46: Final Game

245 8 0
                                    


Ashly's POV

Napasabunot sa ulo niya si Marvin nang marinig ang sinabi ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Ano kayang pipiliin niya? Papatayin kaya niya si Patricia upang siya ang matira? O magpapakamatay siya alang-alang sa babaeng pinaka-mamahal niya?

Nakakatawa siyang panuorin habang malalim na nagiisip at nakatingin sa direksyon naming dalawa ni Patricia. Puno ng galit ang mga mata niyang nakatitig sakin na nakadadagdag naman sakin ng labis na saya.

Gustong-gusto ko talagang nakikita ang mga taong magdesisyon para sa buhay nila. Kung paano sila sumugal at magsakripisyo ay isa sa mga bagay na masasabi kong talaga namang kapana-panabik.

Nasasabik na akong mapanuod ang paglalaban nilang dalawa.

"Magdesisyon ka na hangga't maaga pa. Ayaw mo naman sigurong parehas kayong mamatay, diba?" Ngumiti muna ako tsaka mas lumapit pa kay Patricia.

Nagiba ang ekspresyon ng mukha ni Marvin sa ginawa ko. Naging takot ito at nagaalala na para bang sasaktan ko si Patricia. Ngunit hindi ako ang gusto kong gumawa nun, kungdi siya. Balak ko na magkasakitan sila at sa bandang huli ay parehas silang mamamatay.

"Layuan mo 'ko! Ano ba!" sigaw ni Patricia.

"Pwede bang tumahimik ka kung ayaw mong putulin mo 'yang dila mo?" Mahinahon ngunit naiinis kong sabi na agad naman niyang sinunod.

Madali lang naman palang mapaamo ang isang 'to e.

"Saan mo ba nakuha ang kakayahan mong 'yan? Desperado ka na bang makapaghiganti kaya ibinenta mo ang kaluluwa mo sa demonyo para lang sa kakayahang yan?" Napangiti ako sa tanong niya.

"Itong kakayahan ko ba? Tama ka. Ibinenta ko nga ang kaluluwa ko sa isang demonyo. Si Mr. Celestino. Tinulungan niya ako upang makamit ko ito at maisakatuparan ang plano kong paghihiganti. May gusto ka pa bang malaman?" Napangisi ako nang makita ang ekspresyon ng mukha niya.

"I-ikaw ba talaga si A-aira? B-bakit pakiramdam ko, ibang tao ka?" Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Ako si Mila. Ang taong hinayaan mong mamatay nang araw na iyon." Pinagmasdan ko muli siya pagkasabi ko nun.

"I-ikaw yung estudyanteng... Nakita ko nang araw na iyon?" Ngumiti lang ako bilang pagsagot.

"Ngunit hindi ako si Aira. Nagpanggap lang akong si Aira upang iligtas ang kaibigan ko sa kamay ng demonyo mong mga kaibigan. Magkamukha kasi kami kaya naisipan kong magpanggap na siya upang hindi na siya masaktan pa. Ngunit hindi ko inasahan na mangyayari ang bagay na iyon." Tumingin ako sa direksyon ni Marvin.

"Isa si Marvin sa mga naging dahilan kaya naganap ang sunog. Kung hindi dahil sa bote ng alcohol na tinapon niya, at sa sigarilyo ng estudyanteng iyon... Hindi sana hahantong sa ganito. Kasalanan niyo 'tong lahat! Kayo ang sumira ng nakaraan ko! At ngayon na ang tamang oras upang pagbayaran niyo ang mga naging kasalanan niyo." Ngumisi ako at nakita kong napalunok siya.

"Patayin mo na siya, Patricia. Patayin mo na." Tumawa ako ng pagkalakas-lakas nang makitang gumalaw na ang mga kamay ni Patricia upang damputin ang baril na nasa sahig.

"A-anong nangyayari?!" gulat niyang sabi habang nakatingin sa hawak niyang baril.

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, patayin mo na si Marvin. Bilisan mo na." Naging seryoso ang mukha ko habang nakatitig sa kanya.

Malapit na siyang maluha ng mga sandaling iyon ngunit pinipigilan niya. Talagang ayaw niyang ipakita sakin na mahina siya. Nagpapanggap lang siyang kaya niya ako kahit na ang totoo ay hindi naman. Para lang siyang sj Cyrill na puro salita. Ni hindi niya magawa ang sinasabi niya dahil alam niya na sa simula't sapul ay wala na siyang laban pa sakin.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon