32: Hang

442 16 2
                                    


Patricia's POV

Pagkatapos kong magbihis ng uniform at magayos ng buhok ay dumiretso ako agad sa kusina upang makapag-agahan.

Umupo ako sa upuang nasa harap ni Mama at agad na kumain ng pandesal na nasa plato. Pinalamanan ko rin iyon ng itlog upang mas masarap. Ganitong klaseng almusal lang ay solve na solve na ako.

Paborito ko kasi ito lalo na kapag sinamahan pa ng pancit canton. Mapaparami talaga ako ng kain kapag ganito ang nakahain sa mesa tuwing umaga. Paborito ko e. Kaya hindi malabong mangyari iyon.

Napahinto ako sa pagkagat nang makatanggap ako ng message mula kay Cyrill. Ayon sa text ay papasok raw siya. Pinipilit raw siya ng step-father niya na pumasok kahit na ayaw niya. Para sakin, mas mabuti na rin siguro iyon nang makalimutan niya kahit papaano ang nangyari sa ate niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala hangang ngayon na tatlo na lang kaming natitira. Sa isang araw ay sabay na namatay sina Lloyd at Anna Marie. Parang sinadya talaga ni Aira na mangyari ang bagay na iyon. Napapaisip tuloy ako kung sino sa aming tatlo ang isusunod niya. Ako kaya? Si Marvin? O si Cyrill?

Ang hirap sabihin kung sino.

"Anak, susunduin ka ba ni Marvin ngayon? Gusto mo bang ihatid na kita?" Umiling lang ako kay Mama.

"'Wag na po kayo mag-abala, Ma. Susunduin po ako ni Marvin. Magpahinga nalang po kayo," ang sabi ko bago kumagat sa tinapay na hawak ko.

"Ah, ganon ba? Sige, mamamalengke pa naman ako mamaya." Ngumiti siya sakin tsaka uminom ng kaunti sa kape niya.

"Tulog pa rin po si Papa?" natatawang tanong ko.

"Hindi ka pa nasanay. Oo, anak. Palagi naman kasing pagod 'yang tatay mo." Nagtawanan kaming dalawa.

Napatingin kami parehas sa pinto nang marinig na may nagdorbell. Sigurado akong si Marvin iyon dahil ganito siya kaaga pumunta sa bahay upang sunduin ako.

"Sige Ma. Una na po ako." Hinalikan ko si Mama sa pisngi.

"Mag-iingat ka." Kumaway ako sa kanya habang palabas ako ng pinto.

Nakangiting mukha ni Marvin ang sumalubong sakin pagkalabas ko. Bagama't ganon ang ekspresyon ng mukha niya ay alam kong may lungkot sa likod nun. Alam niya kasing koting panahon na lang at isa na sa aming dalawa ang isusunod ni Aira.

Natatakot ako sa sandaling iyon.

"Tara na?" aniya nang makalapit na ako sa kanya.

Tumango lamang ako at ngumiti pagkatapos ay sabay na kaming lumakad papuntang sakayan habang tahimik na naglalakad.



Caroline's POV

Pilit na ngiti lamang ang ginagawa ko sa lahat ng estudyanteng makasalubong ko. Hindi ko magawang magsalita sa kanila dahil kontrolado niya ang katawan ko sa mga sandaling ito.

Gustuhin ko mang humingi ng tulong ay hindi ko magawa dahil napangungunahan ako ng labis na takot. Hindi ko inakalang may ganito siyang kakayahan. Ang alam ko ay pangkaraniwan lamang siya subalit nagkamali ako. Nakakainis.

Nasa panganib ang buhay ko ngayon.

Ang buong akala ko'y tutuluyan na niya ako sa bahay ngunit mukhang nais niyang dito ako sa paaralan namin bawian ng buhay. Marahil upang masaksihan ng nakararami ang magiging kamatayan ko. At upang makita niya ang reaksyon nina Patricia oras na makita ako ng mga ito. Lalong-lalo na si Cyrill. Dahil pinaghinalaan ako nito na ako si Aira kahit na hindi naman talaga.

