Bianca's POV
"Sure kang hindi ka pupunta? Baka magsisi ka."
"Hindi kasi ako pinayagan ni Mommy. But I will make sure na makapunta ako before or after midnight."
Inend ko na ang tawag. Napamura ako. Nakakainis. Bakit ba iniisa-isa ko pang tawagan ang mga kaklase ko para lang sa lecheng party na 'to? Talagang kinuha ko pa ang mga cellphone number nila to make sure na makakapunta.
Oo nga pala. Muntik ko na makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. Para nga pala kay Ashly ang lahat ng ito. Or should I say, Mila Rivera. Ang isang mahirap na estudyante noon na mayaman na ngayon.
Nairita na naman ako nang maalala ang mga pagsisinungaling niya sakin. Hindi ko siya mapapatawad. Nagsasabi ako ng totoo sa kanya samantalang niloloko pala niya ako matagal na panahon na.
"Sweetie?" Nilapitan ako nina Mommy't Daddy at ng elder sister ko.
"Yes Mom?" Nakangiti kong sabi.
"Are you really sure na kaya mo na ihandle ang lahat sa party mo?" Tumango lang ako.
"Aalis kasi kami ng Dad mo. And itong si Tracy ay gagala raw sila ng mga friends niya. Sure ka ba talaga Bianca?"
"Don't worry Mom. I can handle this. Ako na ang bahala sa lahat. Ready na lahat maliban sa mga bisita. Sila na lang ang hinihintay ko," sabi ko at saglit na chineck ang oras sa phone ko.
6:30PM.
"Okay, then. Aalis na kami. Mag-enjoy kayo." Nagkiss ako kina Mom and Dad at nagbeso-beso naman kami ni Ate Tracy.
"Enjoy, little sister," ani Ate habang kumakaway-kamay pa habang pasakay sila sa sasakyan.
Ako na ang nagbukas ng gate dahil abala ang mga maids namin sa paghahanda ng mga pagkain.
"Bye!" Kumaway silang tatlo sakin nang makalabas na sila.
Nang masarado ko ang gate ay meron akong narinig na nagdoorbell. Pagkabukas ko ay bumungad sakin ang mga kaklase kong hindi lalagpas sa sampu. Mukhang nagsabay-sabay silang pumunta rito dahil iilan lang ang nakakaalam ng bahay namin.
Normal lang naman iyon dahil ngayon ko lang sila ininvite dito na magparty. Natatawa tuloy ako kapag naiisip na pinapunta ko rito ang mga walang kwenta kong kaklase. Mga saksi lang naman sila sa pagbubunyag na gagawin ko kaya ayos lang.
Kakailangan ko sila.
"Pasok." Binigyan ko sila ng isang plastik na ngiti at sinara ko na ang gate nang makapasok sila.
Narinig ko ang mga komento nila sa bahay namin at masasabi kong napahanga ko sila. Sa ganda ba naman ng bahay namin ay hindi malabong marami ang magkagusto rito. Minsan na nga itong pinagshootingan ng isang pelikula kung saan dito nagsampalan ang mga bida.
Ginawa ko talaga ang best ko upang mas lalong mapaganda itong buong bahay. Hindi lang ako sa labas naglagay ng mga palamuti ngunit maging sa loob. Pinuno ko ng mga chocolate fountain at mga cupcakes ang paligid dahil sa tingin ko ay iyon ang mga hilig nila.
Ang ilang pagkain gaya ng ulam, ay sa loob ko na ipinalagay dahil ang pangit tignan kung dito sa labas. Mga alak at wine nalang ang nilabas ko upang mas maganda tignan.
Sa kaliwang parte ng bahay namin nakapwesto ang ilang mga upuan habang sa kanan naman ay ang isang hindi kalakihan na stage kung saan magsasalita ang mc, which is ako.
