Patricia's POV
Isang linggo kaming hindi pinapasok dahil sa insidente noon kay Miss Buenavente. Isang linggo rin akong walang contact sa mga kaibigan ko dahil busy sa ginagawa 'kong project kay Mr. Valdez. Hindi naman siya gaano kahirap ngunit kailangan kong pagtuunan iyon ng pansin upang mapaganda at maging perpekto bago ko ito ipasa sa guro namin sa darating na biyernes.
Bawat araw na nagdaan ay nagdudulot sakin ng sobrang kaba dahil hindi ko alam kung ligtas ba o hindi sa mga sandaling ito ang mga kaibigan ko. Isa na samin ang nawala at ayaw kong masundan pa iyon. Walang kailangang mamatay dahil ang lahat ay aksidente. Ayon nga sa kwento sakin ni Cyrill noon, hindi nila sinadya ang pagkamatay ni Aira.
Nakakadagdag pa lalo ng kaba ko ang pagkakakilanlan sa taong iyon. Sino siya sa mga kaklase namin? Paulit-ulit ko 'yang tinatanong sa sarili ko sa tuwing nasa loob ako ng klase at pinagmamasdan ang ginagawa ng bawat isa. Hindi ko talaga siya makilala. Bagama't may litratong ipinakita sakin sina Anna Marie ay hindi pa rin sapat iyon upang magamit ko na kilalanin siya. Ibang-iba na raw siya ngayon. Hindi na siya ang datng Aira.
Napasabunot ako sa sarili ko sobrang inis.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Napangiti ako dahil baka isa ito sa mga kaibigan ko at nangangamusta sila sakin. Ngunit nang tignan ko ito ay kinabahan ako dahil unregistered number ang tumatawag. Nanlaki bigla ang mga mata ko.
Ang mastermind kaya ito?
Sasagutin ko ba o hindi? Ito ang katanungang gumugulo sakin ngayon. Maari kasing kapag sinagot ko ito ay isa na namang pagbabanta o di kaya'y isang masamang balita na maaring magpagimbal sakin.
"H-hello?" bungad ko nang sagutin ang tawag.
Tumagaktak agad ang pawis ko dahil sa sobrang nerbyos habang hinihintay ang tugon ng taong tumawag na iyon. Hindi niya ako sinagot. Tahimik ang kabilang linya habang ako ay kabadong nakamasid sa kwarto ko.
Nangingibabaw ang takot sakin sa mga oras na ito. Ngunit hindi iyon ang gusto kong maramdaman. Hindi iyon ang gusto kong ipakita sa mastermind. Sapagkat kung iyon ang paiiralin ko ay maari niya kaming takutin at pagbantaan kailanman niya gustuhin.
"Kamusta na, Patricia?"
Nangilabot ang buo kong katawan nang marinig ang boses niya. Pamilyar ito sakin. Hindi ko lang matukoy kung kanino ang boses na iyon. Nilakihan niya ang boses niya. Nakatitiyak ako. Paniguradong ginawa niya iyon upang hindi ko siya makilala agad.
"S-sino ka ba talaga? A-anong kailangan mo sakin?" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.
"Ako? Kilalang-kilala mo ako. Madali ka kasing paniwalain kaya hindi mo ako makilala bilang si Aira," tumawa siya bago ulit nagsalita. "Kailangan kita bilang isa sa mga kabayaran sa kasalanan ng kaibigan mong mga kriminal."
"Hindi ka nila sinadyang patayin! Isang kasinungalingan ang bagay na iyon!"
"P*nyeta! Manahimik ka!" Nailayo ko bigla sa tenga ko ang cellphone nang mas nilakasan niya ang boses niya.
Ilang sandali ang hinintay ko bago muling itapat sa tenga ko ang cellphone.
"Magbabayad ang kailangang magbayad. Tapos na ako kay Dianne. Sino sa tingin mo ang isusunod ko?" Napalunok ako dahil sa sinabi niya.
Naibato ko bigla ang cellphone nang marinig na inend na niya ang tawag. Nakakainis! Talagang wala siyang balak na tantanan kami. Hindi niya kami titigilan hangga't hindi niya naisasakatuparan ang binabalak niya. Napaka-sama niya talaga!
"Hayop ka Aira!" sigaw ko habang nakatingin sa salamin. Ginulo ko ang buhok ko at inis na lumabas ako sa kwarto ko.
