Bra 17.1

32 1 0
                                    

*Bra 17: He likes me.

“Bestfriend! A-anong ginagawa mo sa bahay ni Alexander?”

Yung--yung mansion ni Alipunga. . . .

AY YUNG MANSION SA TABI NG APARTMENT KO?!!!! (?O?)

AHHHHHHHHHH!! Hindi to maaari! Hindi kami magkapitbahay ni Alipunga! Nawiwindang ako sa nangyayari!

“Platypus! Naiwan mo tong bag m--- Kyle? Anong ginagawa mo dito?!”

Ako – (?O?)

Kyle – “Pinupuntahan ang bestfriend ko. May problema ka ba don? Ha??”

Ako – (?O?)

Alipunga – “ Oo. Nakikita ko panget mong mukha.”

Ako – (?O?)

Kyle- “Mas papanget pa ba sa mukha mo?! Wag ka lumalapit sa bestfriend ko, baka mahawa sa kapangitan ng mukha mo!”

Ako – (?O?)

Alipunga –“ Si Platypus bestfriend mo? May ipinalit ka na pala sakin. Siya ba? ANG SARAP NGA TITIGAN NG MUKHA NYA HABANG NATUTULOG.”

Ako – (?___-) Bromance ba to?? May palitan pang nagaganap!

Kyle- “ Gagu ka!!”

*booooog!

(O_____O)!!!

*booooog!!

(O_____O)!!!

“TUMIGIL KAYO!!!!!!!” (>__<)

Napatigil sila sa pagsusuntukan at napatingin sakin.

“ANO BA NAMAN KAYO?? MGA ISIP BATA!!”

Binitawan ni Kyle pagkakahawak nya sa shirt ni Alipunga tapos nagsamaan lang sila ng tingin. Pinunasan ni Alipunga yung dugo sa gilid ng labi niya.

“Oh bag mo!” Tinapon nya sakin yung bag ko na nasalo ko naman. Hindi naman malakas pagkakatapon niya. Pumasok na din siya sa bahay niya.

“Ayos ka lang ba?” At ako pa talaga tinatanong ni Kyle eh siya nga tong duguan ang ilong.

“Ako pa talaga tinanong mo? Tingnan mo nga yang ilong mo, umaapaw ang dugo.”

“Okay lang ako. Dapat talaga sinusuntok pa--”

“Shhhh! Manahimik ka na nga lang! Halika na, gagamutin kita.”

“Aray! Ouch!”

“Wag ka nga malikot!”

“Dahan-dahan lang kasi!”

“Wag ka nga mag-inarte! Ikaw to nakipagsuntukan eh!”

Ang likot likot naman nitong si Kyle! Hindi ko tuloy mailagay nang ayos yung cold compress.

“Eh kasi tinitigan ka nya habang natutulog!”

Ano raw? So nakipagsuntukan lang siya dahil sa sinabi ni Alipunga na tinitigan nya ako habang natutulog. Eh hindi naman totoo yun! Asa ka pa! Baka nga nag-iisip yun kung paano ako isasalvage habang natutulog ako (T___T)

“Hindi naman kasi totoo yun! Ikaw talaga! Yan tuloy, pasa pasa na yang mukha mo.”

“Gwapo pa din naman ako diba?” (^___-) *wink!*

Anubeeey! Ang cute nya pa din kahit sugat sugat mukha niya. (^___^)

“Oo na lang!” Pero OO talaga! Ang gwapo pa din niya kahit anong mangyari!

He Wore My Bra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon