Patricia's POV
Napasigaw ang lahat nang biglang mamatay ang lahat ng ilaw at mawala ang music. Napakapa ako sa paligid ko. Nasa gilid pa naman ako at hindi ko kabisado ang bahay na ito.
Nakakainis.
Hindi ko maintindihan kung anong meron at biglang nangyari 'to. Ayos naman ang lahat kanina. Walang problema. Iyon ang napansin ko dahil enjoy na enjoy si Bianca at hindi niya namalayang nalalasing na siya.
"Sh*t! Anong nangyayari?"
"What the f*ck! Brownout?!"
"Omg! Bianca, naputulan ba kayo?"
"Guys? Ayos lang ba kayo?"
Nagpalakad-lakad ako. Wala pa rin akong makapa. Lumiko ako sa kanan at may natamaan ako. Sh*t. Yung chocolate fountain. Lumagkit bigla ang braso ko dahil doon. Badtrip.
"Patricia?!"
Napalingon ako sa pinangggalingan ng boses. Si Marvin iyon. Hindi ako maaring magkamali. Bakas ang pagaalala sa boses niya. Hindi ko rin napansin kung nasaan siya kanina kaya't mukhang mahihirapan ako nito.
"Marvin!" sigaw ko.
Nagpalakad-lakad pa ako at ang mga bisita na ang nababangga ko. Maya-maya ay may humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat. Hindi ko alam kung sino itong nakahawak sakin.
Napalunok ako.
Hindi kaya si Aira?
"Patricia, ikaw na ba yan?"
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses na iyon.
"Oo Marvin. Ako 'to," sabi ko at humawak sa mga braso niya. Sinigurado ko lang kung siya nga itong kaharap ko.
"'Wag kang mag-alala. Ako 'to, si Marvin. Okay ka lang ba? Bakit ang lagkit ng braso mo?"
"Nasagi ko kasi yung chocolate fountain kanina. Si Cyrill, nasaan?"
Kinabahan ako sa sinabi ko. Hindi ko rin napansin si Cyrill kanina. Kung saan-saan lang kasi ako nakatingin at malalim ang iniisip. Cupcakes at iced tea lang kasa-kasama ko kanina. Ayoko mag-alak at baka mapagalitan ako ni Mama.
"Ewan. Hindi ko siya nakita. Baka naman nasa paligid lang? Subukan nating tawagin."
"Sige. Cyrill! Nasaan ka?!"
Hinawakan ako ni Marvin sa kamay na siyang kinagulat ko. Hindi ko na pinansin pa iyon dahil ang mas importante ngayon ay mahanap namin si Cyrill. Kailangan na magkakasama kami upang maiwasan na may mapahamak. Nasa paligid lang si Aira.
Siya kaya ang dahilan ng pagkawala ng kuryente?
"Cyrill! Sumagot ka! Nasaan ka?!"
Hindi ko sigurado kung naririnig niya kami kung nasaan man siya dahil maingay rin ang mga bisita. Natataranta na yung iba habang ang ilan ay natatakot na. May iba naman na enjoy na enjoy pa rin kahit walang kuryente.
Nasaan na ba kasi siya.
Ilang bisita pa ang nabangga namin hanggang sa makalapit kami sa pinto ng bahay. Nandito kaya siya sa loob? Posible. Baka hindi siya nakuntento sa mga pagkaing nasa labas at kumuha siya sa loob. Ewan ko lang. Pwede ring wala siya rito.
Hays. Nakakainis na. Hindi na ako mapakali. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makarinig ng isang malakas na sigaw na siyang nagpatahimik sa lahat.
Takot na takot na kumapit ako sa damit ni Marvin habang sinusubukang aninagin sa dilim ang nangyari at kung bakit sumigaw ang babaeng iyon.
"Hindi maganda ang kutob ko. Mabuti pa, magtago tayo dito sa likod ng mga halaman."
Hindi na ako nakatanggi pa at hinila ako ni Marvin upang makapagtago kami. Napatakip ako ng bibig ko nang gamitin ng mga kaklase namin ang mga cellphone nila at gamitan ng flashlight ang paligid.
