Marvin's POV
Nakailang contact na ako kay Lloyd ngunit hindi pa rin niya sinasagot ang telepono. Sa kanilang apat tinawagan ko, siya lang ang bukod tanging hindi ko nakamusta tungkol sa lagay niya. Nababahala tuloy ako ngayon at baka may nangyari ng hindi maganda.
Pagkatapos ng nangyari kay Prince, naging matindi na ang takot namin dahil dalawa na ang namamaalam. Ang hirap isipin kung sino ang maaring isunod niya. Babae-lalaki ang naiisip kong pattern niya ng pagpaslang ngunit sa mga sandaling ito parang nagkakamali na ako sa hinala ko.
"Ano ba, sumagot ka," inis kong sabi habang sinusubukang tawagan ulit ang number ni Lloyd. Ngunit wala pa ring sumagot. Puro ring lang ito na lalong nagpalala sa pagiisip ko ng hindi maganda.
Upang mawala itong nararamdaman ko, mukhang kailangan ko yatang pumunta na lang sa kanila kahit na alas diyes na ng gabi. Hindi talaga ako mapapanatag hangga't hindi ko nasisigurong ligtas siya.
Nagbihis ako ulit ng damit at saglit na inayos ang buhok ko. Paglabas ko ng kwarto ay isang hindi pamilyar na tao ang nakita ko. Nakasuot siya ng mahabang itim na damit na may hood. Parang iyong nakita ni Patricia noong kababalik niya lang sa Sebastian Academy. Naikwento niya sakin ang bagay na iyon nang minsang pauwi na kami. Hindi kasi niya alam kung bakit nagpakita iyon sa kanya at hindi niya rin ito kilala.
Nanalaki ang mga mata ko sa nakita ko. Sino ba talaga ang taong nasa likod nito? Siya ba si Aira? Pero parang hindi e. Sa pagtayo pa lang niya mababatid mo na agad na lalaki siya. At babae si Aira. Sino ba talaga ang taong 'to?
Anong kinalaman niya sa lahat ng ito?
Hahakbang na dapat ako upang lapitan ang taong iyon nang bigla naman itong nawala sa paningin ko. Bigla siyang naglaho na parang bula. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko upang tiyaking wala na nga siya at halos matumba ako sa kinatatayuan ko sa napatunayan ko. Totoo ngang wala na siya.
Saan siya nagpunta?
Naglibot pa ako sa kabuuan ng bahay. Inisa-isa ko ang mga kwarto baka sakaling makita ko siya ngunit wala talaga. Nakakatakot na bigla na lang siyang susulpot tapos ay bigla na lang siyang mawawala.
May kakaiba sa taong yon.
"Anak, anong problema?"
Hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na pala si Mama. Puno ng pagtataka ang mga mata niya habang diretsong nakatingin sakin. Tumingin-tingin rin siya sa paligid na tila ba hinahanap kung anoman ang tinitignan ko.
"W-wala po. Namamalikmata lang siguro po ako," sabi ko at hinatid si Mama sa kwarto niya.
"Wala pa po si Papa?" tanong ko.
"Maya-maya pa siya darating. Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog? Bakit ganyan ang suot mo? May pupuntahan ka ba? Gabi na ah."
"Pupuntahan ko po sana ang kaibigan ko sa kanila. Hindi po kasi maganda ang kutob ko Ma. Parang may mangyayaring hindi maganda."
Nang tignan ko ang relo ko upang icheck ang oras ay 10:15 na. Kailangan ko na talagang makalabas ngayon din upang kamustahin ang lagay ni Lloyd. Malakas talaga ang kutob kong may mangyayaring hindi maganda. Baka kapag hindi ako nakapunta ngayon, bukas, wala na siya.
"Ma, payagan mo na ako," pagsusumamo ko habang hinahawakan ang kamay niya. Ganito ko siya lambingin. Sana lang at payagan niya ako kahit na alam niyang delikado na sa labas.
"Hindi pwede. Matulog ka na. Baka mapahamak ka pa diyan sa gusto mo. Bakit hindi mo nalang siya puntahan bukas? Gumising ka ng maaga at pumunta ka sa kanila. Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo at matulog. Magagalit ang Papa mo sa'yo, sige ka."
Wala na akong nagawa pa kungdi ang bumalik sa kwarto ko matapos sabihin yon sakin ni Mama. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya, kailangan masunod. Kahit na anong gawin kong pamimilit sa kanya, kung hindi pabor sa kanya ay balewala rin. Sasayangin ko lang ang laway at oras ko. Isa pa pala si Papa. Palagi lang naman iyong sunod kay Mama. Kaya walang pag-asa talaga. Bukas na nga lang siguro.