Dumiretso ako agad sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Nang mahimasmasan ay huminga ako ng malalim. Ito sa lahat ang pinakaiinisan ko. Ayoko na makaramdam ng ganito dahil nahihirapan akong huminga. Masikip sa dibdib. Nakakakaba.
Matapos uminom ng tubig ay muli kong nilagyan ng tubig ang bote at nilagay ito sa ref. Paakyat na sana ako ng hadgan nang marinig na tumahol ang aso namin sa labas. Napatakbo ako palabas at inalam kung bakit ito tumahol. Ngunit wala naman akong nakita na kahit na ano. Nakapagtataka.
Pinatigil ko sa pagtahol ang aso namin ngunit patuloy pa din ito habang nakatingin sa may gate. Nang sundan ko ito ng tingin ay napatakbo ako papasok ng bahay nang muli kong makita ang misyeryosong tao na iyon sa ikatlong pagkakataon.
Nang makabalik sa kwarto ko ay takot na takot akong nagtalukbong ng kumot at pumikit. Pinilit kong makatulog na napagtagumpayan ko naman dahil unti-unti na akong dinadalawan ng antok. Mabuti naman.
Maging mahimbing sana ang tulog ko.
-----××-----
Maaga akong pumasok. Lunes ngayon at ayokong malate dahil may mahalagang gagawin sa subject ni Mr. Valdez. Nabanggit niya iyon samin bago kami magkahiwa-hiwalay ngunit hindi niya nasabi kung anoman iyon.
Naisip ko na baka may kinalaman iyon sa ginagawa naming project kaya naman inagahan ko ang pagpasok. Kung tungkol naman iyon sa ibang bagay, mas okay na rin sigurong maaga ako dahil baka hindi ko maabutan ang mga sasabihin niya. Hindi pa naman siya mahilig mag-ulit at kapag tinanong mo siya sa isang bagay na kakasabi niya lang, maaring ipahiya ka niya sa klase or worse baka may ipagawa siya sa'yo na ikakasisi mo talaga.
"Look who's here," sabi ng babaeng nadaanan ko. Nakangisi ito sakin kasama ang mga kaibigan niya.
Napakunot naman ang noo ko. Anong kailangan ng mga ito sakin? Tsaka, hindi ko sila kilala. Nakakairita lang. Masyado silang malakas magparinig and then hindi ko naman sila kilala.
Mga attention seeker.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin ng matalim sa kanila tsaka ngumiti ng nakakaloko.
"Woah! May gana ka pang ngitian kami ng ganyan!" Tumawa ang apat na babaeng iyon at nagpalakpakan. Tila naginit naman ang tenga sa aking mga narinig. Talagang ginagalit ako ng mga ito.
"Ano bang kailangan niyo sakin? Manghihingi kayo ng barya? O heto," sabi ko at kumuha ng barya sa bulsa ko. Binigyan ko sila tig-iisa ng piso at kita ko ang inis sa mga mukha nila.
"Bwisit ka talagang babae ka!" sigaw sakin nung isa at binato sa harapan ko ang barya.
"Next time, magsabi lang kayo sakin. Marami akong barya dito," pangiinis ko pa at nagpatuloy na sa paglalakad patungong klase.
Nasa tapat na ako ng pinto nang makita kong nagkukumpulan sila sa harap. Bigla akong kinabahan bagama't hindi ko pa alam ang dahilan. Napalunok ako. May nangyari na naman kayang hindi maganda?
Nagsimula akong maglakad palapit sa harap. Nang makita nila ako ay gumilid sila at ipinakita sakin ang bagay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. May note itong nakalagay sa gilid ng kahon na nakasulat gamit ang pulang tinta. Napaatras ako.
"Happy Birthday Patricia"
Tsaka lang nagsink-in sa utak ko na kaarawan ko nga pala ngayon. Binati pa nga ako ni Mama kanina bago ako umalis ng bahay. Bigla 'kong nakalimutan marahil sa dami ng aking iniisip.
Muli akong lumapit sa puting kahon na nasa harap. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Anong ibig sabihin nito?
BINABASA MO ANG
Live or Die
HorrorSa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya na magdadala sa kanila sa kapahamakan. Isang tao mula sa nakaraan ang magbabalik upang sila'y paghigantihan. Sino ang taong ito? At ano ang...