Ang brilliant ko ba? Oo naman. Maganda na, brainy pa. Ang galing talaga ng naisip ko. Maipapahiya ko si Ashly mamaya at magiging sikat na naman ako sa buong school kapag nagkataon. Dahil ako ang nakatuklas sa katauhan ni Ashly. Malaking chismis ito na pagtutuunan ng pansin ng lahat.
"Bianca? Can I ask kung saan ang comfort room niyo?" Nilapitan ako ng kaklase kong si Jella.
"Pasok ka sa loob and ask the maids. Mas kabisado kasi nila ang bahay." Natawa ako sa sinabi ko.
"O-okay." Natawa rin siya bago pumasok sa loob.
Pinagmasdan ko ang iba ko pang kaklase at nakaupo na ang iba sa kanila. Ang iba ay kumakain na ng cupcake habang ang iba naman ay nagsasawsaw ng marshmallow sa chocolate fountain. Nainggit ako bigla.
Nagugutom na pala ako.
Lumapit ako sa nakaready na sound system at nagpatugtog ng pang party song. Nakita kong napatayo naman ang lahat ng bisita at nagsimula na sila magsaya habang kumakain pa rin ang iba.
"Enjoy the night guys!"
"Whooo! Party! Party!" Sinabayan pa ito ng pagsayaw.
"Cheers for Bianca!"
Kumuha na pala ng beer ang iba at nagcheers nga sila pagkasabi ng pangalan ko. Nagkatinginan sila saglit bago muling nagtatatalon dahil sa sobrang saya.
Natawa nalang ako dahil sa mga hitsura nila.
Maya-maya, nakarinig na naman akon ng doorbell. Agad kong chineck kung sino iyon. Nang makilala ay agad ko silang pinapasok at pinapili kung ano na ang gusto nila. Chocolate? Beer? Wine? Cupcakes? Kain o ulam? Pero deadma lang sila. Parang ang lalim ng iniisip ng tatlong 'to.
Nakakapagtaka lang.
"Sige, maupo muna kayo." Sumunod naman sila sakin at naupo nga sila.
Palingon-lingon sila sa paligid na para bang may hinahanap na tao. Hindi ko alam kung sino kaya nacurious ako. Si Ashly kaya? Alam na kaya nila ang plano ko at ang pagkatao ng babaeng iyon? Siyempre hindi! Ako lang naman ang kumuha ng private investigator para malaman ang tungkol sa bagay na na iyon.
Ang tanga lang.
"Where is she?" sabi ko habang hinahanap siya sa paligid.
Hindi ko naman kasi namukhaan ang mga naunang pumunta kanina. Kaya hindi ko sigurado kung napapasok ko na ba o hindi si Ashly sa loob. Nakakainip lang. Excited pa man din akong ipahiya siya.
Nasaan na ba kasi ang bruhang iyon?
Nakarinig na naman ako ng doorbell kaya agad kong sinilip kung siya na ba iyon. Leche. Hindi pa rin. Binibwisit talaga ako ng Ashly na iyon. Siya na ang bagong sumisira ng mood ko at hindi na itong si Patricia.
Ang tagal naman niya.
Nginitian ko lang ang mga kaklase kong kararating lang. Pinabayaan ko na lang sila dahil hindi naman sila ang concern kong dumating. Kungdi iyong si Bianca.
"Sana naman siya na 'yon," inis kong sabi ko nang marinig na meron na namang nagdoorbell.
Pagkabukas ko ng gate ay nakita ko siya. Nakasuot siya ng black na may halong red na dress at nakatakong siya. Napangisi ako. Pinaghandaan yata niyang ipahiya ko siya.
"Welcome. Tara, pasok ka," anyaya ko at pumasok na siya.
Pagkasara ko ng gate ay napangisi ako. Ngayon, magsisimula na talaga ang party na ito.
"Let's party!" sigaw ko na sinabayan naman nila ng hiyawan.
BINABASA MO ANG
Live or Die
HorrorSa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya na magdadala sa kanila sa kapahamakan. Isang tao mula sa nakaraan ang magbabalik upang sila'y paghigantihan. Sino ang taong ito? At ano ang...