Bra 4

74 1 0
                                    

*Bra 4

#Eol's POV

"Ano ka ba naman Eol?! Pano na yung raket natin? Buti kung hindi nila yan pansinin."

Haaay. Sabi na nga ba sesermonan ako ni Sissy >_<

"Sorry na sis, hindi ko naman sinasadya eh. Tsaka ikaw kaya tong madapa!"

"Ay nako nako!Wag mo nga sakin ibaling yan kalampahan mo. Tusukin kita ng lollipop eh."

Ang bestfriend ko talaga napaka-oa! Mamamatay ba ako sa lollipop?Duhh.

"Kung tinutulungan mo nalang kaya akong i-conceal tong sugat ko ?!Padating na yung mga clients natin."

Nag- whatever sign sya with matching irap. Pero wala sya nagawa kundi kuhanin yung concealer.

"Alam mo kung di lang talaga kita mahal, siguro di ko pa ubos ang lollipop ko nasaksak ko na sayo."

Pinapahidan nya ng concealer yung gasgas gasgas sa tuhod ko. Medyo masakit pa since two days pa lang naman nakakalipas mula nung nadapa ako.

"Aray! Dahan dahan naman. Eh talaga mahal mo ako? Ikaw nalang kaya i- boyfriend ko?"

Bigla syang napatayo at lumayo sakin.

"Ewww! Kilabutan ka nga dian sa sinasabi mo! Kahit ikaw pa pinakahuling tao sa kaibuturan ng mundo hinding hindi kita papatulan! Neveeeeer!"

"Wag ka nga masyadong choosy kaya wala kang tumatagal na boyfriend eh!"

Napasimangot si Sissy. Feeling ko natamaan sya sa sinabi ko. Totoo naman eh, ang short lang ng mga relationships nya. Pag hindi weeks, days lang. Himala na nga pag naka one month sya!

Dumiretso sya sa closet at kumuha ng mga damit and accesories.

"I just want to pick the right guy... oh suot mo na to habang di pa sila dumadating."

She told me in a low voice. I did not intend to depress her.

Tiningnan ko yung damit. Black plain sleeveless and pink short then bnigyan nya ako ng spike earrings and some bangles. Siya kasi stylist ko sa tuwing may raket kami.

"Sis.. Makikita mo din yung tamang guy para sayo pero wag ka naman manakit ng mga lalaki! Haras ka talaga eh!"

Binatukan ko siya pero mild lang. Para lang ma change yung atmosphere.

Hinug nya ako ng mahigpit at hinug ko din sya pabalik. Kapatid na talaga ang turing ko kay Sissy.

"Eol, thank you talaga. Ikaw nalang meron ako."

Ulila na si Sissy. Yung Mommy nya iniwan sya nung baby palang siya. Last month nya nga lang nalaman na namatay na ito ni hindi nya pa nakikita. Yung Daddy naman nya isang pulis at napatay sa isang operation. Ako lang ang kasama nya sa mga panahong yun kaya sobrang pasasalamat nya sakin.

" Sus! Hindi bagay sayo magdrama kaya bitaw na at ako ay magbibihis na."

Humiwalay sya mula sa pagkakayakap sakin at sinabunutan yung bangs ko. Sabi ko sa inyo eh brutal to!

Nagbihis na ako. Medyo na aawkward ako sa sleeveless kasi di naman ako talaga naggaganito. Kapag photoshoots lang.

Nagsusuot palang ako ng heels nang tumunog yung chime sa may pinto. Ibig sabihin nun baka dumating na yung mga clients namin. Nagmadali akong isuot yong sapatos at lumabas na.

" Eol, this is Mr. Pelagio and Mr. Montenegro."

"Hi, Eol. You're such a beautiful lady.", sabi nung Mr. Pelagio then hinalikan kamay ko.

"And stylish as well. " , sabi naman nung Mr. Montenegro at kiniss din yung kamay ko.

Yuck, laway laway na tong kamay ko. Para tuloy silang nag indirect kiss sa kamay ko -__-

Ngumiti nalang ako. Pinaupo namin sila at pinag- serve ng coffee. Dahil kami lang naman dalwa ang employee ng opis-opisinahan na ito, ako pa ang nagtimpla ng kape. Si Sissy kasi ang nakikipag- negotiate.

Kumuha ako ng 3-in-1 na kape sa cabinet. Syempre kailangan din ng mainit na tubig. *halo*halo*

"Sir, have some coffee muna po"

"Thank you." , consecutive nilang sinabi.

"So okay lang bang si Eol ang mag model sa brand nyo?" tanong ni Sissy sa kanila.

"Ofcourse! Bagay na bagay syang model lalo pa't ganyan ka sexy!"

Tiningnan ako ni Mr. Montenegro pababa pataas. Naaawkward ako at the same time may feeling ako na minamanyak ako. I tried to be professional nalang.

"Teka Eol, ano yang nasa tuhod mo? Sugat ba yan?" tanong ni Mr. Pelagio.

Nataranta ako! Baka dahil lang sa gasgas na to masira ang deal namin at wala kaming kitain!

"A..ahhh.." di ko alam isasagot ko baka magkamali ako ng imik.

"Ahh! Sir wala lang po yan. Nagpabelo po kasi siya. Peel off lang po yan kaya maaalis din."

Whooow!Niligtas ako ni Sissy! Kala ko katapusan nanamin.

"Ahhh. Okay this deal is closed. I'll contact you to inform when our photoshoot starts. "

Tumayo na sila at paalis na nang lumapit sakin si Mr.Montenegro at may inabot.

"Call me.", bulong nya sakin.

Pagkaalis nila tiningnan ko yung binigay sakin. Isa syang calling card. Grabe, DOM ba yun? Ang tanda nya na kaya no! 40 plus na nga ata.

"Uyyy! Gusto sya ni Mr. Montenegro! Patulan mo na yan!Mayaman yun, masosolve na problema mo!"

Inusisa nanaman ako ni Sissy. Kadiri lang yung sinabi nya! Hindi ako papatol sa matandang manyakis na yun no!

Agad kong ginusumot yung card at shinoot sa basurahan.

*wiiiiiiiiiiingk!!!*

"Ikaw nalang kaya tutal naghahanap ka naman ng RIGHT guy for you, malay mo sya na yun!"

Nagpalit na ako ng tshirt at shoes. Yung short, akin na yun!

"Eeeewww! Alam mo sumama ka nalang sakin."

Hinawakan nya ako sa braso at hinila hila palabas.

"Tekaaa, saan tayo pupunta? "

"A place where you can have all the fun!"

He Wore My Bra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon