Introduction

2.4K 75 22
                                    


Tahimik ang buong paligid habang tinatahak niya ang daan patungo sa likod ng kanilang paaralan. Nautusan kasi siya ng kanilang guro na kuhanin ang mga naiwang props na ginamit nila sa praktis kamakailan lang.

Nakangiti at kalmado ang itsura niya noong una ngunit lumipas ang ilang saglit ay napalitan rin ito ng pagiging kabado at taranta nang dahil sa mga yabag na naririnig niya. Kaninang-kanina niya pa kasi ito naririnig sa totoo lang kaya ngayon ay sigurado na siyang may nakasunod nga sa kanya. May mga matang kanina pa nakadikit sa kanya at kinikilabutan na siya sa kakaisip kung sino ang taong ito at kung ano ang pakay nito sa kanya.

Huminto siya sandali sa paglakad.

"Sinong nandiyan?" aniya at nag-echo sa buong paligid ang boses niya na nagbigay kilabot sa kanya.

Wala siyang natanggap na sagot sa halip ay isang nakakakilabot na pagtawa ang narinig niya mula sa kung saan. Sinubukan niyang magmasid-masid sa paligid upang hanapin ang pinagmumulan nito ngunit bigo siya. Naiisip tuloy niya na baka minumulto na siya sa mga sandaling ito.

"Kung sino ka man, magpakita ka sakin! Alam kong nasa paligid ka lang at pinagmamasdan ako! Anong kailangan mo at kanina mo pa ako sinusundan?!" lakas-loob niyang tanong at patuloy pa rin siya sa pagtingin sa paligid.

Natigilan siya nang makarinig ng mga yabag mula sa kaniyang likuran. Hindi siya kaagad nakakilos dahil doon at nagsimula na siyang pagpawisan ng matindi sa kinatatayuan niya. Nagsimula na rin sa panginginig ang mga kamay niya sa labis na kaba. Hindi siya makalingon kaliwa't kanan sa kadahilanang takot na takot ang buong sistema niya ngayon.

Napapikit na lamang siya.

"Kumusta?"

Tumindi lalo ang takot niya sa katawan nang makilala kung kaninong boses iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ito. Isa sa mga kaklase niya at isa sa mga ginawan niya ng hindi maganda sa nakalipas na ilang buwan.

"Natatandaan mo pa ba kung papaano mo ako pinahiya sa harapan ng klase natin?"

Napalunok siya ng kakarampot na laway sa kaniyang lalamunan tsaka dahan-dahang minulat ang kaniyang mga mata.

"Ano kaya kung tapusin na kita? Tutal, wala ka namang kwenta." Tumawa ito ng mapanginis tsaka siya hinawakan ng mahigpit sa kaniyang buhok.

"Tumigil ka na! Lubayan mo na ako! Hayop ka!" Muli siyang napapikit habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"E kung ayoko? May magagawa ka ba?" bulong pa nito sa kanya.

Tumalikod siya at akmang sasampalin ito ngunit nagulantang siya nang biglang hindi na niya maikilos ang kaniyang katawan. Tila naparalisa siya at tanging pagsasalita lang ang maaari niyang gawin.

"Anong ginawa mo sakin?! Bakit hindi ako makagalaw?!" sigaw niya rito habang nagtatakang nakatingin sa nakataas nitong kaliwang kamay.

"Wag mo nang alamin," anito at tumigil sandali tsaka ngumiti.

"Ngayon, nais kong dukutin mo ang mga mata mo, pagkatapos ay magpatiwakal ka." Nginitian siya nito at napasigaw na lamang siya nang makitang kusang kumilos ang kaniyang mga kamay at isagawa ang bagay na inutos sa kaniya.

Napuno ng dugo ang uniporme niya matapos iyon. Wala na siyang makita at wala na siyang ibang magawa kung hindi ang sumigaw nang sumigaw na lamang. Ngayon naman, napapasabay nalang siya sa katawan niya na dahan-dahang umuupo sa sahig at dinampot ang isang kutsilyo. Narinig niya pang nagsalita ang taong iyon sa kanya sa huling pagkakataon.

"Hanggang sa muling pagkikita," anito bago niya maramdaman ang pagdaan ng kutsilyo sa kaniyang leeg.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon