Marvin's POV
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag naamin mo sa isang tao na gusto mo siya, na siya ang tinitibok ng puso mo. Sa totoo lang, ako yung klase ng lalaki na torpe at hindi mahilig umamin sa babaeng gusto ko. Hindi ko tuloy maintindihan ngayon ang sarili ko kung papaanong nasabi ko kay Patricia ang nararamdaman ko. Nakahinga ako bigla ng maluwag. Nawala na rin ang hiya ko sa kanya sapagkat nasabi ko na ang dapat kong sabihin noon pa.
Huling klase na namin at hindi ako makapag-focus sa dinidiscuss sa harap. Nadi-distract ako ng sobra dahil katabi ko siya. Nakakatawa. Ngayon lang nangyari sakin ang ganito. Medyo naiilang tuloy ako dahil alam na niyang may gusto ako sa kanya.
Wala akong ibang marinig ng mga sandaling iyon habang nasa cafeteria kami kungdi ang boses lang niya. Napaka-saya ng mga sandaling iyon dahil nakasama ko ang babaeng gusto ko at naipagtapat ko sa kanya ang nadarama ko. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan niyon hanggang sa matapos kami sa pagkain at bumalik na sa klase.
"Mr. Montivello? Nakikinig ka ba?"
Tila nabalik naman ako sa realidad nang marinig ang boses ng guro naming si Mrs. Consuelo. Nakatayo siya sa harap at masama ang pagkakatitig sakin. Bigla akong napalunok. Napansin niya sigurong hindi ako nakikinig sa klase niya.
"Y-yes ma'am!" Masigla at nakangiti kong sagot. Nagtawan naman ang mga kaklase ko maging si Patricia.
Napatingin ako sa kanya at sa harap pa rin siya nakatingin. Seryoso ang mga mata niya habang nakatitig sa guro namin.
"Okay class, next chapter tayo!"
Bumuntong hininga ko nang marinig ang mga katagang iyon kay Mrs. Consuelo. Mabuti na lang talaga. Ayokong mapahiya kaya laking pasasalamat ko na hindi niya napunang hindi ako nakikinig sa tinuturo niya. Babawi na lang siguro ako sa exam. Malapit na rin naman ito. Siguro after two or three weeks exam na namin ulit.
Nagsimula na namang magturo ni Mrs. Consuelo sa harap. But this time, nakikinig na ako. Nadala na kasi ako kanina. Ayoko ring walang matutunan sa subject na ito ngayong araw na ito kaya pagbubutihim ko ang pakikinig. Hindi na ako magpapadistract kay Patricia at magfo-focus na lang ako sa lesson.
Nagtuloy-tuloy pa ang discussion namin hanggang sa marinig kong tumunog na ang bell. Nagpaalam lang samin si Mrs. Consuelo bago nito nilisan ang klase. Nagkakagulo naman ang mga kaklase ko dahil sa xerox copy na ipinapamigay ni Caroline. Ako na ang kumuha ng sa amin ni Patricia at inabot ko ito sa kanya.
"Salamat," sabi niya na ikinangiti ko.
"Bakit ba palagi kang nakangiti? Nakakaasar lang." Umiwas siya ng tingin ngunit tinawanan ko lang siya.
"Kasi ayoko ng malungkot. Gusto ko palagi, masaya lang."
"Nakausap mo na ba si Dianne?"
"Hindi e, tumawag ba siya sa'yo?"
"Wala, hindi rin siya active sa fb niya. Kinakabahan ako."
Sandali kaming natahimik na dalawa. Nagkatinginan kami at tila naguusap sa pamamagitan ng mga tinginang iyon. Maya-maya pa'y isa samin ang nagsalita.
"Hindi kaya, nasa panganib si Dianne?"
May tinignan si Patricia na isa sa mga kaklase namin. Si Bianca. Siya iyong tila naghahamon ng away kanina sa kanya. Napaisip tuloy ako kung anong meron at bigla na lang siyang napatingin doon. Iniisip kaya niya na si Bianca ang may kagagawan kaya wala pa rin si Dianne hanggang ngayon? Marahil ganon nga.
"Demonyo talaga siya," rinig kong bulong ni Patricia. Pumorma ang ngisi sa labi niya na nakapagpataas ng lahat ng balahibo ko. Anong binabalak niyang gawin? Bigla na lang tuloy akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Live or Die
HorrorSa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya na magdadala sa kanila sa kapahamakan. Isang tao mula sa nakaraan ang magbabalik upang sila'y paghigantihan. Sino ang taong ito? At ano ang...