*Bra 5
"Welcome to Enchanted......... PERYA!!!!!!"
"PERYA?! "
"Oo!! Exciting diba?"
Exciting mo mukha mo Sissy! Ito na ba yun?! Dito ako dinala ni Sissy. Remember nung hinila hila nya ako??
| flashback |
" Te... tekaa! Saan tayo pupunta?"
"A place where you can have all the fun!"
| end |
Ang ikli nung flashback ko no?! Kaya nga FLASH eh, may mahaba bang flash??
So ito na yung sinasabi nyang A PLACE WHERE YOU CAN HAVE ALL THE FUN?!! Ano namang FUN dito? Yung mga jeje at gangsta, FUNny yung mukha. Sama ko naman :)))
"Tara na! Daliiiii! Sakay tayo dun sa caterpillar tapos yung perris wheel! May octopus pa! Dali dali! "
Hinihila hila ako ni Sissy papasok sa loob. Nagtatalon pa na parang bata na first time lang dito. Ay hindi pala, dun muna sa tiketan.
"Tekaa! Seryoso ka ba dito? Tingnan mo nga yung pangalan ng perya, ENCHANTED PERYA. Paasa lang! Tsaka ito na ba yung 'A PLACE WHERE YOU CAN HAVE ALL THE FUN?!' "
Expected ko kasi dadalhin nya ako sa isang bar man lang or somewhere sosyal. Lakas kasi maka- english nitong babaeng to eh perya lang naman!
"Bakit ano ba yung lugar na iniisip mo? Fun naman dito ah unless ibang fun iniisip mo."
Nagcreepy smile sya. Nako nako! Hindi po! Hindi yung fun na iniisip nyo at iniisip nya ang iniisip ko! Diko lang kasi matanggap na dito nya lang ako dinala!
"Anong iba?! Pinapahalagahan ko virginity ko! Kaya hinding hindi ako papasok sa peryang yan! Dadanak muna ang dugo bago ako tumuntong sa lugar na yan!!!!!!"
************
"WOOOOOO! AHHHHHHH!!!!"
Grabe tong caterpillar!! Intense ang bilis! Daig pa ata ang space shuttle sa Enchanted Kingdom!
Opo opo, napasubo na ako sa peryang to =_= Sinabunutan lang naman ako ni Sissy papasok sa loob pagkatapos kong magdrama. At infairness ine-enjoy ko na ang Enchanted Perya na to. May thrill kasi yung mga rides. Para bang nasa bingit ka ng kamatayan. Hindi mo alam kung safe ba basta nalang magtutunugan yung mga kinakalawang nang mga parts! Lakas maka - final destination ng perya na to!
" I told you so, mag eenjoy tayo dito! Padrama drama ka pa dian."
"Oo na, kamalayan ko ba eh first time ko dito. Libre mo naman kaya ayos na din sakin."
Bumaba na kami sa caterpillar. Ano kaya next namin? Tumingin ako sa kanan. Sa perris wheel kaya?
Pagbalik ko ng tingin ko kay Sissy, wala sya sa tabi ko. Bruha talaga, iniwan ako? Saan naman pumunta yun?
Sa di kalayuan, nakita ko Sissy at may kasama syang lali. Sino naman yun? Bakit magkaholding hands sila ni Sissy? Hindi kaya...
"Eol, this is Cristoff. My BOYFRIEND."
Ha?! Boyfriend?! Kelan naman nya nakilala tong lalaking to? Jackpot sya ngayon ah, gwapo yung guy:)
Okay fine medyo type ko pero di ko naman susulutin yun! Not that low level.
"Ahh hello! Kelan pa naging kayo?"
"Ngayon lang."
"Ha? Eh kelan kayo nagkakilala?"
"5 seconds ago."
Ano? 5 seconds ago tapos sila na? Agad agad?
"Eh pano nangyari yun Sissy eh katabi lang kita kanina. Imposible namang di ko napansin yun."
"Ano ka ba! Nung lumingon ka sa kanan, nameet ko sya, niligawan nya ako at sinagot ko sya. Ahaha!!"
At nagmalanding tawa nanaman sya tapos hinug si Cristoff.Ang landi landi talaga!
" All in 5 seconds? Tiningnan ko lang yung perris wheel tapos kayo na?Hindi kaya kasal na kayo in another 5 seconds. And in another 5 seconds buntis ka na?"
"Ang oa mo talaga Eol! Ahahaha! Baby, wanna ride the perris wheel?"
Nagmalanding tawa nanaman sya. Hay nako, nakakasense ako ng masama dito ah. Nasesense kong iiwan nanaman ako ng bestfriend kong to at dun makikipagflirt sa instant boyfriend nya. Chaperon nanaman ako. NANAMAN.
" Eh pano naman ako? Sino makakasama ko sa perris wheel?"
" Madami dian! Don't worry Eol, I got you. Let's go!"
I got you?! Eh kanina pa ako napapahamak sayo eh. Baka kung sinong jejemon dian makatabi ko. Nakashort shorts pa naman ako. Huhu, wag naman poews.
/ perris wheel /
Sumakay na sina Sissy at Cristoff sa yellow perris wheel. At ayun naglalandian na at ibinaon na ako sa limot!
Sasakay na din ako. Red tong perris wheel ko, may heart heart pa sa gilid. Bat ganun kakaiba to sa ibang perris wheel?
"Maam congrats po! Dahil kayo ang napatapat sa upuan na to, meron po kaming special treat sa inyo! "
*tadaa!* confetti* confetti*
Pwe! Pwe! Ano ba yan may paconfe confetti pa. Nalunok ko pa ata yung mga iba.
"Anong treat?Pagkain ba to? Siguraduhin nyong ligtas yan ha."
Sabi ko dun sa lalaki. Nalilito pa din ako. May mga ganitong padali rin pala sa perya. Nagiging weird na ang peryang to =_=
" Hindi Maam! Mas maganda pa sa pagkain! Ito po ay special treat para sa couple! Bbgyan po naman kayo ng chance na tumigil sa pinakatuktok ng perris wheel at magkaroon ng full view ng aming fireworks display! "
Ang korni naman nito. At may fireworks display pa sila ha?Hindi kaya Enchanted Kingdom talaga to na naghirap?
"Sorry wala akong ka couple. Sa iba nyo nalang i-offer."
"Hindi po problema yan! Dahil hahanap tayo ng magiging ka- couple nyo! Spotlight please!"
Lumabas ang isang malaking ilaw. Yung ginagamit sa mga shows. Sinasabi na nga ba enchanted kingdom talaga to -__-
May tumunog na sound effects habang umiikot yung spotlight..
*tadaaaa!!*
Tumigil yung ilaw sa isang lalaki na nakatalikod. Naka checkered na blue syang polo, jeans at black vans. Naglalaro ata sya nung color game. Siniko sya nung kasama nya kasi di nya alam na sa kanya nakatapat yung spotlight.
Pag harap nya, nilagay nya yung kamay nya above his eyes. Nasisilaw sya sa ilaw. Hindi ko din makita ng ayos ang mukha nya.
Naglakad sya towards our direction. As he comes nearer, his face gets clearer.
I think his familiar.
NO!! I KNOW HIM! o_O
---» to be continue..