Tamra's POV
"Hey! Wanna join us?" tanong ng mga kaibigan kong mga dare devil na si Ren.
"Why not?" kinuha ko yung skate board ko at nagkabit ng helmet. I want to do this trick perfect. Nagsimula na silang magsialisan at gumawa ng mga tricks. Isa-isa silang pinalakpakan ng mga tao.
At ako na ang sumunod.
I'm Tamra Elizabeth Dyarler. 16 years old, 1/4 american, 4th year student, Section C, taken, bully, i have 1 older brother named Tyler Arden Dyarler.
All of this years, I spend my time in sports. Gusto kong makuha ang atensyon ni Mom sa mga achievements na naabot ko. Gusto kong maging proud siya sa akin kahit minsan lang. Pero hindi niya nakikita ang mga kaya kong gawin, lagi niyang pinapansin ang mga pagkakamali ko.
Noong graduation ko ng grade school, ako ang valedictorian ng klase namin pero hindi umatend si Mom dahil mas inuna niya ang negosyo kaysa sa akin. Si Yaya lang ang palaging kasama ko sa bawat tagumpay na nakakamit ko. Nagtanim ako ng sama ng loob sa kanya, ni kahit minsan hindi kami nagsabay kumain mula ng namatay si Dad. Napabayaan na niya ako, at ang laki ng galit non sa puso ko.
I want to spend my time in sports, I want her to realize that I'm not just a spoiled brat but I have special talents and skills that she can proud of. I hate sometimes, na kapag kakausapin ko siya lagi siyang may kausap sa telepono. Minsan nga pakiramdam ko, sinasadya niya kong iwasan kaya nagpapalipas na lang ako ng sama ng loob sa panonood ng paborito kong anime.
"Good stunts" nagpalakpakan sila nung natapos akong mag-tricks.
"Thank you everyone!" nagbow ako pagkatapos umalis na kami
"Ikaw na ata ang pinakamagaling sa atin!" tuwang-tuwa sila
"Hindi noh! mas magaling pa kaya kayo!" nagtawanan kaming lahat
"See you tomorrow Tamra! I have a nice time with you!" kinindatan ako ni Craig at nagpaalam na sila sa akin tapos ay sumakay na sa kotse
"Bye!" nagwave ako at pinaandar na nila ang kotse, naiwan akong mag-isa dito sa harapan ng campus.
Balik na ako sa pagiging masungit, matapang at unmercy sa school na ito. Isa na uli akong bully, bawat istudyante iginagalang ako, walang nagtatangkang humarang sa dinadaanan ko kung hindi, hindi mo na makikita ang mundo.
Tinignan ko yung relos ko at malapit na magbell. Tumakbo ako papunta sa locker ko dala ang portable skate board ko pero may nakabangga akong istudyante kaya parehas kaming napaupo. Hindi niya ata kilala ang binabangga niya.
"Hoy! tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?" hindi siya mapakali tapos kinuha niya yung tumalsik kong skate board. Mukha siyang lampa at nerd. Hate na hate ko pa naman ang mga nerd -_-
"Sorry, sorry talaga! Patawad kailangan ko nang magmadali" bigla siyang umalis pero hinila ko yung kwelyo niya dahil napansin kong may gasgas yung skate board ko.
"Akala mo ba papalagpasin ko na lang yon. Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo!" unti-unti nang dumadami ang estudyante
"Bakit sino ka ba sa tingin mo?" inalis niya yung pagkakawak ko sa kwelyo niya at tinignan ako.
Nataranta siya bigla.
"Ako lang naman si Tamra Dyarler at ikaw sino ka ba?" ayoko talaga sa mga lampa. Halata pa rin sa kanya ang hindi mapakali.
"Nakikita mo ba yang ginawa mo?" pinakita ko sa kanya yung gasgas sa skate board ko "Mas mahal pa yan kaysa sa buhay mo!"
Tsk! Parang pamilyar sakin yung mukha niya. Hays! Baka nabully ko na siya dati..baka nga.
"Sorry, sorry. Patawad talaga. Pasensya ka na may humahabol lang talaga sa akin!" mukhang nagmamadali siya.
"Sige, pero hindi pa tayo tapos!" bigla naman siyang napatakbo.
Hindi siya nakatakbo dahil sa dami ng estudyanteng nanonood samin kaya nacorner siya nung mga bully.
"Hoy nerd! ibigay ko sa amin yung sagot sa Math kung hindi paluluwagin namin yang brief mo!" Sabi nung lalaking mukhang butiki.
"Hoy wimp na nerd! ibigay mo na sa amin kung hindi mapipilitan kaming balian ka ng buto!" sabi naman nung lalaking malaki ang tyan. Tsk! Madami pala talagang kaso 'to -__-
Tumigil siya sa pagtakbo at inikutan siya ng apat na lalaki agad naman akong pumagitna.
"Hoy nerd!" sigaw ko sa kanya at agad rin naman siyang lumingon.
"Hey Tamra! ikaw pala yan kailan mo ba ako sasagutin?" tanong nung lalaking malaki ang tyan. Tsk! Kailan ko ba yan naging manliligaw. Nagtawanan silang lahat.
"Shut up! I'm talking to you" mukha namang napikon yung mukha niya.
"Aba!" tinaasan ko sila ng kilay.
"Anong aba-aba? baka gusto mong huwag ka nang makalabas dito mamayang uwian" pinandilatan ko sila.
"Saglit lang naman, wala naman kaming kailangan sayo. Yang nerd na yan ang kailangan namin kaya Miss pwedeng tumabi ka?" aba tinawag akong miss?
"Ano nerd handa ka na ba?" tanong nung isa sa kanila, halatang natatakot na si nerd. Tch.
"Excuse me Mr. Bully, mula ngayon nerd ko na yan at hindi na sa inyo. Ipaubaya niyo na dahil may kasalanan din 'to sa akin" hindi naman sila makasagot, tch may utang ka sakin nerd!
"Hindi naman pwede yon, sa amin siya at hindi sayo!" Sabat nung butiki, nagtawanan uli sila.
"Ahh ganon!" hinayaan kong lumabas ang masamang aura sa akin, maraming estudyante na ang lumayo dahil sa takot. Pinatunog ko ang mga daliri ko na hudyat ng aking gagawin.
"Ah, eh, hindi na pala! Sayo na 'yan este sayong-sayo na! wag mo lang gawin sa amin yon please!" madali naman pala silang kausap eh, kailangan pang tatakutin -_-
"Oo nga! mas maganda kung sa kanya ka mapupunta, mas marami kang mararanasan dyan kaysa sa amin he-he" natatakot na sabi nung butiki.
"Alis!" Taboy ko sa kanila at tumakbo agad sila dahil sa takot. Tumingin naman ako kay nerd.
"Hala! kawawa naman si Liam"
"Oo nga, ang hirap ng pagdadaanan niya"
"Baka kung ano pang gawin niya kay Liam, nakakakot!"Narinig ko ang bulong-bulungan nila kaya tinignan ko sila ng masama.
"Ano gusto niyo pa bang mabuhay?" bigla tumakbo yung mga estudyante. Tsk! Dami pala nakakakilala sa nerd na 'to. Liam pala pangalan niya.
"Nerd" tumingin siya sa akin, naiinis talaga ako kapag nakakakita ako ng nerd kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Tch.
"Bilang kapalit sa ginawa mo, pagsisilbihan mo ako ng 7 months hanggang matapos ang school year na 'to. Maliwanag!" He nodded. Hahaha! Madali pala siyang utuin!
"Mula bukas ikaw na ang nerd ko at kahit kailan hindi ka pwedeng humiwalay sa tabi ko. Pagsisilbihan mo ako bilang bully mo kung hindi...tatanungin kita kung gusto mo pang mabuhay" tumango lang uli siya sa akin. Hahaha! Takot pala sakin 'to eh!
"Good" tumalikod ako sa kanya at naglakad paalis.
"Salamat....salamat nga pala kanina" napatigil ako sa paglalakad at napangiti na lang ako, kahit pala bully ako nakakatulong rin sa iba.
"Salamat sa pagtatanggol mo sa akin, tatanawin ko yung isang malaking utang na loob" sabi pa niya.
"Basta puntahan mo na lang ako sa Room #43 bukas, dun ang room ko. Hihintayin kita pero kung hindi ka sumipot ihanda mo na ang sarili mo"
"Opo Ma'am" sagot niya.
"Maswerte ka pa" I whispered.
I sighed. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
---------------------------------------------------------
[A/N]Hi! salamat sa mga nagbasa ng chapter 1. Thanks! dedicate po to sa idol ko! huehue .. PsychMystic support kita! xD
Mkay bye!
![](https://img.wattpad.com/cover/44340993-288-k42692.jpg)
BINABASA MO ANG
My Desperate Pretending Game
Fiksi RemajaWhat do you think will happen if a popular, famous and an almost perfect guy turns to a nobody, wimp, nerd, geek and loser? Do you think he'll choose to marry somebody? Or he will oppose the marriage for his own freedom? Did he just accept the deal...