Bianca's POV
"Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo sinabing boyfriend ko si Lawrence?" Hinawakan ko si Patricia sa buhok at mahigpit ang pagkakahawak kong iyon.
"H-hindi ko sinasadya! Hindi ko naman alam na hindi pala kayo! Kalat na kalat kasi sa school na kayo na ng lalaking 'yon!" Hinila ko pa ang buhok niya kaya lalo siyang napaaray sa sakit.
Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya. Pinagkalat niya sa buong school na kami ng lalaking 'yon samantalang walang namamagitan saming dalawa. Nakakainis. Nang dahil sa ginawa niya ay laman ako ng social media at school newspaper dito sa Sebastian Academy.
"Bianca Hellardo loves Lawrence Enrico"
Nakakabwisit ang headline na iyon. Tandang-tanda ko pa rin ang mga litratong kasama nun. Kaming dalawa iyon ni Lawrence at nakayakap ako sa kanya. Mali ang pagkakatindi ng iba sa litratong iyon. Walang kami. Magkaibigan lang kami at nagpasalamat lang ako sa pagtulong niya sa assignments ko. Yun lang yon.
"Sinungaling ka! Sabi mo kaibigan kita pero bakit ginawa mo ang bagay na iyon?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Patawarin mo ako! Hindi ko ginustong pagusapan ka nila!"
Nagsimula ng mamuo ng luha sa mga mata niya na siyang ikinainis ko. Siya pa ngayon ang may ganang umiyak samantalang ako ang may kinakaharap na problema ngayon.
Ang buong akala ko talaga ay kaibigan ko siya ngunit mukhang nagkamali ako. Isa rin siya sa mga taong sa bandang huli ay ta-traydurin ako. Sigurado naman akong ginawa niya iyon dahil gusto niyang mapahiya ako sa iba. Akala niya siguro'y hindi ko alam na naiinggit siya sakin. Psh.
Nakakairita talaga.
"Magbabayad ka!" sigaw ko at kinaladkad ko siya palabas ng bodega na iyon.
Dire-diretso lang ako habang nakahawak pa rin ako sa buhok niya. Wala akong pakialam kung nasasaktan na siya dahil mas nasasaktan ako. Higit na ako ang nagdurusa sa pangyayaring iyon. Ang pangalan ko, nabahiran na ng dumi nang dahil sa huwad na kaibigan kong ito.
Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang ginawa niya ang bagay na iyon. Muli kong ipapakita sa kanya ang Bianca na kilala niya. Ang Bianca na masama. Ang Biaca na mapaghiganti. Ang Bianca na handa siyang dalhin sa bingit ng kamatayan.
"Hoy bitawan mo yan!"
Hindi ko pinansin ang paninita sakin ng guard hanggang sa makalabas na kami ni Patricia ng Sebastian Academy. Mabuti na lang at walang nakakita sakin na ibang estudyante dahil ayokong makita nila ang gagawin ko. Gusto kong ako pa rin ang magmukhang mabuti pagkatapos ng pagganti ko.
"Anong gagawin mo sakin, Bianca? Bitiwan mo ko!"
Nasa kalsada na kami at rinig na rinig ko ang ingay ng mga sasakyang dumaraan. Ang sarap pakinggan. Maya-maya'y ang tunog na iyan ang maririnig kong tatapos sa babaeng ito.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo, Patricia." Ngumisi ako sa kanya at muling pinagmasdan ang mga sasakyan.
"Handa akong gawin ang lahat ng gusto mo 'wag mo lang gawin ang bagay na ito! Ayoko pang mamatay!" Hinawakan niya ang kamay ko at sinubukang alisin ang pagkakasabunot ko sa kanya.
"Manahimik ka!"
Muli ko siyang kinaladkad. Tumawid kami ng kalsada at tumigil kami sa may gitna. Iyak siya ng iyak habang ako naman ay galit na galit. Nanggigigil talaga ako sa pagmumukha niya. Leche siya. Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.
"Please, Bianca. Itigil mo na 'to," nagsusumamo niyang sabi sakin.
"Wala na akong pakialam sa'yo simula ngayon. Hindi na tayo magkaibigan pa," sabi ko at tinulak siya ng malakas.
Napangisi ako nang makitang isang humaharurot na sasakyan ang sumalubong sa kanya.
"Paalam, Patricia."
-----××-----
Nakakabinging tunog ng alarm clock ang gumising sakin. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay pinatay ko ito bago ko kusutin ang aking mga mata. Papungas-pungas na bumangon ako at humarap sa salamin.
Sariwa pa rin talaga sa isipan ko ang pangyayaring iyon. May mga gabing napapanaginipan ko talaga ang ginawa kong pagtulak kay Patricia na siyang naging sanhi ng pagkakaroon niya ng trauma. Nalaman kong hindi na niya kayang tumawid magisa sa kalsada dahil nanunumbalik sa isipan niya ang ginawa ko.
Nakakaawa talaga siya.
"Hangal," sabi ko habang nakangisi sa harap ng salamin. Sinuklay-suklay ko ang buhok ko at inayusan ng kaunti ang aking sarili.
Ilang saglit pa ay naghanda na ako para sa aking pagpasok. Agad akong naligo at nang matapos ay niready ko na rin ang aking uniform na talaga namang napaka-ganda. Nilagyan ko ng kaunting palamuti sa kwelyo para maging kakaiba sa mga pangkaraniwang estudyante.
Sikat yata ako.
Nang makapagbihis ay dimiretso ako sa kusina at naghanda ng aalmusalin. Mabuti na lang at may natira pa akong sandwich at chocolate drink sa ref kaya yon na lamang ang kinain ko. Nagsipilyo ako ulit at uminom ng tubig bago lumabas ng bahay.
Tahimik lamang ako habang nakasalpak sa tenga ko ang earphones na may tugtuging rock. Ito ang nakahiligan ko noon pa dahil sa astig naman talaga.
Napatanggal ako agad ng earphone sa tenga ko nang makarinig ng pagsigaw. Hindi iyon galing sa tugtog kaya bigla akong kinabahan. Ngayon ko lang naexperience yon kaya naman kinabahan ako ng husto.
Huminto ako sa paglalakad at ibinalik sa bag ko ang cellphone at ang earphone. Nawalan na ako bigla ng gana.
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko ang isang jeep na palapit sakin. Nasa unahan niyon si Patricia habang nakatingin sa kawalan. Napangisi ako at isang ideya ang naisip ko.
Bakit kaya hindi ko muling ipaalala sa kanya ang pangyayaring iyon?
BINABASA MO ANG
Live or Die
HorrorSa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya na magdadala sa kanila sa kapahamakan. Isang tao mula sa nakaraan ang magbabalik upang sila'y paghigantihan. Sino ang taong ito? At ano ang...