07: Threats

914 32 9
                                    


Bianca's POV

Nakapaskil ang ngiti sa labi ko habang tinatahak ang daan papasok ng Sebastian Academy. Nakatingin silang lahat sakin... nakangiti sila. Talagang paniwalang-paniwala ko sila sa ugaling inaakala nila. Na mabait ako, na ako ang walang kasalanan sa nangyari sa aming dalawa ni Patricia.

Nakakatawa talaga sa tuwing sa kanya nababaling ang sisi kapag may nangyayaring hindi maganda. Nakadikit na ang kamalasan sa pangalan niya. Kawawa talaga siya. Ang layo na ng pagkakakilala sa kanya noon kumpara sa ngayon. Kinasusuklaman na siya ngayon ng lahat at kinamumuhian. Nilalayuan na siya halos ng lahat ng estudyante maging ang mga guro.

Napangisi tuloy ako.

"Ashly?" Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa bench at tila may isinusulat.

Nang tumingin sakin ang babaeng iyon ay napangiti ako. Si Ashly nga. Kilalang-kilala ko talaga siya. Sa lahat ng kaklase namin, siya at si Caroline lang ang pinaka-close ko. Maliban doon, wala na. Sarado na ang utak ko para sa mga taong walang kwenta na nakikipagkilala sakin. Dahil kilala ko na sila agad. Kaparehas lang nila ang Patricia na iyon. Mabait sa simula ngunit sa bandang huli ay tatraydurin ka rin gaya ng ginawa ng babaeng iyon.

Sariwa pa rin sa utak ko ang mga ginawa niya at ang kaplastikan niya. Naiirita tuloy palagi ako sa tuwing nakikita ko siya sa loob ng klase. Kung papipiliin lang ako na lumipat ng klase ay buong-buo ko itong tatanggapin. Sapagkat hindi ko talaga makayanang makasama sa iisang klase ang babaeng kinamumuhian ko at ang mga nakakairitang kaibigan niya.

Magsama-sama sila!

"Bakit ka nakatulala? May problema ba?"

Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Ashly at wini-wave ang kamay sa harap ko ngunit hindi ko napansin. Siguro'y malalim lang kasi talaga ang iniisip ko.

"A-ah, oo! Walang problema," sabi ko at ngumiti. Ngumiti lang rin siya at inaya na akong pumasok na kami sa classroom.

Habang nasa hallway kami ay panay pa rin tingin sakin ng mga estudyante. Ganito talaga siguro kapag may nangyari sayo, bigla ka nalang magiging sikat. Sa totoo lang, matapos mabalita sa buong school ang nangyari, maraming naging interesado na makipagkilala sakin.

Nariyan ang mga nag-add sakin sa social media account ko at yung mga kumakausap sakin dito sa school. Ngunit iilan lang ang kinakausap ko sa kanila. Bukod sa wala akong panahon makipagusap, ayoko na ring makakilala pa ng iba. Kuntento na ako sa mga taong kilala ko. Iyong mga mapagkakatiwalaan talaga at ituturing akong isang kaibigan.

"Talagang sikat na sikat ka na." Napatingin ako kay Ashly.

"Naging sikat lang naman ako dahil muntikan na akong mamatay," sabi ko at mahinang tumawa.

"Bakit kaya ganyan sila?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mapapansin lang nila ang isang tao kapag may nabalita tungkol rito o may nangyaring hindi maganda."

"Hindi ka pa nasanay," sabi ko at tsaka ko lang napansing nandito na pala kami sa tapat ng klase.

Tumingin lang ako saglit sa wrist watch ko. 6:55AM. Maaga pa. Ngumiti muna ako at nauna na akong pumasok sa loob ng klase. Nakasunod lang sakin si Ashly hanggang sa makaupo na kami.

"Bakit wala pa si Patricia?"

Napatingin ako kay Caroline nang marinig ang sinabi niya. Nang lingunin ko ang upuan ni Patricia ay wala nga siya doon. Nakapagtataka. Wala rin si Marvin at maging sina Anna Marie, Cyrill, Prince, at Lloyd ay wala rin. Anong meron?

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon