24: You're Next

513 17 4
                                    


Marvin's POV

Maaga akong gumising at naghanda. Simula sa araw na ito ay ihahatid-sundo ko na si Patricia sa kanila upang maiwasan na ang nangyari sa kanya doon sa gitna ng kalsada kung saan din pala naganap ang aksidente niya. Kaya naman pala ganon na lang ang takot niya nung araw na iyon dahil kay Bianca at sa kaparehas na kotse na nakabangga sa kanya.

Mabuti na lang at mabilis siyang bumalik sa normal at nawala ang trauma niya. Salamat sa mga kaibigan namin na tumulong upang bantayan siya kapalit ng pagliban nila sa klase. Pinakiusapan ko si Lloyd na siya na ang magpasa ng mga project namin ni Patricia na miniature dahil na rin sa nangyari.

"Hindi ka ba mag-aalmusal man lang muna anak?" tanong sakin ni Mama pagkababa ko ng kusina.

"Magbabaon nalang po ako. Kailangan ko pa pong sunduin si Patricia." Kinuha ko ang isang plastic at nilagyan ng tatlong sandwich iyon.

"Talagang gustong-gusto mo siya, anak. Sayang lang at hanggang kaibigan lamang kayo." Ngumiti lang ako dahil sa sinabi ni Mama.

"Ayos lang 'yon, Ma. Tanggap ko na rin naman e. Mas maigi na rin siguro 'yon para matagalan ang relasyon namin. Kaysa sa naging kami tapos kapag nagbreak ay wala na agad." Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ko. Masyado yatang lumawak ang imagination ko.

"O, bakit ka natawa anak?"

"Wala po Ma," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Hindi ka ba magpapaalam sa Papa mo?"

"Hindi na po. Tulog pa e." Kinuha ko ang tasang may lamang kape at uminom ng kaunti dun.

"Sige po." Kumaway ako at naglakad na palabas ng bahay.

Nasasabik na akong makita si Patricia.



Anna Marie's POV

Bumaba ako ng jeep kasunod ang kapatid kong si Cyrill. Pagkalingon ko sa kaliwa ay nakita ko sina Patricia at Marvin. Napangiti tuloy ako. Mukhang magiging magkasabay na silang pumasok simula ng araw na ito.

"Patricia! Marvin!" Sabay na napalingon ang dalawa sa pagtawag ng kapatid ko.

"Cyrill! Anna Marie!" Nakangiting lumapit samin ang dalawa.

"Ang aga niyo naman yata," natatawang sabi ko.

Nakakapanibago kasi. Sa pagkakaalam ko, palaging late ang dalawang ito tuwing papasok sila sa first subject ngunit tignan mo nga naman ngayon, early bird itong dalawa. Hindi ako magtataka kung magugulat ang mga kaklase namin kapag nakita silang maagang pumasok na dalawa.

"Maaga ang tagasundo e," sabi ni Marvin at malapad na ngumiti.

"Hindi tuloy ako nakapagalmusal." Biglang lumungkot ang mukha ni Patricia.

May kinuha si Marvin sa bag niya na plastic at nakita kong may lamang iyon na sandwich. Tatlong sandwich to be exact. I don't know kung anong palaman nun pero sagana siya sa palaman. Nagutom tuloy ako bigla.

"O, heto." Inabot ni Marvin ang isang sandwich.

"Kayo? Kumuha rin kayo," sabi pa niya at inabot sakin ang plastic na may lamang dalawang sandwich.

Walang pagaatubiling kinuha ko iyon at binigay ang isa sa kapatid ko. Kinagatan ko kaagad dahil talagang nagutom ako bigla.

"Ang takaw ni ate." Sinamaan ko lang ng tingin ang kapatid ko. Minsan na nga lang ako ganahan sa pagkain, kinokontra pa niya ako.



Lloyd's POV

Patawid na dapat ako ng kalsada nang mapansin kong may nakamatyag sakin. Lumingon ako sa paligid baka sakaling makita ko ang taong iyon ngunit puro kapwa ko lang estudyante ang nakikita ko. Nakakainis. Ayokong magisip ng hindi maganda ngunit pakiramdam ko ay may panganib na naman na paparating.

Kung ano iyon, hindi ko alam.

Isinawalang bahala ko na lamang iyon at tumawid na ako upang makapasok na agad sa Sebastian Academy. Ngunit papunta pa lamang ako nang mapuna kong maraming estudyante ang nagkukumpulan sa may bandang gilid. Nakiusisa ako upang alamin ang nagaganap at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Patay na si Prince.

"Grabe naman ang sinapit niya. Sino ang walang awang may gawa niyan sa kanya?"

Napatingin ako sa babaeng tumabi sakin. Pamilyar siya sakin. Ano nga ulit ang pangalan niya? Ah, naaalala ko na. Siya si Kiana, isa siya sa mga kaibigan ni Caroline. Bibihira ko lang siyang makita dahil hindi siya palalabas ng klase nila. Bagama't magkalapit lang ang mga klase namin ay hindi ko siya nakikita ng madalas dahil mas sanay siyang sa nasa klase lang nila at nagbabasa ng libro.

May kakaiba sa kanya ngayon.

"Sino nga kaya?" bulong ko. Dahilan upang mapatingin siya sakin.

"Nakakatakot. Ang brutal ng pagkamatay niya," aniya at muling ibinalik ang atensyon sa bangkay ni Prince.

Nakahandusay ito sa lupa. Duguan ang buong katawan at malaki ang sugat sa gilid ng ulo. Parang paulit-ulit itong sinaksak ng kutsilyo na naging dahilan nito. Iyon ang naiisip ko. May mangilan-ngilan rin siyang sugat sa mukha na sa tingin ko'y galing sa pagkalmot.

Nakapagtatakang walang masyadong dugo na nagkalat sa paligid ng katawan niya. Napaisip ako. Mukhang dinala lang rito ang bangkay niya upang i-expose sa mga tao at manakot. Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko habang nakatingin sa pare kong si Prince. Wala na siya nang dahil sa Aira na iyon. Sino kaya sa amin ang isusunod ng demonyong iyon? Natatakot ako.

Hindi pa ako handang mamatay.

Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng nakatingin sa kaibigan ko. Nang mahanap ko sina Patricia ay dali-dali akong lumapit sa kanila. Iyak ng iyak si Cyrill habang sina Patricia at Anna Marie ay maluluha na gaya ko. Si Marvin naman ay diretso lang ang tingin na tila ba nagiisip sa pangyayaring ito.

"Hindi sana tayo hahantong sa ganito kung hindi natin ginawa iyon sa kanya," rinig kong sabi ni Anna Marie.

"Huli na ang lahat. Naghihiganti na siya," walang emosyong sabi ni Patricia.

"Sino na ang susunod?" bulong ni Marvin.

Napatitig ako kay Cyrill at todo iyak pa rin siya. Totoong hindi nga niya matanggap na wala na ang lalaking pinaka-mamahal niya. Sayang. May pag-asa pa naman na maging sila kung buhay pa sana ang kaibigan ko. Masaya sana sila ngayon sa relasyon nila at walang pinoproblemang kahit na ano.

Muli akong napatingin sa bangkay ni Prince. Napalapit ako nang makakita ng kaprasong papel na nakalawit sa bulsa ng uniporme niya. Kulay itim ang papel na iyon. Wala akong ideya kung anong meron dun kaya nacurious akong alamin.

Lumuhod ako malapit sa kanya at kinuha sa bulsa ng uniporme niya ang papel. Nang basahin ko ito ay bigla akong napaupo at nabitawan ko iyon.

'You're Next'

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon