Tamra's POV
Bored akong nagpunta sa parking lot ng school. Walang gana kong pinaandar ang skateboard ko. Napansin ko ang titig ng mga estudyante sa mga dinadaanan ko. Naninibago siguro sila kung bakit hindi na ako masyadong nambu-bully ngayon. Well, the last time I check si Raine na ex-bestfriend ko ang huli kong nabiktima.
Kumurap-kurap ako nang makarating ako sa parking lot. Ang dami nang nagbago dito. Nawala na din 'yung spot na madalas naming pagtambayan dito para mag-skate. Ilang buwan na rin pala ang lumipas or I can say na mag-iisang taon na rin ng maisipan kong muling bumisita dito para mag-skateboard.
Dammit!
I missed them so much. I missed the old times.
'Yung panahon na masaya pa kami at magkakasamang nagtatawanan, nag-aasaran at nagpapayabangan. 'Yung panahong wala pa kaming ganito kalaking problema na hinaharap. 'Yung panahong hindi pa kami nagkakawatak-watak at 'yung panahong buo pa kami...
Now, I'm alone. They leave my side. Ganito pala ang pakiramdam. Nakakalungkot.
Hindi ko inaasahan na darating ang ganitong pagkakataon. Hindi ko napaghandaan. Sunod-sunod ang mga nangyayari. Parang hindi ko na kakayanin kung ano pa ang susunod.
I know. Kinakabahan at nanginginig ako tuwing naiisip ko 'yon. Even if I hate her in the highest peak of the universe, hindi ko pa rin magawa na hindi mag-alala sa kanya. She's still my mom. Kahit malaki ang naging pagkukulang niya sa amin ni kuya, I still care for her. Even for the fucking years and special moments in my life na hindi siya nagpakita, I still love her.
For fucking 3 years. Hindi ko pa siya ulit nakakausap at nakikita. I don't have contacts on her. Kahit si kuya, hirap na hanapin si Mom. Where the hell on Earth she go? Hindi niya ba naiisip na may pamilya pa siyang nag-iintay sa kanya?
Sa inis ko ay sinipa ko ang skateboard ko. Wala akong pakielam kung masira o magasgasan pa 'yan. Hindi katulad ng dati na kaunting gasgas lang ay galit na galit na ako. Nakakasawa din pala. Nakakapagod.
"Akala ko ba mahal pa 'yan sa buhay ko?"
Napalingon ako sa nagsalita. Namilog ang mata ko ng makita siya. He's smirking at me. Nakaramdam ako ng pagkataranta at kaba ng lumapit siya sa akin.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Galit kong tanong sa kanya.
He gave me a devilish smile bago hinagod ang kanyang buhok. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. How this nerd give me goosebumps?
"Nakita kita kanina, so sinundan kita"
I glared at him. "Why?"
"Well, that's my duty as your nerd" nagkibit balikat siya tsaka ako nilapitan.
Hindi ko maintindihan dahil biglang tumalbog ang puso ko ng hawakan niya ang kamay ko. I felt a thousand of voltage in my body. Hinawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Ano bang problema mo?" Sigaw ko sa kanya.
His smile faded. Bigla siyang naging seryoso. Ang kanyang makapal na nagsasalubong na kilay, pati ang mapupungay na mga mata at matangos na ilong, ang mapupula niyang labi and his perfect jawline. Napalunok ako. Why this nerd is so attractive?
Nag-igting ang kanyang panga. "Hindi ka pa nagla-lunch. Kailangan mong kumain" hinawakan niyang muli ang kamay ko pero agad ko rin itong binawi.
"Wala kang pakielam."
Kitang-kita ko ang pagtitimpi niya sa galit. At bakit siya magagalit? Wala siyang pakielam kung ayokong kumain.
"You need to eat right now" mariin niyang sabi.
BINABASA MO ANG
My Desperate Pretending Game
Fiksi RemajaWhat do you think will happen if a popular, famous and an almost perfect guy turns to a nobody, wimp, nerd, geek and loser? Do you think he'll choose to marry somebody? Or he will oppose the marriage for his own freedom? Did he just accept the deal...