Bra 16

27 1 0
                                    

*Bra 16: Discoveries

Umalis na din kami sa mall. Ayaw na daw niya makita pa yung dalawa na magkasama.

Hindi ko akalain na may pinagdadaanan palang tulad nito si Alipunga. Kaya siguro siya abnormal, autistic, masungit, mataray at kulang-kulang. Napapaisip tuloy ako. Matagal na kayang alam ni Alipunga yun?

“Hoy platypus, ihahatid pa ba kita?”

Anong klaseng tanong yun? Nakakaasar yung dating. Hindi mo masabi kung inaalok ka ba talaga niyang ihatid o naiinis siya kasi kailangan niya ako ihatid.

“Wag na! Isa pa, hindi ko gusto yang kotse mo.”

“Tsss, arte. Bahala ka nga diyan.”

Tapos sumakay na siya ng kotse at umalis! Loko yun! Iniwan nga ako?! Kagabi pinag-aagawan ako ihatid tapos ngayon iniwanan lang ako basta-basta? Ni hindi man lang nagpasalamat! Nakakainis talaga siya!

Nagsimula na ako maglakad. 9 palang naman ng gabi pero madilim na ang mga daan. Black out ba? Bakit walang ilaw mga poste?! Binilisan ko nalang paglalakad ko. Wala pa din dumadaan na masasakyan.

“Hi Miss!”

“Hindi ako si Miss!”

“Ang taray mo naman Miss, ano bang pangalan mo?”

“Adudag. Okay na? Masaya na kayo?! Pwede bang padaanin nyo na ako!”

May dalwang lalaki ang humarang sa daan ko. Nagsisigarilyo yung isa. Hindi ako natatakot sa kanila. Black belter ata to!

“Paano kung ayaw namin?”, sabi nung nagsisigarilyo.

“Gusto mong sapak?! ” (=__=)  Ang kulit naman! Pag ako talaga nainis, ini-ninja kick ko sila!

“Gusto ko ikaw.” Anubey! May pagbanat pa ang isang to! Siya kaya banatan ko.

“Ang kinis mo naman.” Tapos hinawakan niya ang mukha ko. WAAAAA! (>__<)

“Bitawan mo nga ako! Naglinis ka na ba ng kamay kuya?!” Kadiri naman! Mamaya katatapos lang nito magbanyo.

“Oo naman! Amuyin mo pa!”

Aamuyin ko na sana nang takpan niya ang bibig ko. Nagpupumiglas ako kaso hinawakan ako nung isang lalaki.

Unti-unti akong nakaramdam ng hilo.

“Hoy! Bitawan mo siya!”

“At sino ka naman?! Ed, tapusin mo na ang isang yan! ”

May isang lalaki ang papunta samin. Hindi ko makilala kung sino siya. Nahihilo na talaga ako at nanlalabo na ang mata ko.

Naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa lupa at hindi makagalaw.

“Ano bang pumasok sa utak mo?! Hoy! Hoy! Wag ka nga matulog diyan!”

BLACKOUT.

*poke*poke*

“Five minutes pa..”

*poke*poke*

“Kyle naman eh! Ang aga aga….”

(O__O)

”#R%^S^&AS* AHHHHHHHH!! Get off me! You pervert, rapist! AHHHHHHH!”

“Hey stop harassing me! Aray! Aray!”

“Tama lang yan sayo! Manyakis ka talaga kahit kailan!”

“At ako pa? Ako na nga tong nagmagandang loob! Kung di dahil sakin baka kung saan lansangan ka na natutulog ngayon.”

Teka, ano bang sinasabi ng alipungang to?

He Wore My Bra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon