Sebastian Academy ay agad na naagaw ang atensyon namin ng mga estudyanteng nagkukumpulan habang may tinititignan mula sa ikalawang palapag.
"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong sakin ni Patricia.
"H-hindi ko alam. Tara, alamin natin," sabi ko at hinila siya palapit doon.
Nagulat kaming parehas nang tumambad samin ang duguang katawan ng isang babaeng estudyante na nanggaling marahil sa itaas. May kaunting biyak sa ulo niya na nasisiguro kong dulot ng pagkabagsak niya.
Hindi ko siya kilala ngunit pamilyar sakin ang mukha niya. Maraming estudyante ang nakatingin sa kanya ngunit agad ring nawala iyon nang tumingin ang mga ito sa itaas.
Nang sundan namin ito ng tingin ni Patricia ay hindi namin inasahan ang makikita namin. Si Caroline. May nakapulupot sa leeg niyang lubid habang nakasampa siya sa bakal. Isang maling galaw lang at maari siyang mahulog at masakal dahil sa lubid sa leeg niya.
"Caroline! Bumaba ka diyan!" sigaw ni Patricia habang hindi mapigilang mataranta sa mga nangyayari.
Natitiyak niya rin sigurong si Aira ang may pakana nito. Kilala namin si Caroline. Hindi siya gagawa ng kahit na anong bagay na maaring kumitil sa buhay niya. Mahal niya ang pamilya niya. Kaya sigurado kaming labag sa kalooban niya itong gagawin niya.
Gaya ng mga nangyari sa kaibigan namin, wala rin siyang magawa dahil hawak siya sa leeg ni Aira. Si Aira ang kumukontrol sa kanya sa katawan niya at wala siyang ibang magawa kungdi ang sumunod dito.
Paano niya ba nagagawa ang mga bagay na ganito?
"Bilisan niyo! Pigilan niyo siya!" sigaw muli ni Patricia.
Inutusan niya ang ilang kalalakihan na pumunta sa ikalawang palapag upang pigilan si Caroline sa gagawin nito. Ngunit hindi pa man nakakaakyat ang mga ito ay tumalon na si Caroline.
Nakakabinging mga sigaw ang ginawa ng lahat habang unti-unting bumabagsak ang katawan niya. Nang pumulupot ang lubid sa leeg niya ay nagpupumiglas siya ngunit hindi siya makawala. Ilang segundo lang ang itinagal niya bago siya tuluyang lagutan ng hininga.
Marami ang napatakip sa kanilang bibig dahil sa nangyari. May mga nagsisisigaw pa rin dahil sa sobrang takot at meron pa ngang nagtakbuhan.
Ang mga estudyanteng naiwan rito sa baba, gaya namin ni Patricia, ay diretso lang na nakatingin sa bangkay ni Caroline na nakabitin sa itaas habang may duguang babaeng eatudyante naman dito sa aming harapan.
Napaisip rin ako sa taong pumatay sa estudyanteng ito na tumulak sa kanya mula sa itaas. Posibleng si Caroline rin ang may gawa nito dahil kagustuhan iyon ni Aira. Nakakainis. Bakit ba hindi pa rin namin siya makilala hanggang ngayon?
Anong kinalaman ni Caroline sa mga nangyayari? Bakit siya kinontrol ni Aira upang magpakamatay? Naguguluhan ako. Ang akala rin namin ay siya si Aira noon ngunit nagkamali kami. Hindi pala siya ang taong iyon.
Sino ba talaga?
Napatingin kami sa gurong dumating at nakita namin si Mr. Valdez kasama si Miss Feleo. Kapwa gulat rin ang dalawa nang makita ang nakabitin na katawan ni Caroline. Dilat ang mga mata nito at medyo bukas ang bibig. Wala na itong suot na sapatos. Nalaglag iyon habang sinusubukan niyang makaalis kanina.
Napaatras naman sila at napatakip ng bibig nang makita ang duguang katawan ng babaeng estudyante na nahulog mula sa ikalawang palapag kanina.
"A-anong nangyari dito?" Bakas ang takot at lungkot sa boses ni Mr. Valdez.
