*Bra 11: Dreams do come true
"Marita! Kamusta ka na? Ito na ba si Esmeralda, nako dalagang dalaga na! Siguro may boyfriend na ito?"
"Ano ka ba naman Cory! Wala pa yang boyfriend! Ikaw na muna bahala sa kanya ha."
Oo, wala pa talaga akong boyfriend dahil hinihintay ko pa si Avie my breath ko! Nandito na nga pala kami sa lilipatan KO at titirhan for 5 months. Okay naman sya, malaki yung sala then may isang kwarto. Kaya nga lang, nakakainis! Ang katabi kasi ng apartment na to ay isang mansyon! OO! MANSYON, malaki talaga sya! Nagmukha tuloy dog house yung apartment ko (T__T)
"Oh Eol, pumasok ka na at mag-ayos ka na ng gamit mo. Pupuntahan nalang kita kapag aalis na ako papuntang Palawan."
Napabaling yung tingin ko kay Mama. Tinititigan ko kasi yung mansyon. Sino kaya nakatira dito? Siguro bilyonaryo may-ari nito at tsaka mukha pang may swimming pool sa loob. Sana mabait yung owner para makapagswimming ako ng libre!Wooooooooo!
"Hindi ba pwedeng dito muna kayo hanggang sa umalis kayo? Ma naman eh, isama nyo na kasi ako! Kahit isaksak nyo nalang ako sa maleta nyo para walang pamasahe!"
Hinawakan nya balikat ko at tinap-tap ito, "Ano ka ba naman Eol, mabilis lang naman ang limang buwan. Oh sya sya aalis na ako, babooooo!" Hinalikan nya ako sa pisngi at umalis na.
Tiningnan ko yung apartment, ang lungkot lungkot niya tingnan. Ako nalang mag-isa. Haaaay, kung pwede nga lang isama si Sissy dito kaso nga lang ubod ng kaartehan ang babaeng yun! Eww dito, eww diyan! Wag na nga lang, madadagdagan pa problema ko.
Pagpasok ko, *ubo!*ubo!* Ano ba naman yan, ang gabok gabok! Kailan ba may huling tumira dito? Mukhang di pa ata ako makakapahinga. Kailangan ko pa linisin to. Binaba ko na yung mga gamit ko sa isang gilid. Nanghiram nadin ako ng walis, dust pan at mop kay Tita Cory, yung may ari ng apartment at friend ni Mama.
"Ang liit liit mong bahay ka, pero ang hirap hirap mo linisin! Tukneneng ka naman oh!", pagmamaktol ko. Kanina pa kaya ako nagwawalis dito pero parang nagrereproduce yung mga gabok at hindi maubos ubos! Napahawak tuloy ako sa noo ko.
Sa paghawak ko sa noo ko, may naalala ako. UWAAAAA! Kinikilig nanaman ako! Everytime na naalala ko yung forehead thing na yun, ramdam na ramdam ko padin yung malalambot na labi ni Kyle na dumampi sa aking noo.
"Leshe ka Kyle! Pinapakilig mo nanaman ako, pwede ba tigil-tigilan mo na paghalik sa noo ko?!", sabi ko sa sarili ko habang hawak hawak ko pa din noo ko.
"Ayoko nga!", out of nowhere may isang familiar voice ang nagsalita. Pagharap ko sa pinto, isang napakacute na halimaw ang nakasandal at may hawak na paperbag.
UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! SI KYLE!!! Narinig nya kaya yung lahat ng sinabi ko? Hindi! Hindi! Hindi nya dapat malaman na kinikilig ako sa kanya! Bestfriend kami, hindi lovers!
Lumapit siya sakin habang ako parang tuod na di makagalaw sa kahihiyan.
"Oh? Bakit ang pula pula nyang pisngi mo? May sakit ka ba?", pinisil pisil nya yung pisngi ko at hinawakan noo ko para i-check kung may sakit ako saka inilapit mukha nya sakin at tinitingnan ako na para bang may inuusisa. "Eol! Ano nangyayari sayo? Lalo kang namumula!"
*PAK!!*
"AWWWCH! Bakit mo nanaman ginawa sakin yun?", pagrereklamo nya while touching his face. Sinapol ko nanaman kasi siya ng kamay sa mukha. Baka sumabog na ako pag nagpatuloy pa ang paglapit ng mukha nitong si Kyle. Bakit ba kasi humaharot siya ng hindi nya alam?