*Bra 18: Mission Diary
Naghihysterical na talaga ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung paano ko makukuha yung diary ko kay Alipunga.
Kung pumunta nalang kaya ako sa kanila at kunin diary ko?
Pero kapag nalaman niyang nasa kanya diary ko, siguradong hindi niya to ibibigay sakin. Baka nga itago nya pa to tapos. . . . tapos BABASAHIN! Tapos gagamitin nya pala iblock mail ako!Ahh! Hindi talaga pwede!
Eh paano na? :(
Mga isang oras na din ako nagpapaikot-ikot dito sa bahay kakaisip kung paano ko makukuha ang aking diary. Naubos ko na nga yung dalawang box ng silvanas. Akala ko kasi gutom lang ako kaya wala ako maisip. Hindi pala! Huhu! Bakit kasi sa kanya pa napunta? BAKIT!?
10:30 na. Sana, sana. Please sana po Lord! Hindi niya pa napapansin na diary ko ang nasa kanya at hindi notebook niya.
Hindi ko na pwede ipagpabukas to. Kailangang ngayong gabi mabawi ko na yon. Kailangan makuha ko na diary ko!
Desidido na akong gawin plano ko. Bahala na si Zuma! *cross fingers*
******
Pipindutin ko na talaga to! Ito na! Ito na talaga! (>___-)
*ding dong*
Nagtago ako dito sa may bushes sa gilid ng bahay nina Alipunga. Nasaan na ba yun? Ang tagal naman buksan ng gate.
*wiiingk! O____O Perfect chance!
“May tao po ba diyan?”, yung maid nila ang nagbukas ng gate. Naka pajama na si ate at wow ha naka-face mask pa!
Lumabas pa siya ng kaunti at nagtitingin-tingin sa paligid. Naglakad-lakad siya pakanan. PERFECT CHANCE!
Agad-agad akong tumakbo papasok sa gate habang nagtitingin-tingin parin si ate don.
Nagdidiretso na ako sa loob. Pero dahan-dahan padin, baka kasi biglang sumulpot yung isa pang maid mahuli pa ako. Bata pa ako para makasuhan ng trespassing!
Oo, ito na ang super plan ko. Ang magsneak-out sa bahay ni Alipunga habang tulog pa siya. In that way, hindi niya malalaman na napagpalit niya diary ko at notebook niya. Diba ang genius? (^___^)
Pagpasok ko, medyo madilim na pero nakikita ko pa din ang daan dahil may small lights na bukas. Oh di sila na ang may small lights, ako na ang may bumbilya sa bahay. (=__=)
*eengkkk! (O___O)
Narinig kong nagsasara na yung gate, ibig sabihin pabalik na si ate na nakaface-mask!
Dali-dali akong umakyat ng hagdan. Ang hirap pala nito! Yung nagmamadali ka pero kailangan dahan-dahan at walang ingay.
Teka, saan nga kwarto ni Alipunga? Bakit kasi lima ang kwarto dito eh dadalawa lang naman silang magkapatid dito. Iba talaga pag mayaman, kahit di kailangan may mapaggastusan lang ng pera.
Diko na matandaan kung alin dito eh, isang beses palang naman ako nakapunta dito. At hindi pa nga visit yun (T___T)
Mi-ni-mi-ni-mi-ni-mo-a-lin-ka-ya-di-to-ang-kwar-to-ni-ali-pu-nga-ito-oh-ito? I-to! Ba-ba-lik-ba-ba-lik,ang-ma-ba-ho-ay-kwar-to-ni-ali-pu-nga!
Ito! Siguro ito na nga ang kwarto niya. Please sana ito na ang kwarto niya!
Idinikit ko ang tenga ko sa pinto ng kwarto. Pinapakinggan ko lang kung tulog na siya.
Wala naman ako naririnig kaya siguro tulog na lalaking yun.
Dahan-dahan ko inikot yung knob. *eeeeengk* (-___<) Tapos dahan-dahan binuksan ang pinto.