Kung nandito lang siguro sila ng mas maaga baka masabi ko pa sa kanila ang mga nalalaman ko. Ngunit mukhang malabo na mangyari ang bagay na iyon. Dahil malapit na ako sa destinasyon ko.

Nang makaayat ako sa ikalawang palapag ay napalunok ako. May ideya na ako sa plano niya para sakin. Batid ko na kung ano ang magiging katapusan ko maya-maya.

"Pakiusap, tumigil ka," bulong ko habang dahan-dahang binababa ng katawan ko ang aking bag.

Binuksan ko iyon kahit hindi ko ginusto at hinanap ang kasangkapang iyon para sa aking magiging katapusan. Napaiyak na lang ako nang ilabas na iyon ng mga kamay ko at sinimulang gumawa ng buhol roon.

"Anong ginagawa niya?" rinig kong bulong ng ilang estudyanteng nakakita sakin.

Dumiretso pa rin sila sa paglalakad at hindi pinansin ang ginagawa ko. Samantala, pinagmasdan lamang ako ng iba pang estudyante habang nasa loob ng mga klase nila. Para bang wala silang pakialam sa gagawin kong pagpapatiwakal.

"Hoy! Tigilan mo iyan!" boses iyon ng isang babae mula sa klaseng nasa likuran ko.

Hindi pa rin huminto ang mga kamay ko sa paggalaw hanggang sa nagpulupot na ito ng lubid sa may bakal.

"Hindi ka ba makaintindi? Sabing itigil mo iyan!"

Napatingin ako sa kanan ko nang lumabas ang babaeng iyon mula sa klase nila. Magsasalita pa sana ako nang biglang kumilos ang mga kamay ko at tinulak ang babaeng iyon mula sa ikalawang palapag.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. Nahulog ang babaeng iyon at duguan na ang katawan niya sa ibaba. Dinumog iyon ng mga estudyanteng nasa school grounds habang nagsisisigaw naman ang mga kaklase ng babaeng napatay ko nang hindi sinasadya.

Hindi ako ang may gawa nun. Hindi ko ginusto ang nangyari. Hindi ako ang pumatay sa kanya. Kung hindi, siya. Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Pinaglalaruan niya kaming lahat.

"A-ayoko..."

Napapikit ako nang unti-unti ng isinusuot ng mga kamay ko ang lubid sa ulo ko. Nang nasa leeg ko na ito ay nadinig ko na namang nagsigawan ang mga estudyante. Napatingin ako kaliwa't-kanan at nakita kong napalabas sila ng klase.

"'Wag mong ituloy yan!"

"Nababaliw ka na ba! 'Wag kang tatalon!"

"Si Caroline yan, diba? Pigilan niyo siya!"

"Caroline, pakiusap! Pag-usapan natin 'to!"

Umiling-iling lang ako sa mga naririnig ko sa kanila. Hindi ko kaya. Siya ang nagmamay-ari ng katawan ko ngayon. Hindi ko magawa ang gusto ko. Gustuhin ko mang itigil itong kahibangan na ito ay hindi pwede. Sapagkat ito ang nais niya.

Nais niya na magpatiwakal ako sa harap ng maraming tao.

Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko siya habang nasa likod ng ilang mga estudyante at nakangisi. Talagang nasisiyahan siyang makita akong nahihirapan ng ganito. Tiyak kong nasasabik na siyang makita ang nakabigti kong katawan mamaya. Hayop talaga siya!

Isa siyang napakasamang nilalang!

Nakipagtitigan pa ako ng ilang segundo sa kanya hanggang sa maramdaman kong kumilos na naman ang mga paa ko at sumampa sa bakal.

Parang awa niyo na... iligtas niyo 'ko.

Narinig ko ang nakakabingi nilang mga sigaw nang tumalon na ako sa bakal na iyon. Kasabay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon