Bianca's POV
Iyak lang ako ng iyak habang yakap-yakap ko ang mga binti ko. Nakainom ako ngunit alam ko ang mga nangyayari. Isa-isang pinapatay ni Cyrill ang mga kaklase namin at hindi ko alam kung anong dahilan niya.
Alam kong mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak ngunit wala akong balak na tumigil lalo pa't wala akong laban sa kanya. Isa siyang mabait na kaklase sa pagkakaalam ko ngunit ko akalaing nasa loob rin pala ang kulo niya.
Demonyita.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumalik na ang kuryente. Nakabukas na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay namin. Gumuguhit pa rin sa ilong ko ang masangsang na amoy na iyon na hindi ko alam kung ano ang pinagmumulan.
Nang igala ko ang mga mata ko sa paligid ay napasigaw ako nang makita ang mga wala ng buhay na mga maids namin. Halos puro saksak sa dibdib at tiyan ang kinamatay nila. Ngunit ang isa na siyang nagpalala sa takot na nararamdaman ko ay wala ng mga daliri.
Sino ang may gawa nito?
Napatigil ako sa pagsigaw nang marinig na may nagbukas ng pinto. Pinilit ko talagang huminto sa pagiyak para lang hindi ako makita ng kung sinomang taong iyon. Natatakot ako.
Ayoko pang mamatay.
"M-mommy..." Nanginginig na ako at kinakagat ko na ang daliri ng kuko ko dahil sa sobrang takot.
Nang dahil sa sobrang taranta ko sa naririnig kong mga yabag, pumasok ako sa isa sa mga cabinet na nasa ilalim ng lababo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon ngunit isa lang ang nais ko.
Makaligtas sa nangyayaring ito at sana panaginip lang ang lahat.
Cyrill's POV
Bago pa man ako makapasok sa loob ng bahay ay bumalik na ang supply ng kuryente. Mukhang mas pinapadali ni Aira ang paghahanap ko sa mga kaklase namin upang mapatay ko sila.
Naiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon. Kinokontrol niya ko upang ako ang tumapos sa mga kaklase namin. Hindi ko inasahan na ganito ang magiging plano niya. Buong pagaakala ko ay tatapusin na niya ako agad matapos ang nangyari kay Caroline ngunit hindi ganon ang nangyari.
Ginawa niya akong kasangkapan.
Ginamit niya ako upang kumilos para sa kanya. Siguro'y tinatamad siyang kumilos o di kaya'y gusto niyang paglaruan muna sina Patrica dahil wala pa ring kaalam-alam ang mga ito sa totoong pagkatao niya.
"Hayop ka talaga, Aira!" sigaw ko nang mabuksan ang pinto.
Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko mula sa itaas. Parang may mga nagtatakbuhan at nagaaway. Hindi ko sigurado pero bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Heto na naman. Kusang kumikilos na naman ang katawan ko.
Mabilis na tinungo ko ang ikalawang palapag at nagpalakad-lakad sa paligid. Ngunit wala akong makitang tao. Nagtungo pa ako sa ibang parte ng bahay pero wala pa rin talaga. Mukhang ginalingan nila sa pagtago kaya wala akong makita ni isa sa kanila.
"Bilisan niyo! Takbo!"
Napalingon ako sa likod ko nang may maglabasan sa isang kwarto. Sa tansya ko'y hindi lalagpas sa pito ang bilang nila at lahat sila'y takot na takot. Nagmamadali silang lumabas at tumakbo upang takasan ako.
Nagulat nalang ako nang kusang tumakbo ang mga paa ko at hinabol sila. Puro lang sila sigawan at iyakan habang pababa ng hagdan hanggang sa marating nila ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Live or Die
HorrorSa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya na magdadala sa kanila sa kapahamakan. Isang tao mula sa nakaraan ang magbabalik upang sila'y paghigantihan. Sino ang taong ito? At ano ang...