(S/N: Okefine. Maglalagay na nga ako ng title. Hirap kasi mag isip, natutusta neurons ko. Haha)
*Bra 7: The Search
# Eol's POV
"900 para sa kuryente,250 para sa tubig, renta ng bahay 3700, pagkain 550. Lahat lahat ay . . 5 400 pesos!! HOLY MACARONI!"
Paano na to? kailangan na kailangan ko na talaga ng pera! Pera, pera bakit kasi kailangan ka pa para mbuhay? Hindi ba pwedeng love nalang? Bakit ba hindi nalang gumawa ng maraming pera ang bangko sentral at ibayad sa utang ng bansa para di kami naghihirap ng ganto! Saang kangkungan ko nanaman to kukunin? Haaaaays. Buhay talaga parang life.
"Ahh! May naipon nga pala ako! Yoohoo", buti nalang nag-iipon ako! Everytime kasi na naraket ako, naghuhulog ako ng konti. Para kasi yun sa tuition ko.
Kulang pa nga yun kung tutuusin kaya nakiusap nalang ako kay Miss Amester. Pero sa ngayon gagamitin ko muna sya.
Inabot ko yung piggy bank na nasa taas ng kabinet. Uy! Mabigat sya, busog na kaya to?
"Hi Piggy! Sorry ha pero kailangan muna kita i-sacrifice. Ngayon lang naman eh, pakakainin din naman kita pag sumweldo na ako."
Masaya kong inilaglag lahat ng pera mula sa pwetan ni Piggy. Siguro naman kahit papaano, makakabawas to sa hahanapin ko pang pera.
"5. .10 . .20! Uy, may 20 na! 55 . .70 . . 120. HUH?!", nishake-shake ko ulit si Piggy baka sakaling may lumaglag pang pera pero wala ni singkong butas!
"Akala ko pa naman lilibuhin, barya lang pala. Baka naman itinae ni Piggy?"(-____-) Nanlumo naman ako dun.
"Kasalanan mo to Papa."
Hindi kasi sana ako namomorblema kung hindi kami iniwan ni Papa. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang rason nya sa pag-alis. Hindi na kasi namin pinag-usapan pa ni Mama ang about dun. Everytime kasi na itatanong ko sa kanya ang dahilan, hindi nya ito masabi. Nasasaktan pa sya, alam ko. So I just stopped and decided to continue what's left with my life.
Galit ako sa kanya, galit na galit. Sinira nya ang lahat,ang masayang pamilyang dapat meron ako ngayon. For us to leave without nothing to depend on? Anong klase syang asawa at ama? Dahil sa kanya hindi ko naexperienced maging teenager. Fifteen palang ako, nagsimula na akong magtrabaho. Hindi na din kasi kaya ni mama dahil sa asthma nya.
I became mature and learned to be braver.
HAHAHAHAHA! Pang MMK na ba?Napapadrama ako ng husto pag walang pera eh. Kaya kung ayaw nyo ako magdrama, bigyan nyo ako!
"So paano na to? Mangholdap nalang kaya ako?Eh sino naman? Mangotong nalang kaya ako sa mga kaibigan ko?" *shake shake ng ulo* "Hindi hindi. Isa akong marangal na manggagawa."
Yun! Shet! MARANGAL daw oh. Nababaliw na ata ako kakaisip ng solusyon.
Nagpaikot ikot ako sa kwarto. Nakita ko yung calendar. Five days from now, deadline na lahat ng bills. LAHAT AS IN LAHAT! Nakiusap kasi ako ng nakiusap na i-move ang payment at hindi ko ba mawari kung anong kamalasan ang nakadikit sakin at lahat sila iisang date ang piniling deadline. Ano bang meron sa 22? Dalawang 2? Eh ano naman? *boogsh!*
Ay tukneneng! Nagulat ako kasi may bigla nalang bumagsak. Yung picture frame pala. Pinulot ko ito, buti nalang di nabasag. Ito yung picture ko nung pinaka-unang photoshoot ko as freelance model.
"AHHH! Bakit ngayon ko lang naisip?!", dinaguk-dagukan ko sarili ko, may sayad eh.
"Maghahanap ako ng part time model job!"
Mayroon naman siguro diyan na tatanggap sakin kahit hindi ako ganon ka-petite. Madalian lang naman kaya wag na silang choosy!
*******
#Sisssy's POV
"I HATE YOU!"
"I'M LEAVING OKAY?"
"KFINE! KALA MO PIPIGILAN KITA KASI GWAPO, MABANGO, MAY 6 PACK ABS , MESTISO, TALENTED AT YUMMY KA? UMASA KA SA LELONG MO!"
"WHATEVER. UGH, YOU'RE ANNOYING."
Hinawakan nya yung doorknob at akmang aalis na. Niyakap ko sya from his back, yung mahigpit na mahigpit.
"Babe, don't leave me. Sorry na.", he faced me and started kissing me. After that, he smiled.
"Sissy, you're such a beautiful girl. But you're too loud. Di ka pa marunong magluto, lahat sunog. Lagi mo pa akong inaagaawan ng blanket. I can't take it anymore. Kaya babye na at see you nalang!"
He waves his right hand as he walks away.
Sinara ko na yung pinto, hindi nanaman babalik yun.
"LOKONG YUN! HINALIKAN TAPOS IIWAN DIN NAMAN PALA? AT SINO SYA PARA SABIHING SUNOG ANG LUTO KO? TUSTADO LANG YUN! DI NYA BA ALAM DIFFERENCE NG SUNOG SA TUSTADO? ISA PA, PANG ISAHANG TAO LANG KUMOT KO ALANGAN NAMANG IBIGAY KO PA SA KANYA? CHE!"
Tumalon ako pahiga sa kama. "Sa wakas, masosolo ko na din ang kamang to!" Yes,we shared the same bed. But nothing intimate happened between us. Though naka 14 boyfriends na ako, I'm still birhen. I don't give in that easily.
"Ay oo nga pala!", may bigla akong naalala. Binuksan ko yung drawer ng side table at kinuha ang special notebook ko. Binuklat ko sya sa middle page.
'BOYS I BROKE WITH:', ready na kayo sa list ko?
' Derrick, Daniel, Khalil,Enchong, Gerald, Zack Efron, Coco, Lee Min Ho,Mario Maurer, Totoy Brown,Justin Bieber, Taylor Lautner, Cristoff "at ngayon . ."
"ENRIQUE GIL" \( ^_^)/
Naglilista talaga ako kasi baka makalimutan ko names nila. Atleast kahit marami akong ex, saulo ko naman.Napansin ko ang dami na nila. Kung bakit kasi ang short lang ng relationships ko? Akala ko kasi sila na ang hinahanap ko pero paulit ulit lang ako nagkamali. Sa una, dam ang iniiyak ko pero as time goes, naiga na ang tear glands ko. Nasanay na din siguro ako na lagi sila umaalis.
Actually, I'm tired.
I don't believe that the person fo us will come. We have to search for them.
For so many years, I live and believe in that. Tama ba ang pinaniniwalaan ko?Itutuloy ko pa rin ba ang paghahanap sa kanya?Eh paano kung hindi ko sya mahanap? Habang buhay nalang ba ako makikipagboyfriend para lang matagpuan sya? Ito nalang ba gagawin ko sa buhay ko? Collecting boys?
"What if searching isn't the way? What if I really need to wait for him? Maybe he's also searching and that's why we can't find each other, we are both looking."
That idea popped out as I stare the ceiling. Hindi kasi ordinary ang kisame ko, tinadtad ko sya ng glow-in-the-dark stars then I put a quote in the middle, 'search for your star.' Eh nabasa ko yung word na 'search' (- u -)
Hey star, it's time to look for your light.