"Nagbigti si Caroline. Itong babae... tingin namin ay tinulak siya ni Caroline kanina bago siya nagpakamatay."
"Pumasok na kayo sa klase niyo. Kami na ang bahala rito," sabi ni Miss Feleo habang pinagmamasdan pa rin ang duguang katawan sa harap niya.
Hindi na kami nagsalita pa at lumakad na kami ni Patricia papuntang klase.
"Natatakot ako, Marvin. Baka ako na ang isunod niya."
Napatingin ako kay Patricia sa sinabi niya. Paluha na ang kanyang mga mata habang sinusubukan niyang pigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.
"Hindi ko hahayaang magyari iyon. Bago ka, ako muna." Huminto ako sa paglalakad at hinawakan siya sa balikat.
"Mahal na mahal kita, Patricia. Handa akong gawin ang lahat maging ligtas ka lang sa Aira na iyon." Niyakap ko siya ng walang paalam. Hindi naman siya bumitaw at naramdaman kong yumakap na rin siya sakin.
"Ayokong pati ikaw mawala. Hindi natin hahayaang magtagumpay ang Aira na iyon sa binabalak niya. Uunahan na natin siya." Bumitaw ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya.
Nang makita kong ngumiti rin siya ay hinawakan ko siya sa kamay at nagpatuloy na kami sa paglakad papuntang klase.
Paakyat na sana kami ng hagdan nang may maaninag akong tao na nakatingin samin habang nakatago sa likod ng pintuan. Nang icheck ko ay wala naman ngunit malakas ang kutob kong may tao talaga doon.
Isang babae.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Patricia habang palinga-linga ako sa paligid.
"Mag-iingat ka. May nanunuod sa mga kilos natin," sabi ko bago kami muling umakyat.
Nang makarating kami sa klase ay tahimik ang lahat. Umupo ako agad sa pwesto ko at nilibot ng tingin ang buong paligid. Ang dami ng nawala sa klase namin nang dahil sa kasamaan ng babaeng iyon.
Napadako ang aking tingin sa upuan ni Caroline. Isa siya sa mga pinaghinalaan naming si Aira. Ngunit hindi naman pala siya ang taong hinahanap namin. Isa kina Bianca at Ashly na lang ang naiisip ko. Sino sa kanilang dalawa si Aira?
Kailangan na namin kumilos agad ni Patricia upang maagapan ang kamatayan namin. Maaring kami na ang isunod niya o di kaya ay si Cyrill. Oo nga pala. Si Cyrill. Hindi pa namin siya nakikita. Ang sabi niya'y papunta na raw siya ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya? Nakakapagtaka.
Magmula ng mamatay ang ate niya ay naging kakaiba ang mga kilos niya. Pansin ko ang hindi niya pagsama samin. Parang... iniiwasan niya kami. Hindi ko alam kung bakit at wala naman akong maisip na dahilan.
May tinatago kaya siya?
Kapag sinusubukan kong tignan siya sa mata ay hindi na siya makatitig sakin. Nakakapanibago. Malakas talaga ang kutob kong may itinatago siya. May alam kaya siya sa pagkamatay ng ate niya? Kilala niya na kaya kung sino si Aira?
O baka ang totoo ay siya si Aira?
Napamura ako sa isip dahil sa naiisip ko. Mas lalo lang naguluhan ang utak ko. Bwisit. Bakit ba kasi naging ganon na siya? Hindi ko siya maintindihan.
Napatingin ako sa pinto nang may magbukas nito. Si Bianca. Bigla nalang akong kinabahan nang makitang ngumisi siya habang palapit sa upuan niya. Nang makaupo ay kinuha niya ang cellphone niya at chineck ito.
Napangisi siya. Napaiwas naman ako ng tingin nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Hindi kaya... si Bianca?
BINABASA MO ANG
Live or Die
HorrorSa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya na magdadala sa kanila sa kapahamakan. Isang tao mula sa nakaraan ang magbabalik upang sila'y paghigantihan. Sino ang taong ito? At ano ang...