Bra 6

52 1 0
                                    

#Eol's POV

"AHHHHHHHHHHH!!!!! "

Tatlong araw na ang lumilipas pero hindi parin ako makamove-on sa nangyari sakin sa Enchanted Perya na yun! Pag naaalala ko yung nangyari sakin, yung kamanyakan ng lalaking yun, yung. . . yung . .  pagkakapisa nya sa ano ko, "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Nagagalaiti parin ako! Para bang tinanggal nya na yung virginity ko sa ginawa nya plus ANG SAKIT KAYA! 

Feeling kasi nyang mga lalaking yan, hindi masakit porket yung kanila pag hinahawakan ay okay lang. Sensitive kaya to no! (*m*) Pag ako talaga nagka-cancer dahil sa ginawa nya sakin, nakoooooo! Tatanngalin ko yung bukol at ipupukpok ko sa kanya! Ibabaon ko pa sa bunbunan nyan! PINAGSAMANTALAHAN NYA ANG PAGKABABAE KO! RAPIST SYAAAAAA!!!

♫ You think you know me

But you don't know me

You think you own me

But you can't control me

You look at me and there's just one thing that you see

So listen to me

Listen to me♫  

Mula sa pagkakasubsob ko sa unan na medyo may laway laway na nga kasi kanina pa akong nasigaw dito ng palihim ay tumunog ang napakagaling kong cellphone. Istorbo ka sa pag-iisip ko kung paano isasalvage ang rapist na yun -__-

Ganda nang song, nakakasoothing sya para sakin kahit may pagkarock. Favorite song ko yan eh, "You don't know me" by Elizabeth Gillies. Mamaya ko na nga sasagutin, makikinig muna ako sa kanta. And I am too lazy to get on my feet and find that ringing piece of technology. Kung saan saan ko nalang kasi yun nilalagay, wala naman kasi ako tinetext o tinatawagan.

 ♫You push me back

I push you back

Harder, harder

You scream at me

I scream at you 

Louder, L-L-L-L-Louder . I'm dangerous so I'm warning you... Cause you're not afraid of me..And I can't convince you..You don't know me " Yan napasabay na ako kay Elizabeth. Not to mention nakasubsob padin ako sa pillow at nadadama ko na na mamasa masa na ito.

"Sino ba naman kasi yun? Chu! Chu! Cellphone, ikaw nalang gumapang papunta sakin please. Maawa ka naman sa binaboy kong kaluluwa." ( -_____-)

♫ You think you know me

But you don't know me...

Umulit na yung song meaning nagdial ng panibago yung caller. Itinaas ko yung ulo ko, medyo tinamad pa nga ako gawin yun eh. Wala talaga ako sa mood today.

" Ano ka bang cellphone ka? Hindi ka ba talaga lalapit sakin? Ang tamad tamad mo! Pag ikaw hindi pa pumunta sakin, ifa-flush kita sa toilet! "

♫You think you own me

But you can't control me...

At dahil nga walang kwenta ang cellphone ko at di marunong sumunod sa amo nya, no choice ako kung hindi hanapin sya. Saan ko nga ba yun nilagay? Sa tubalan nga ba? Hinalungkat ko na yung tubalan pero wala dun. Tiningnan ko na din sa mga sapatos ko pero wala don. Nagtry din ako sa bubong namin pero wala pa din! 

"ASAN KA BA?! BAHALA KA NA NGA SA BATTERY LIFE MO. " Battery life siempre alangan namang sabihin kong 'buhay mo' eh wala namang buhay yun.

 Dahil napagod na ako, napabagsak ako paupo sa kama.. "crrrkkkkk". Bigla akong napatayo kasi parang may naupuan ako or something pero pagtingin ko naman sa kama wala naman ako naupuan. Ano yun? (?.?)

He Wore My Bra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon