"Anaaaak! Alas dose na! It's showtime! Gumising ka na!"
Ano ba, natutulog pa yung tao eh istorbo talaga.......... te..teka! Ano daw sabi nyang oras? ALAS DOSE? As in 12 pm in the afternoon? Yung oras na pinakasikat ang araw?! Oh ssshhhhhhh!
Agad agad ako bumangon at tiningnan yung orasan sa side table.. sh*t! 12 na nga! Dali dali kong kinuha uniform ko.
"Oh anak? Showtime na! Saan ka ba pupunta at di ka magkaundagaga? "
"Ma naman! Bakit alas dose nyo na ako ginising?! I told you na ten ang pasok ko today. You're not looking again at the schedule."
Nag-uuniform na ako while talking to her while brushing my hair and my teeth. I am so late! Akalain mo TWO HOURS na late? Patay nanaman ako nito sa major ko -______-
"Ano ba ngayon anak? Diba Huwebes? Oh di 2 pa ang pasok mo."
*gargle**gargle*pweee!*
"Ano?! Ma, Tuesday schedule ko ang 2 pm! Malabo na ba mata nyo?"
Pahapyaw na sigaw ko sa kanya. Ewan ko ba dian sa nanay ko. Every tuesday at thursday lagi nya napapapagpalit sched. ko. Hindi naman malabo mata nya. Kaya pa nga nya i-shoot yung sinulid sa karayom eh. Oh baka tsamba lang yung pag shoot? >.<
"Malinaw pa mata ko no! Tsaka hoy hindi pa ako matanda, may kurba pa tong bewang ko! Tsaka tsaka ikaw ata ang sala eh. Diba ang 'Tu' ay para sa TURSDAY? At ang 'Th' ay para sa THUESDAY?"
O_o Ay! Ang sarap kutusan ng nanay kong to! Ano ba yan tandang tanda na hindi pa alam ang spelling ng Thursday at Tuesday.
Kinuha ko na black shoes ko at medyas saka inilagay sa bag. Nagrubber na din ako, basta basta na nga yung pagsisintas. Bahala na si Spongebob at knot song nya!
"Ma sobrang late na ako. Mamaya ko nalang ieexplain yang TURSDAY at THUESDAY issues mo."Kiniss ko na sya sa cheeks then nagdidiretso na ako palabas ng kwarto. Oo, opo tama kayo. Aalis ako ng di naliligo. Pwede pa naman ako maligo mamaya eh wag kayo maarte hindi ito nakakamatay.
Ofcourse hinabol nya ako, kanino ba namang nanay ang hindi makulit? Kaya naman bago pa sya umimik humarap na ako sa kanya.
"Hindi na po ako kakain kasi nga late na ako tsaka nagtoothbrush na rin ako. Pero tirhan nyo ako nung sausage! Wag kayong sakim!", ang galang ko no?
"A-an.." Hinabol padin nya ako kaya hinarap ko nanaman sya. Ang kulit talaga!!
"Ma, pag hinanap ulit ako ni Mr. Kurukubashu sabihin nyo pinadala nyo na ako sa North Korea para sumabak sa gera. Matatakot na yun at di na ulit babalik dito.Okay? "
Tumalikod na ako sa kanya at saka lumabas ng door. I'm in a hurry na talaga. As in na as in!
Pumosisyon na ako na parang runner kapag magsisimula ang race, tatakbo na sana ako nang pigilan ako ni Mama. Maiinis na sana ako at maghihysterical nang may inabot sya sakin.