*Bra 14: Besty Vs Breath
Nasaan kaya yun?! Baka nasa paa ni Ivon? May alipunga yun eh. (-_____-)
Nakita nyo ba yung alipungang rapist na gumagala gala dito sa school? Kung nakita nyo, pakikatay naman oh. Thank you! (#^____^)
*tingin sa kanan (-> ->), tingin sa kaliwa (<- <-)
NAKAKAINIS KA ALIPUNGA! Bakit ba ang hirap mo hanapin? Magpakita ka na or else I’ll kill you with an ointment! Nakakainis talaga siya since the day he was born! Sinasayang niya oras ko! Leshe. Bakit kasi ang importante niya?
*flashback..
“Where’s Alee?”, tanong sa amin ni Sir. Nagtinginan lang kaming lahat pero walang sumagot.
“Eol, do you know where Alee is?” At bakit ako tinatanong? Kamalayan ko sa pervert na yun! Baka kinuha na yun ng mga taong putik kaya wag na isali. Bwahahaha! (^__^)
“I don’t know Sir.”
“ Okay, here is my decision. If Alee is not going to attend practice, then I’ll just remove the musical part which means..”
“Tatanggalin nyo po ako Sir?! Pwede naman pong si alipunga nalang ang alisin or maghanap nalang ng ibang guitarist. Sir, wag nyo ako tanggalin! ” , pagmamakaawa ko kay Sir.
“Who’s alipunga?”, tanong ni Sir with a confused face.
“Ibig ko pong sabihin si Alee.” Hindi ba obvious na alipunga ang lalaking yun. His face speaks so.
“We can’t replace him. He’s the dean’s request.” Napakaimportante naman ni alipunga para i-request? Ano bang meron sa kanya? Alipunga siya.
“Hahanapin ko nalang po siya.” May magagawa pa ba ako? Kaysa naman matanggal ako edi hahanapin ko nalang siya. Di naman siguro mahirap yun. Baka nga nasa tabi tabi lang yun at nakikipagflirt kay Erin.
“I’ll help you.”, sabi ni Avie.
Uwaaaa! (*O*)
“No, you can’t Avie. You and Ivon will start practicing the first scene.”(-__-) Epal naman oh.
“Okay lang Avie, kaya ko mag-isa.”
*end
Kaya ito hinahanap ko lang naman sa buong Harves Academy na may 7 buildings ang alipungang makating yun! Bakit pa kasi siya kailangan? Wala namang maitutulong sa play ang isang yun. Pero kailangan ko siya. Sabi kasi ni Sir, kapag hindi daw sumali si alipunga, hindi na din daw ako sasali.At siyempre hindi ako papayag! Paano ko makakasama si Avie kung hindi na ako kasali? L
Of all people, bakit kasi siya pa? (-m-)
“Hi Eol!”
“Ay tukneneng ka!”
Mula sa gilid ko may isang anghel na sumulpot, si Erin. Kahit makulit siya, maganda pa rin siya. Nakakatuwa nga kasi hindi nakakasawa ang kagandahan niya.
“What’s tukneneng?” ,curious na curious nyang tanong sakin.
“ Ipis na kasing laki ng kamay.” (-__-)
Tiningnan nya ang kamay nya saka nanlaki ang mata (o__o)
“A cockroach as big as my hand? I’m scared Eol.” (-___-) Bakit ba lagi siya naniniwala sa mga pinagsasasabi ko?
“Don’t be, napatay ko na.” Sabi ko nalang para tumigil na siya sa pagkapit sa braso ko.
“Whew! You’re my savior Eol!” (^__^)