*Bra 19: Key Chain
#Eol’s POV
“Ma! Wag mo nga ako yakapin, inaantok pa ako!”
“MAMAAAA! Ano ba! Hindi na ako maka--”
(O___O)
“KYLE!”
(^___^) \/
Nagising lang naman ako na niyayakap ako ni Kyle habang nakahiga. Ahhhh, ang cute nya! Magandang simula sa umaga!
“A-anong ginagawa mo dito?”
“You don’t want me here?”
Tapos nagpout siya. Ay eto nanaman siya! Cute na nga nagpapacute pa! Pag tong si Kyle naging aso, ay nako cute pa din (^__^)
“Oy wala akong sinasabi na ayaw kita dito. Nagtatanong lang ako.”
“I miss you.”
“Weh? Miss mo na agad ako eh parang nung isang araw lang magkasama tayo.”
Hinawi niya buhok ko saka ako tinitigan. Hala, bakit ganito to? Nakakatunaw.
“Eol, you’re part of me now. I really don’t know what you did to me. Maybe you cast a spell or something. I am happy just being with you. Just by seeing you. Hindi na nga ata kita maiaalis sa sistema ko.”
Cast a spell talaga? Ano ako witch? Grabe naman tong si Kyle! Agang-aga pinapakilig na agad ako.Pero ang sweet talaga ng bestfriend ko! Yiie sige na nga, ihahug ko na siya. Yun lang naman ang gusto nito.
So ayun nga niyakap ko siya. Ito namang bestfriend ko ayaw papigil! Ayaw ako bitawan at nagii-sway pa habang magkayakap kami.
Kyle <3
“Oh I almost forgot. Here I bought you some groceries.”
SOME ba to? Eh ang dami-dami! Dalawang carts ng grocery! Dinaig pa ang mga pa-raffle.
“Teka, libre ba yan?”
Baka kasi may bayad yang mga groceries na yan no. Wala ako pambayad!
“Of course! When did I ask you to pay? ”
Hmmmmm. Wala pa. Ay meron! Oo meron!
Nung nakakita siya ng dirty ice cream sa daan tapos bumili sya este KUMUHA siya at sakin pinabayaran. Buti sana kung yung tiglilimang piso na nasa apa(cone) ang binili nya eh kaso yung buong cart binili nya!
At inubos niya lahat yun ha. All by himself! Sobrang takaw talaga sa ice cream. Pero hindi naman nataba samantalang ako konting kain lang, dagdag 1 pound agad. Napaka-unfair ng buhay!
Bago ko pa sya nasagot, nakita ko na siyang ina-unpack yung mga groceries at inilalagay na sa ref ko.
“Hoy Kyle, ako na diyan! Nakakahiya naman sayo, ikaw na nga tong bumili ikaw pa tong mag-aayos.”
“Really?”
Tapos nanlaki yung mata nya at parang gulat na gulat sa sinabi ko.
“Anong really?”
“Really you will arrange the groceries by yourself? I mean you will really do that?”
Ano ba naman tong si Kyle. Bakit ba gulat na gulat siya?
“Oo nga. Really, really,really. Basta iwan mo nalang diyan yung mga groceries.”
(-____-) –Kyle
“Oh bakit ganyan itsura mo?”
“You’re not going to unpack the groceries right?”
“Ano? Aayusin ko yan mamaya no.”