Bra 8

37 1 0
                                    

*Bra 8: Meet Kyle Vale Espiridion

#Eol's POV

"I'm here! Sorry po late ako."

Kadadating ko lang sa venue ng photoshoot namin. Yes, nakahanap ako ng temporary work. 3,700 din ang sweldo ko dito kaya naman dito ako nag-apply.

Nung nakita ko ang venue, kinabahan ako. Bakit dito? Of all places, dito pa talaga?! Sino naman kasing tukneneng ang nag-isip na sa helipad mag-shoot? Pwede namang sa basement nalang. At least dun, hindi mataas. Alam nyo namang takot ako sa heights eh. Pero kailangan ko talaga ang trabaho na to kaya umayos ka Esmeralda Olivia Lorencia!

Yun nga pala ang pagkakapanhi kong full name. (-m-) Ang pangit pangit talaga. Pinagsama-sama ko nalang yung first letter ng bawat name kaya naging EOL. Tadaaaaaaa!

"Put her in make-up! C'mon people! DOUBLE TIME! Dress her! FAAAAAASTER!", nagitla ako sa sigaw nung bading na staff na nasa tabi ko pa man din.

"At ikaw? ", tinuro nya ako with matching taas ng kilay. "Bakit po?", inosente kong sagot. "ANG CHAKA MO!!!! WAG KA NA PATANGA TANGA DIYAN!" ( > _ < )

Ay grabe! Katabi na nga lang, kailangan pa sigawan? Alam ko namang chaka ako (chaka= pangit) ako kahit model ako. Ako kasi yung type ng model na hindi sobrang kagandahan. Nagkataon lang na yung katawan ko medyo . . .  *ahem* *ahem* medyo maganda ang curves kaya tinatanggap ako ng mga agencies.

Hiniklat na ako ng mga stylists at yun sinimulan na akong bugbugin. Eh kasi naman mini-make up-an , binibihisan, nilalagayan ng kung ano ano ng sabay sabay! Hindi na nga ako makagalaw eh. Sadyang mabilisan ang trabaho dito.

"DAGDAGAN NYO PA ANG MAKE-UP! KITANG-KITA MGA BLACKHEADS, PIMPLES AT BAKO BAKO SA MUKHA NYAN! FASTER!" o( >O< )o

Pumunta lang naman yung bading na staff samin habang inaayusan ako at nagsisigaw nanaman. At ano daw sabi nya? BLACKHEADS?PIMPLES? BAKO-BAKO? Ano ako rocky road?! Hindi naman ako ganon kapangit!  Pasalamat kang bakla ka kailangan na kailangan ko ng pera kundi naitulak na kita. Hmp!

Pagkatapos akong ayusan, pumunta na ako sa photographer. Half-American at half- Filipino siya. Teka, ano nga name nya? Let me think.

Mr. Android?

Mr. Appendix?

Mr. Andrix! Tama, yun nga. Siya yung nag-interview sakin nung nag-apply ako. Sabi nya, maganda daw hugis ng katawan ko at perfect sa gagawin nyang photoshoot. Flattered much naman ako, haha! May halo naman kasing katotohanan :)

"You look great, Eol!", then bineso nya ako. Ang bait bait sakin ni Mr. Andrix samantalang yang baklang yan, kung umasta kala mo sya ang manager.

"Cassandra, where's Kyle? Papuntahin mo na sya dito, magsstart na tayo."

CASSANDRA?! Yung baklang bubwita ang name ay Cassandra!? Kahit pagandahin nya pa pangalan nya, wala. . wala na talaga syang pag-asa. I'm such a meanie.

Teka, sino yung Kyle? Siya kaya magiging kapartner ko? Nako please naman, sana gwapo!

Sinundo ni *pwe!* pwe!*, teka nga makasuka muna. Ang hirap sabihin ng pangalan nya kapag nakikita mo mukha nya! Sa lahat naman ng pangalan, yun pa ang pinakapili-pili! Sinundo ni . . nung baklang yun! Haaay, nakahinga din (# - o -) Sinundo ng baklang yun ang isang lalaki.

Mula sa tent, lumabas sila. At hindi ko alam kung bakit may nakadikit na dikya sa braso nya. 

"Ahh, he he. Cassandra, pwede bumitaw ka sa braso ko. He-he", sabi nung lalaki na feeling ko si Kyle. Tamo, pati si Kyle nandidiri sa pagkadikya nang baklang yun!

He Wore My Bra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon