*Bra 13: Meanings
Papunta na ako ngayon sa auditorium. After 3 days, magsisimula na din kami magpraktis. At siyempre excited na excited na ako! Hindi dahil kakanta ako kundi dahil makakasama ko si Avie! WAAAA! Iniisip ko palang ang mga pwede mangyari, kinikilig na ako! Pero mas kikiligin sana ako kung ako yung female lead kaso nga lang inagaw ni Ivon remember? Humanda talaga yung babaeng yun sakin! Kukutusan ko siya! Bwahahaha
~You think you know me
But you don’t know me. .~
Mama calling….
“Ma!!”
Ngayon lang siya tumawag simula nung iwan nya ako dun sa apartment. Miss na miss ko na si Mama lalo ang mga luto niya. Hindi ko naman siya matawagan kasi wala naman siyang phone at saka wala din iniwan na kahit anong contact number.
“Eol, anak kamusta ka na? Maayos ka ba diyan sa apartment? ”
“ Okay lang Ma, nakakasundo ko na din yung mga daga at ipis sa apartment ko. Pero sandali nga ma! Bakit ngayon lang kayo tumawag at tsaka di nyo man lang ako pinupuntahan sa apartment ko! ”
“ Anak, paano ako pupunta diyan? Nasa Palawan na ako.”
(o______o)
“Ano?! Sabi nyo sakin pupunta kayo sa apartment bago pumunta sa Palawan. ”
Hindi man lang nagpaalam sakin. Binalak ko pa namang palihim na isiksik sarili ko sa maletang dala niya at para pagdating niya sa Palawan, makita man niya ako wala na siya magagawa. Planado ko pa naman ang lahat, nakabili na ako ng mini tank ng oxygen. Sayang tuloy pera ko (-___-)
“Biglaan kasi anak, pinapunta na agad ako ng tita mo dito. Don’t worry anak, padadalhan naman kita ng pera diyan.”
Haaaay. Nakakainis, sayang talaga yung oxygen tank.
“Bakit ba kasi kayo pumunta diyan? Saka saan nyo kukunin yung pera?”
“Wag ka na maraming tanong. O sige sige anak, babye na!”
*Toot toot toot. . .*
Bago pa man ako umangal hinang nya na yung phone.*sigh* Ako nalang pala talaga mag-isa dito.
~You think you know me
But you don’t know me. .~
Oh? May tumatawag ulit sakin. Baka si Mama ulit yun!
Pagtingin ko sa phone ko, hindi si Mama kundi si Sissy.
“Anong gusto mo sa buhay mo?” , sagot ko kay Sissy. Ang bait ko no? (^___^)
“Gusto ko maging patron ng kagandahan.”
Patron o PATAPON ng kagandahan? Wehehehe (^__-)
“Kung wala ka matinong sasabihin, ibababa ko na to. May praktis pa ako with Avie my breath ko!”
Nakwento ko na din kay Sissy yung about sa romantic play at kung paano inagaw ni Ivon sakin ang role ko. Pati na din yung kay Erin at sa Aleepunga na yun. Nakakainis nga eh, interesadong interesado siya kay Aleepungang rapist. Akala ko ba ayaw nya na magboyfriend?
“Teka Eol! May favor sana ako. Pwede mo ba kunin yung hello kitty kong ballpen sa room 504?Naiwan ko kasi kanina.”
“Hindi pwede (-___-)”
“Please! Please! ”
“Ayoko.” (-____-)
“Please Eol! Hello kitty yun eh! Please sis.”