Itutulog ko na lang 'to.
Mastermind's POV
Nang makalabas si Cyrill ng kwarto niya ay napangisi ako. Hindi ako nakuntento sa pagkamatay ni Lloyd kaya kailangan na agad ito na masundan. Naiinip na rin akong paglaruan sila kaya mas maigi na rin ito.
Ngunit iba ang balak ko sa dalawang sina Patricia at Marvin. May magandang plano ako para sa kanilang dalawa. Iyon ang pinaka-highlight talaga ng lahat ng ito. Doon masusubok ang katatagan nilang dalawa. Kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. At kung hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo para sa pinaka-mamahal nila.
Malapit na rin ang sandaling iyon.
"Ibalik mo ako sa dati! Walanghiya ka!" Sinubukan niya akong duraan sa mukha ngunit naiwasan ko ito.
Nang ibalik ko ang aking mga tingin sa kanya ay nasindak siya nang makitang nakangisi ako. Matatalim ang titig ko sa kanya habang nakayuko pa rin ako ng kaunti. Gusto ko muna siyang inisin bago ko simulan ang gagawin niya.
"Ako na ang kokontrol sa'yo simula ngayon," sabi ko at nilapit ang mukha ko sa kanya.
"Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ang lahat ng ipapagawa ko. Ako ang magdedesisyon at ikaw naman ang kikilos," Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "Simulan mo na," sabi ko pa na sinabayan ng malakas na pagtawa.
Nagsimula na siya gumalaw. Ipinasuot ko muna sa kanya ang isang maskara upang hindi siya makilala ng ate niya. Kailangan surprise. Ayoko nung agad-agad makikilala siya. Parang yung pagpapanggap ko lang sa kanila. Nakakatawa nga e. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin sila kung sino talaga ako.
Mga tanga talaga.
"Pakiusap, pahintuin mo na ako. Ayokong gawin ang bagay na 'to kay Ate," aniya habang nagsisimula na maiyak at lumakad papunta sa kwarto ni Anna Marie.
"No turning back," ang sabi ko bago siya sundan sa kwartong pinasukan niya.
Bahagya kong binuksan ang pinto upang mapanuod ang bawat eksena sa gagawing pagpaslang ni Cyrill sa ate niyang si Anna Marie. Maganda kaya ang kalalabasan nito? Mai-impress ba ako o hindi? Siguro.
"Ate..." mahinang bulong ni Cyrill habang dahan-dahang kinukuha ang nakadisplay na vase sa gilid ng kwarto ng ate niya.
"Patawarin mo 'ko..." Napangiti ako nang makitang tinataas na niya ang dalawa niyang kamay na may hawak na vase.
Biglang nagising si Anna Marie. Papungas-pungas siya ng kanyang mga mata. Gulat na gulat ang hitsura niya nang makita ang isang nakamaskara na tao sa harapan niya. Siguradong iniisip niya na ako iyon. Psh. Tanga e.
"S-sino ka?!" gulat nitong sabi.
Babangon sana siya mula sa pagkakahiga nang hampasin na siya ni Cyrill ng malakas sa ulo. Malakas ang pagkakahampas na iyon kaya nahilo siya. Nasundan pa iyon hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Nagkalat ang maraming dugo sa kama niya at talagang nawasak ang pagmumukha niya.
Nang huminto si Cyrill ay nilapitan ko siya. Patay na rin si Anna Marie. Pinagiisipan ko kung isusunod ko na ba siya dito mismo sa kanila o doon nalang sa Sebastian Academy upang masaksihan ng iba ang kamatayan niya.
"Mahusay." Pinalakpakan ko ang naging performace niya. Ang saya ko dahil naimpress niya talaga ako ng husto.
"Isusumbong ko sa kanila kung sino ka talaga! Magbabayad ka!" bulyaw niya. Inirapan ko lang siya dahil naiinis ako.
"Subukan mo lang sabihin yang bagay na 'yan. Kung ayaw mong, ikaw naman ang patayin ko," pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay tumawa muna ako bago lumabas ng kwarto niya.
Tiyak ko namang hindi niya gagawin ang sinabi niya. Kilala ko si Cyrill. Napaka-duwag ng babaeng iyon.
Pagpaplanuhan ko na ngayon din ang kamatayan niya.
BINABASA MO ANG
Live or Die
HorrorSa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya na magdadala sa kanila sa kapahamakan. Isang tao mula sa nakaraan ang magbabalik upang sila'y paghigantihan. Sino ang taong ito? At ano ang...