"Tulungan niyo ko..." Umiiyak yung babae habang may nakahawak sa leeg niya. Hindi ko makilala ang taong nasa likod niya ngunit parang pamilyar sakin yung damit na suot nito.
"Cyrill?" Nagulat ako sa nalaman ko. Anong ginagawa niya sa babaeng iyon? Bakit may hawak siyang patalim? Bakit niya ginagawa 'to?
Magsasalita pa sana ulit ang babaeng iyon nang tuluyan ng ibaon ni Cyrill ang kutsilyo sa leeg nito. Kitang-kita namin ang masaganang dugo na umagos mula sa leeg ng babae habang unti-unting binibitawan ni Cyrill ang katawan nito.
"Anong ginagawa ni Cyrill? Bakit niya pinatay yung babae?" Nanlaki ang mga mata ni Marvin nang marealize niyang si Cyrill ang may gawa nun.
Isang malakas na pagsigaw ang ginawa ng babae hanggang sa nasundan pa ito ng iba pang bisita. Nagtakbuhan sila kung saan-saan. Nabitawan nila ang mga cellphone nila kaya muling dumilim sa paligid.
Kinakabahan na naman ako. Pakiramdam ko ay nasa paligid pa rin si Cyrill at nakatayo sa kinatatayuan niya kanina.
Hindi ko maiwasang mapaisip sa mga nangyari. Bakit niya ginawa iyon? Leche. Hindi kaya, kinokontrol na rin siya ni Aira? Sa ngayon ay gagawa siya ng mga hindi maganda pagkatapos mamaya ay bigla siyang magpapakamatay.
Ayokong masaksihan ang eksenang iyon.
"'Wag kang maingay," bulong ni Marvin at diretso pa rin ang tingin kahit wala kaming makita.
Maya-maya'y nakarinig ako ng mga yabag na papalapit samin. Napalunok ako sa pagiisip na baka si Cyrill iyon at alam niyang nasa likod kami ng mga halaman na ito.
"'Wag kang gagalaw," bulong ni Marvin at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.
Napapikit na lang ako nang mawala ang mga yabag. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakakasilaw na ilaw ang bumungad sakin. Hindi ko agad nakita kung sino ang nagtututok sakin ng ilaw. Napatakbo na lang ako bigla nang hilahin ako ni Marvin papunta sa kung saan.
Parang nagslow motion ang paligid sa pagtakbo namin. Lumingon ako patalikod at nakikita ko pa rin ang ilaw ngunit nasa lapag na iyon. Nang muli akong tumingin sa tinatakbuhan namin ay napatigil kami nang isang pamilyar na tao ang nakaharang.
"Tumakas na kayo! Papatayin tayo ni Aira!" sigaw niya habang umiiyak.
Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Marvin nang gumalaw ang kaliwang kamay ni Cyrill habang tinataas ang kutsilyong hawak niya. Nanghina ako sa nakikita ko.
"Patawarin niyo ako... Ako ang totoong pumatay kay ate."
Pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya ay parang gusto ko siyang pagsasampalin at sabunutan dahil sa ginawa niya. Seryoso siya. Nakikita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko lang matanggap na hindi niya agad samin sinabi ang totoo gayong tatlo na lang kami
Makasarili siya.
"Bakit mo siya pinatay?! Magsalita ka!" Naiyak na rin ako dahil sa eksena. Kung pwede ko lang sana siyang lapitan at saktan ginawa ko na. Ngunit alam kong imposible iyon dahil baka atakihin niya ako ng patalim na hawak niya.
"Kasi iyon ang gusto niya!"
Napapasok kaming dalawa ni Marvin sa loob ng bahay nang habulin kami ni Cyrill. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit ang importante sa ngayon ay makapagtago kami upang hindi namin masaktan ang isa't-isa.
Oras na makita niya kami sa pinagtataguan namin, o kung sinoman sa mga kaklase namin, nababatid kong tatapusin niya.
Papatayin niya.
BINABASA MO ANG
Live or Die
HororSa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya na magdadala sa kanila sa kapahamakan. Isang tao mula sa nakaraan ang magbabalik upang sila'y paghigantihan. Sino ang taong ito? At ano ang...