Chapter 10 ♚ Break up

32 10 1
                                    

Tamra.

"WHAT?" sigaw ng OA kong kuya.

=____=

Kanina pa ko sinesermonan ni kuya mula nung umuwi ako ng mansion. Ginabi ako ng uwi gawa inintay ko pa si nerd nung nagwalk-out ako. Remember? 'Yung tumakbo ako palayo sa kanya dahil dun sa Thank You Kiss na sinasabi niya. Hindi ko naman pwedeng iwan 'yun basta-basta at baka harangin ng mga tambay sa kanto at mabugbog nanaman. Seriously? Ano ba meron kay nerd at lagi siyang nabubugbog? May powers ba siya na nakakaattract na makipagbasag-ulo sa kanya?

"Pero kuya. Niligtas naman ako ni---"

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND!?? KAHIT NA! KAHIT NA NILIGTAS KA PA NI LEIG-Liam hindi ka pa rin nakakasigurado kung sino ba yung matandang kumausap sayo! Tell me. Ano ba itsura niya? I will call a private investigator para lang mahanap at maipakulong siya" nagpaikot-ikot siya sa harap ko.

Jusko. Kanina pa siyang kiti-kiting parang hindi mapatae. Tch.

"Kuya. Hayaan na lang natin 'yung nangyari. Tapos na 'yun. Tch. Can't you see? Nakauwi naman ako dito ng safe eh. Kaya no need na ipakulong natin 'yung matanda" pagpapakalma ko sa kanya. Kanina pa siya HB eh. -__-

"But my point is kung wala dun si Leight--Liam pala. Ano mangyayari sayo? Edi nabangga ka? Kung hindi lang talaga gawa dun sa matanda na 'yun!" Nanggagalaiti niyang sabi. Grabe lang, kanina niya pa pinag-iinitan 'yung matanda.

"Kuya! Pinu-push mo lagi 'yung matanda eh! Ako naman talaga may kasalanan. Kung hindi ako nagpahabol kay nerd, hindi siya mapapagod. Kung hindi siya napagod, hindi ko makikita yung wet look niya habang basang-basa ng pawis at hindi ko siya bibilan ng tubig!" Inirapan ko lang siya habang seryoso siyang nakatingin sakin.

"WHAT DID YOU SAY?"

O_____o

Wadapak! Nasabi ko ba yung 'wet look'? Yung tataa? Hindi ko talaga kinuwento kay kuya 'yung totoong nangyari. Syempre kunwari nakita ko lang 'yung matanda tas ayun muntik na ko mabangga at niligtas ako ni nerd. 'Yun lang talaga ang sinabi ko. Kaso nadulas naman ang dila ko ampupu!

"Ahh--ehhh. Kuya gusto mo i-massage kita? Hehehe" I fake a laughed. Tiningnan niya ako ng seryoso at magkasalubong ang kilay. Anytime magsu-super sayan na siya.

"Changing the topic huh? Ginagago mo ba ko TAMRA ELIZABETH DRAYLER?" I cleared my throat. Ohmybatmancollection! Tinawag niya ako sa buo kong pangalan. Galit na talaga siya. Waaaahh!!!!

"K-kuya. Hindi noh! B-bakit naman kita gagaguhin? Eh nagkiss pa nga kami sa tabi nung kalsada pagkatapos niya kong iligt---"

"WHAT THE FCVK???"

Dear lupa, pwede mo na ko lamunin forever. Wag mo na ko ilalabas ah? Paki putol na din yung madaldal kong dila ha?

"He-he-he. Joke lang kuya. Ikaw naman tumatanda ka na nga! Hehehe. Mali ka ng pagkakarinig, hindi kami nagkiss noh! Ang nangyari talaga ay nakiskis ang bibig naming dalawa sa lupa sa tabi nung kalsada. Wag ka na magalit oh? Peace ^_^V" nag-peace sign ako sa kanya.

"Eh kung ikiskis ko uli 'yang nguso mo sa pader ha?" He said furiously. Nag-pout nalang ako para paawa effect.

"Ayoko kuya. Ikaw na lang! Kayo na lang pala ni Raine magkiskisan ng nguso para sweet hehehehe!" Lalo ata siyang nagalit sa sinabi ko. Ohmypogisicraig! Malapit na siya mag-HULK! Waaah help! >_<

Hinalikan ko si kuya sa cheeks bago tumakbo pataas. "Goodnight kuya! Enough na dyan sa 'kiskisan' thingy. Magpahinga ka na. Kbye!"

Dali-dali kong sinara yung lock ng kwarto ko. Whahahahaha! For the first time natakasan ko din si kuya. Actually kanina pa ko naiinis sa dila ko sa sobrang daldal.

My Desperate Pretending Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon