Chapter 4 ♚ Meet the Dare Devils

34 13 2
                                    

Liam.

2 weeks after nung nabubugbog ako, lagi ko ng ginagawa ang lahat ng ipinagagawa sa akin ni Elize este Tamra.

Nagtataka siguro kayo kung kaya ako pumayag na maging nerd niya?

Do I have any choice?

Kase nga bully siya at nerd ako.

-__________-

No choice. I need to accomplish my plan. Tsaka siya na mismong nagsabi na nerd niya ako. Special thanks to her dahil hindi na rin ako guguluhin ni Wilhelm George na dati kong bully.

Hindi naman talaga ako nerd. May nangyari lang talagang hindi ko inaasahan.

Transpery ako dito sa University of Southern Bartlett. Naninibago pa nga ako dito eh. Sobrang lawak ng school campus. Mas malaki pa 'to sa University nabpinapasukan ko dati. And over 900 students lang ang population ng school na 'to.

Hindi na talaga ako na magdadalawang-isip na mayaman talaga ang pamilya nila Tyler.

"Hoy nerd! Nasan na yung pinabibili ko sayo?" Bungad sa akin ni Elize este Tamra.

Akala ko noon, pare-parehas lang ang mga bully. Masasama ang ugali, walang awa, bastos. Pero nakita ko sa kanya na may side rin siyang mabait, siguro dahil babae siya.

"E-eto na po Ma'am" ibinigay ko sa kanya yung pinabili niyang Batman Collection.

Alam na alam ko na rin ang mga ugali ng mga bully. Marami sa kanilang may mga problemang dinadala sa buhay kaya minsan sa ibang tao nila inilalabas ang mga sama ng loob nila at galit.

"Sige kumain ka muna" kinagat niya yung pagkaing nasa lamesa na kakaserved lang ng canteen staff.

Pero sa lahat ng naging mga bully ko, siya lang ang pinakanagustuhan ko.

Nandito ako ngayon sa canteen at katulad ng dating gawi. Sa umaga, lagi ko siyang hinihintay. Pagdating naman ng recess, nauuna ako sa kanya papunta sa canteen para nilisin yung tambayan niya. Kahit pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Wala naman akong magagawa.

Napangiti ako. "Mahilig ka pa rin pala kay Batman" bulong ko. Wala pa rin talaga siyang pagbabago.

"Bilisan mo dyan" naging masungit niyang sabi.

"Yes Ma'am" sagot ko.

Pinilit ko na lang ubusin 'yung pagkain na binigay niya. Baka mamaya mabugbog nanaman ako nito kapag hindi ko inubos. Tss.

Narinig kong nag-iiritan ang mga istudyante sa labas ng canteen kaya napatingin kaming dalawa. Pumasok 'yung tatlong lalaking may dalang skate board. Sinundan sila ng mga nagtitiliang babae.

Nakilala ko na agad 'yung dalawa.

Tyler Arden Drayler. Kapatid ni Tamra, kaibigan ko. Tss. Suplado 'yan.

John Renzo Vastino. Ang nag-iisa kong mayabang na pinsan. Still, wala pa rin siyang pinagbabago noong bata pa kami. Akala mo sumusugod sa gera habang naglalakad. Tss. Ang laki talaga ng pagkakaiba nila ni Raine.

'Yung isang lalaking naka-headset ang hindi ko kikala. Mukha rin siyang mayabang.

Dumiretso sila sa table namin.

"Long time no see Tamra" bati sa kanya nung isang lalaking naka-headset.

Napansin kong sumigla si Tamra noong nakita niya ito.

"Craig!" Tawag niya rito. Tinabihan siya nung lalaki. Tumabi naman sa akin 'yung dalawa.

"Hey! Sino naman to?" Tanong sa akin ng magaling kong pinsan.

My Desperate Pretending Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon