20: Trauma

498 20 2
                                    


Patricia's POV

Huminto ang jeep na sinasakyan ko at may sumakay na isang pasahero. Wala akong pakialam kung sino man iyon dahil malalim ang iniisip ko.

Hindi pa rin talaga ako mapakali hangga't hindi namin nahahanap si Prince. Nasa panganib siya at wala kaming ibang magawa upang iligtas siya. Masyadong malakas ang mastermind at kaya niya rin kaming kontrolin gaya ng ginawa niya pa sa iba.

Hindi ko alam pero may tila nagsabing kailangan kong tumingin sa salamin na nasa harap. Nang tignan ko ito ay hindi ko inasahan ang makikita ko. Si Bianca. Nasa likod ko lamang siya habang nakatingin sa taong nasa harapan niya. Hindi ako sigurado kung iyon nga ang tinitignan niya pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba nang makita siya. Iba ang kabang ito kumpara sa naramdaman ko na sa kanya noon.

Tila may mangyayaring hindi maganda.

Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko nang magkaroon ng event dahil english month. Iyon rin ang araw na namatay si Dianne maging ng ibang mga estudyante. Napalunok tuloy ako.

Masama ito.

"Para ho," sabi ko sa driver nang matanaw na ang Sebastian Academy.

Pagkababa ko ng jeep ay huminga ako ng malalim. Kahit na ayoko, kailangan ko talagang tumawid sa kalsada kahit na anong mangyari. Pinilit kong labanan ang takot na nadarama ko at nakakaya ko naman ito. May mga pagkakataon lang minsan na hindi talaga. Lalo pa't talamak ang aksidente sa kalsada sa panahon ngayon.

Bumalik na naman bigla ang alaalang iyon.

Nang makita ko na ang senyales na pwede na tumawid ay nakisabay na ako sa iba pa upang malabanan ko ang takot ko. Malakas ang bawat tibok ng puso ko habang humahakbang sa pedestrian lane. Napapikit ako nang makita ang isang kotse na kaparehas na kaparehas ng nakabangga sakin.

"Natatandaan mo pa ba?"

Napadilat ako nang isang pamilyar na boses ang narinig ko. Alam kong siya 'yon. Hindi ako maaring magkamali. Napalunok ako habang nakatingin sa mga nagdaraang mga tao sa gilid. Hindi ko na mahakbang ang mga paa ko dahil sa takot at pakiramdam ko ay nawala na ako sa sarili.

Hinawakan niya ako sa braso at nanlaki ang mga mata ko. Natatakot ako. Ayoko na maulit pa ang nangyari noon. Minsan na akong dinala nun sa bingit ng kamatayan dahil sa babaeng ito at hindi ko dapat hayaang mangyari iyon ulit ngayon.

Kahit sino man sa inyo, pakiusap, tulungan niyo ko.



Bianca's POV

Nang hawakan ko siya sa balikat ay nakita ko ang takot sa mga mata niya. Walang duda, tandang-tanda pa rin niya ang araw na iyon. Napangisi tuloy ako ng mga sandali ring iyon.

Nakatingin siya sa mga taong nagdaraan at mukha yatang nanghihingi siya ng tulong. Malas niya lang dahil walang may gustong pumansin sa kanya. Dire-diretso lang ang mga nagdaraan habang naiwan kaming dalawa sa gitna ng kalsada.

"B-bitiwan mo ako," sabi niya at sa kawalan ang tingin. Hindi ko siya pinansin bagkos ay itinulak ko siya ng kaunti upang ilabas ang takot niya.

Napabitaw ako sa kanya nang bigla siyang magsisisigaw na parang baliw sa gitna ng kalsada. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil hindi ko inasahan ang naging reaksyon niya sa ginawa ko. Mistula siyang wala sa sarili sa kalagayan niya ngayon.

Kung kanina ay hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya ngayon ay para siyang aso na lakad ng lakad kung saan-saan. Nakahawak pa siya sa gilid ng ulo niya at ang gulo-gulo ng buhok niya. Malilikot ang mga mata niya habang nakatingin sa mga kotse sa kalsada.

Tila hindi na siya si Patricia.

Nang marinig ko ang tunog na iyon, hudyat na maari nang magpatuloy sa pagandar ang mga sasakyan ay tumawid na ako na walang lingon-likod sa babaeng iyon. Bahala siya sa buhay niya. Siya naman ngayon ang ipapahiya ko sa ibang tao. Dapat lang iyon sa isang gaya niya.

"Aaahhh!!!" sigaw niya at tiyak kong palakad-lakad pa rin siya sa gitna ng kalsada. Wala siya sa katinuan niya ngayon dahil nilamon na siya ng takot niya.

Nakakatawa.

Sunod-sunod na pagbusina ang narinig ko kaya napangiti ako. Kinaiinisan na siya ngayon ng mga motorista dahil sa eksenang ginagawa niya. Nakakahiya siya sa sitawasyon niya ngayon. Kung makikita siguro siya ng mga kaibigan o nakakakilala sa kanya, paniguradong hindi siya tutulungan dahil nakakahiya talaga.

"Patricia!"

Nang marinig ko ang boses na iyon ay biglang naglaho ang ngiti sa labi ko. Psh. Nandiyan na naman ang lalaking iyon at tutulungan niya ang loser na ito. Hindi sila bagay na dalawa ni Patricia. Hindi ang isang patapong babae ang nababagay sa gwapong gaya niya.

"Bwisit," bulong ko at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng Sebastian Academy.

Hindi pa tayo tapos, Patricia.



Marvin's POV

"Patricia!" sigaw ko sa kanya ngunit tila hindi niya ako naririnig. Napamura ako sa sobrang inis at ginulo ang kaninang maayos kong buhok.

Napatakbo ako sa kinaroroonan niya at patuloy pa rin sa pagbusina ang mga sasakyan. Pana'y ang mura ng mga ito sa kanya dahil sa eskandalong ginawa niya.

Takot na takot pa rin ang hitsura niya nang makatawid na kami sa kalsada. Nakahinga ako bigla ng maluwag. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanya. Walang nangyaring masama sa babaeng pinaka-iingatan ko.

"Patricia?" sabi ko habang patuloy pa rin siya sa panginginig. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa kawalan.

Sinubukan kong hawakan ang balikat niya ngunit nagulat ako nang itulak niya ako ng malakas. Nakakabigla. Parang hindi siya ang Patricia na kilala ko. Malayong-malayo ang ugali niya ngayon sa ugali ng Patricia na nakasama ko kahit sa kaunting panahon pa lamang.

Napatakbo ako nang tumakbo siya papasok ng Sebastian Academy. Wala pa rin siya sa kanyang katinuan kaya sobrang nagaalala na ako. Baka makasakit siya ng ibang tao dahil sa kondisyon niya sa mga sandaling ito. Kailangan ko siyang madala sa clinic upang mapakalma siya at mawala ang takot na nararamdaman niya.

"Patricia!" sigaw ko ngunit wala pa rin siyang tugon.

Napatigil ako nang makita si Lloyd sa di kalayuan na papalapit sakin. Bago pa man niya ako tanungin sa kung anong nangyayari ay inunahan ko na siya.

"Tulungan mo ako, kailangan nating madala sa clinic si Patricia," sabi ko at tumango lang siya.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon