Bra 15

32 1 0
                                    

*Bra 15: Spy 101

“ Do you know stars are dead? ”

“Dead? As in patay? Eh paano naliwanag?”

“Because they can find their light.”

“Huh?!”

“Di mo talaga maintindihan? You know I met this girl and she told me that. At first, di ko din naintindihan. But she taught me to understand and feel.”

“At sino naman siya? Nagseselos ako ha.” Totoo, nagkaramdam ako ng selos as bestfriend. Naging malapit na sa akin si Kyle at naging komportable na din sa kanya. Nasanay na din ako na lagi siya nasa apartment at nakikitulog. Ako lang din lagi  nakakasama nyang babae kaya nakakaselos lang na may iba siyang babaeng tinutukoy.

“Ikaw talaga bestfriend! Umaandar pagkaselosa mo. Ikaw din naman eh, may Avie ka na, tabingi naman ilong.”

“Kyle!!” Sinigawan ko siya hindi dahil galit ako. Ayoko lang na tinatawag na tabingi ilong ng Avie my breath ko!

 Kinulong niya ako sa yakap saka ginulo-gulo buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Matagal tagal na din akong di nakakaramdam ng yakap simula ng umalis si mama.

“Okay fine, hindi na. But don’t get attach to him. I don’t really like his aura.”

“Ang gwapo kaya ni Avie!”

“Mas gagwapo pa ba sakin yung tabingi--”

“KYLE!” Sinigawan ko ulit siya. Tatawagin niya nanamang tabingi ilong ni Avie eh. Napakabad.

“ Okay fine. Basta ako hindi tabingi ilong ko.” (=__=) The fudge, ang kulit ng batang to.

“Teka nga, bakit ba napunta kay Avie ang usapan. Diba ang pinag-uusapan natin ay yung girl na nakilala mo? So sino nga sya? Ano pangalan niya?”

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin pero nakahiga parin ako sa kanang braso niya.“I don’t know her name yet. Mataray at maarte kasi  yun kaya ang hirap kausap.” Sabi niya while looking at the sky. Nasa roof kasi kami ng apartment ko. Naglagay lang kami ng foldable bed.

“So interested ka nga sa kanya?”, tanong ko na medyo mataray. Nakakaselos padin eh!

“Yes. I like her.” Awww. Kakaselos na talaga. May kahati na ako sa atensyon niya. Pero di naman ako ganon ka selfish. Di naman niya ako girlfriend para ipagdamot siya. May Avie na din ako.

“ Basta ako lang bestfriend mo!”

Tumingin siya sakin at hinalikan ako sa noo. “Oo naman! Ikaw  lang talaga.”

Normal na sa akin kapag hinahalikan niya ako sa noo. Hindi tulad dati na halos maging kamatis na ako sa kilig.

Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko nanaman yung mansion. Ewan ko ba pero parang may something sa mansion na humihila sakin.

“Kyle, diba sabi mo friend mo yung nakatira sa mansion na to?”

“Oo.” Plain niyang sabi without looking at me.

“Eh bakit hindi mo man lang pinupuntahan?”

Bigla siyang napatingin sakin, nanlaki ang mata, balik ang tingin sa langit saka nagbuntong-hininga.

“Nag-away kasi kami.” Naramdaman ko ang coldness sa boses niya.

“Eh?!”

“Hindi kasi siya marunong makinig. Sinasampal na siya ng katotohanan, di pa siya naniniwala. Teka, same school kayo ah.”

Sa Harves Academy din napasok? Schoolmate ko pala ang may-ari ng mansion na to. Wow!

He Wore My Bra!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon