Tamra's POV
"Emeged. Isang magandang araw nanaman ng buhay. Good morning Philippines!! Mwah! Mwah!"
-___-
Nagising ako sa ingay ng bunganga ng kapit-bahay namin. Sarap lagyan ng papel sa bunganga eh. Kaaga-aga pa.
Kapag ako presidente, pakulong ko yan! Iboto niyo ko mga men. Para sa mga puyat diyan, ipapakulong ang mga umiistorbo sa tulog nyo. Aye! Ilalaglag ko sa 100th floor ang mga kokontra at ang pinamabigat na parusa ay ipapatapon ko sa Korea kasama ng BTS, ikon, GG, Seventeen, EXO, BlackPink, Bangstan etc.
Saan ka pa diba? #changeiscoming!
"Wooohh!! Omygosh!! Makikita ko na si papa Mingyu!!!"
"IBOTO SI TAMRA!! Juskolord. Gigisingin ko na lagi ang kuya kong bangag kakalaro ng COC, Dota at LoL para makapagpakasal na ko sa asawa kong si Jungkook! Emeged. Ang pogi niya talaga! Kyaa!!"
"Puta, rak na diss!! Papabuntis na ko kay Fafs Chanyeol and Fafs Baekhyun. Emeged. Isama mo pa si Luhan, Tao, Kai, Kris, Suho, Sehun, D.O. Tigsasampung-anak muna! Bored pa ko"Salamat nga men! *bow* Nawa'y huwag kayong magsisi sa huli... *palakpakan*
"Hoy!"
-__-
Panira ng speech. Sino ba ang kutong lupa na 'yon? Ipapatapon ko sa mars.
"Hoy!" Aba ampucha, sino ba 'yon?
"Hey"
-____-
"Hu u?" tanong ko.
"HOY!"
Ayun! Hoy daw pangalan niya! Palakpakan natin.
"Hoy, HOY!" tawag ko sa kanya.
"Hey wake up"
Anong wake-up? FYI. Gising kaya ako!
.
.
.
.Wait......
AT KAILAN PA KO NAHILIG SA K-POP? omygod.
O_______ O
"WAAHHHHHHH!!"
"Don't shout!"
"Huhuhu. Nasan ako? Nasan ang mga kapit-bahay nating malalaki ang bunganga at malalapad ang panga? Nasan na 'yung mga taga-supporters ko na mahilig sa k-pop? Nasan na?? Huhuhu" I whined.
"Easy. Una sa lahat. Wala tayong kapit-bahay. Pangalawa, wala kang supporters na mahilig sa k-pop because the last time I check, you hated them too much. Pangatlo, wag kang maghanap dahil nasa kwarto ka. Kanina pa kita ginigising tulog mantika ka talaga. Bumangon ka na dyan, kanina pa naghihintay sayo 'yung sundo mo sa baba" sabi ni kuya pagkatapos ay umalis na siya.
Agad-agad akong bumangon at kinusot ang mga mata ko. Hays. Nanaginip lang pala ako. Sino naman kaya 'yung sundo ko? Aish! Bigla ko tuloy naalala si Craig. Huhu.. ang sakit pala talaga noh? mugto pa pala yung mata ko kakaiyak kagabi. Taena mo Craig. Mukha tuloy akong mamaw pagharap ko sa salamin. Buti na lang hindi nahalata ni kuya. T_T
Inimis ko ang higaan ko bago magpunta sa banyo para sa morning rituals. Nag-shower na rin ako bago bumaba. Nacu-curious talaga ako kung sino 'yung sumundo sakin ngayon na nag-iintay sa labas. Hindi naman pwedeng si Craig kase alam niyo na....hays.
Hindi kaya?
Emeged.
Si Ren!!!
Waaahhhh!!!! Miss ko na talaga si best buds. Huhuhu. Mahigit isang linggo ko na siyang hindi nakikita pati si men mula nung nag-break sila ni kuya. T_T
BINABASA MO ANG
My Desperate Pretending Game
Teen FictionWhat do you think will happen if a popular, famous and an almost perfect guy turns to a nobody, wimp, nerd, geek and loser? Do you think he'll choose to marry somebody? Or he will oppose the marriage for his own freedom? Did he just accept the deal...