*Bra 9: BESTfriends?
" Sir, Ma'am, here are your orders."
"Teka!!Bakit TWENTY scoops ang iyo?Tapos yung sakin tatlo lang!?"
"Libre nga lang kita, nagrereklamo ka pa.Just eat okay?"
Ang daya daya!Kahit libre nya ako dapat fair kami. Natatakam tuloy ako sa kinakain nya.
Sumubo na sya. Para syang bata na nagcrcrave ng ice cream. Ang cute cute nya!!
"Oh Eol?! Bakit di ka pa nakain?Natutunaw na yang ice cream mo oh."
"Eh kasi naman! How come na yung akin ay parang sorbetes lang at yung iyo ay rocky road, double dutch, vanilla strawberry at blueberry flavor?Napakadaya!"
"Ah yun lang ba?", Nagscoop sya sa kutsara nya nang ice cream at nilagay sa bowl ko. "Oh yan na ha!Wag ka na makulit, I can't concentrate on my ice cream."
-__- Anong klaseng nilalang ka ba Kyle?Sobrang gwapo mo tapos ice cream lang pala katapat mo? At SOBRANG GENEROUS ha, binigyan nya ako ng ISA, ISANG KUTSARANG ICE CREAM. WOW!WOW TALAGA.
No choice ako kesa naman masayang ice cream ko, kumain na ako. Hindi ko na sya kinausap kasi baka di sya 'makapagconcentrate' sa ice cream nya -_-
"Burrrrp! Oops excuse me!He-he" Ngumiti sya then nag peace sign. Uwaaaaa!!Bakit ba ang cute cute nya?
Ubos na pala sya sa ice cream nya. At di ka maniniwala sa sunod nyang sinabi sakin.
"Eol, pwede ba penge ng ice cream mo? He-he", napakamot sya sa likod ng ulo nya.
"No!!Tatlong scoops na nga lang yun sakin kukunin mo pa!Bleeeh!!"
Inilayo ko yung bowl ko sa kanya. Grabe to, ang takaw takaw sa ice cream.Aagawan pa ako!!
"Correction, three scoops PLUS one spoon of my ice cream so I have the right to taste some of yours." ^_^
ISANG KUTSARA LANG YUN! At ipanaglalaban nya pa ang karapatan nya dun!Myghad!Ohh this cute ice cream monster!
Nagpuppy eyes sya sakin!GRABE GRABE! BAKIT BA SOBRANG CUTE MO KYLE!?BAKIIIIIIT? (-m-)
Dahil sa sobrang kulit at dahil nakakakonsensya ang puppy eyes nya, nag give up na ako sa ice cream. At ayun, nilantakan nya agad! Habang ako nakahalumbaba at pinagmamasdan kung paano nya kinakain ang ice cream ko.Haaaaay, libre ba talaga to?
"Burrrp!Excuse ulit, hehe. Thanks Eol."
"No problem. Thank you din sa libre mo ha." , sabi ko sarcastically.
"Okay lang yun! Bestfriend naman kita. Lagi na kita ililibre.", nagsmile sya ng pagkalapad lapad.
Bestfriend?Agad agad?Eh kanina lang kami nagkakilala.
"Ako?!Bestfriend mo?"
"Oo naman! Well, I know you fear heights. I also know you're a model. Oh wait, you are kind too to give me your ice cream.I know many things about you so you are now officially my girl bestfriend."
"Eh ganon ba yun?"
"Yes!! C'mon! It's already late. Ihahatid na kita sa inyo."
Napatingin ako sa relo ko at almost ten na pala. Nakoo!Di pa ako nagawa assignments ko!! Huhu, masasalvage na talaga ako ni Sir Henrich.
"So this is your house. Wow!Pwede ako pumunta dito at matulog!"
Tumugil kami sa tapat ng bahay namin.Sabi ko kasi sa kanya uuwi nalang ako mag isa eh sobrang kulit nya at tinakot pa ako na baka daw may kumidnap sakin at itali ako sa tuktok ng billboard at hindi ko daw kakayanin ang taas nun. Hanggang sa mamatay nalang ako sa takot at maagnas na daw katawan ko sa taas ng billboard. At babansagan daw ako na 'the billboard white model lady'.