Chapter 3 ♚ My job

39 13 0
                                    

Tamra.

Ang hirap talaga kapag iniiwasan ka ng mga tao. Malaki pa rin naman pakinabang ko pero marami pa ring mga gulo at away na nasasangkot ako. FYI, lagpas na ata 10 ang record ko sa guidance kaya isang beses pang mapa-trouble ako, drop out na ang abot ko.

Ilang beses na rin akong nadedetention dahil sa mga kalokohan ko pero for fun lang naman. Hindi ko na ata kayang baguhin ang sarili ko. Except, kung may tao lang na kaya akong intindihin.

"Okay class dismissed" naghiyawan ang mga kaklase ko.

=___=

"Psh" bulong ko sa sarili ko.

Halos wala na ata akong natutunan sa cheap na section na 'to. Buti pa si nerd nasa first section. Tch.

Bwisit 'yung teacher namin. Di na nagkaklase eh. Sarap patalsikin sa trabaho.

Oo nga pala, kailangan kong hintayin si Nerd sa tambayan ko. Kapag hindi talaga siya dumating ihanda na niya ang sarili niya.

-

Arghh! 2 minutes na late si nerd, swerte siya dahil hindi pa nauubos ang pasensya ko pero kapag 5 minutes na siyang late, humanda na siya sa parusa.

Nakuha ng atensyon ko ang sigawan sa labas ng canteen.

"Hoy Liam! Kailan mo ba babayaran yung sapatos ko? Kailangan ko na yung bayad mo mamayang hapon pero kapag hindi mo pa nabayaran iyon.." bigla siyang tinulak nung isang lalaki. Tsk! May kaso nanaman 'tong nerd na 'to.

"Babasagin ko na yang pagmumukha mo!" Napatayo ako bigla ng sinuntok siya nung isang lalaki na sanhi ng pagkatumba niya sa semento.

Tch. Lampa.

"Naiinis talaga ako kapag nakikita ko yang pagmumukha mo Liam!" Kinuha niya yung kwelyo ni nerd.

"Kapag hindi mo pa binayaran yung sapatos ko, hindi lang yan ang aabutin mo!" banta niya. Tumawa naman yung mga kasama nung lalaki tapos iniwanan na siya. Madaming estudyante ang nakatingin pero kahit isa man walang tumulong sa kanya.

Lumapit ako habang pinapahid niya ang duguang labi niya.

"Tch. Kahit kailan ang lampa mo talaga" Inakay ko siya papunta sa clinic, wala na akong pake sa mga tsismis ng mga estudyante. Mahalagang matulungan ko siya ngayon.

Iniwan kami ng nurse sa loob ng clinic, habang nilalagyan ko ng betadine yung sugat niya malapit sa labi.

Napatingin ako sa mga mata niya. Wala siyang suot na salamin. Wow, light brown pala yung mga mata niya kapag tinitigan mo ng malapitan with matching long-lashes. Isama mo pa yung matangos niyang ilong at kissable lips.

O______O

Leighton.....

Tsk! Tsk! Ano ba Tamra? Hindi yan si Leighton noh?! Yang nerd na yan si Leighton? Pucha, tatalon muna ako sa building.

Pero parang kasing siya eh!!!

Ano ba????!!!!

-______-

Sht, ano bang pinagsasabi ko? Ano ba Tamra? Lampa yan uy! Wag na wag kang magkakagusto dyan!

"A-ahmm..." bigla siyang nagsalita at napatingin sakin.

My Desperate Pretending Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon