Craig's POV
I'm expecting this.
But I never expect na magagawa ni Tamra 'yon kay Raine. Dapat pala hindi na lang ako pumayag sa deal namin eh. Kung tinanggihan ko sana 'yung deal, hindi aabot sa ganito ang lahat. Pero kung hindi naman ako pumayag, maiipit at maiipit kami ni Raine sa fucking arrange marriage na 'to!
Kaasar.
Napatunghay ako sa pagkakayuko ng makita ko ang isang tao na nakatayo sa harapan ko.
"How's Raine? Hindi na ba siya nahihilo?" Nag-aalala kong tanong kay Ren ng makalabas siya ng kwarto ni Raine dito sa hospital.
"Kailangan lang niya ng konting pahinga. Sabi ng doktor, medyo na-depress si Raine noong mga nakaraang araw dahil sa mga gulong nangyayari. Nakausap ko na rin si Dad, papunta na sila dito" sagot niya.
Nakahinga ako ng maluwag. She's my responsibility. Lalo na ngayon dahil nagtitiwala sa akin si Tito Rey. But fuck. Wala rin akong nagawa.
Napabuntong hininga siya nang tumabi sa akin. Halatang malalim ang iniisip ng mokong na 'to. Ngayon ko lang uli siya nakitang ganito kaseryoso.
"Hindi ko akalaing magagawa ni Tamra ang ganitong bagay kay Raine" sabi niya habang nakatingin sa kawalan.
"Oo. Ako din" pagsang-ayon ko.
"Mahal ka talaga niya pare. Nagawa niyang saktan kahit ang bestfriend niya alaalang sayo. Ang swerte mo sa kanya" sabi niya.
Napangiti ako ng palihim. Ang sarap pakinggan ang mga ganoong salita pero alam kong nasaktan ko na siya. At lalo ko siyang nasaktan sa ginawa kong pagsampal sa kanya kanina. Hindi ko nakontrol ang galit ko ng makita kong sinasampal niya si Raine na akala mo'y wala silang pinagsamahan ng ilang taon. She's not Tamra. Ibang Tamra ang nakita ko kanina, tuluyan na talagang nabalot na ng galit ang puso niya. I know kasalanan ko 'to. Hindi siya magkakaganon kung hindi dahil sa akin.
"Ang tanga ko. Sinaktan ko siya hindi lang emosyonal kundi pati pisikal. Kagagawan ko ang lahat ng 'to eh. Ang tanga-tanga ko dahil hindi ako nakipag-break sa kanya ng maayos. Pinahiya at sinaktan ko pa siya. Tangina. Wala na akong karapatan para mahalin niya pa ako. Sana kung hindi ako nagpadalos-dalos, hindi aabot sa ganito ang lahat" naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya agad ko 'tong pinunasan.
"Pasuntok isa ah"
He punched my oh-so-handsome-face. Hindi ako pumalag. I know I deserve this. Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko dahil sa pagsuntok niya sa akin.
He smirked at me.
"Tss. Para 'yan sa best buds ko. Maipagtanggol ko man lang siya kahit ngayon lang. Simula noong nakipag-break ka sa kanya, palagi siyang malungkot. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yung mga salitang binitawan mo sa kanya? Halos araw-araw napapaiyak siya tuwing naaalala niya 'yon. Alam mo kung bakit? KASE LAHAT NG BINITAWAN MONG SALITA AY WALANG KATOTOHANAN. Hindi totoong may relasyon sila ni Liam. Aksidente lang ang lahat ng nangyari. 'Yun mga pictures? Lahat 'yon peke! Aksidente lang ang lahat" he shouted.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong sinasabi mong aksidente? Hindi mo ba nakita na magkahalikan sila sa picture? She cheated on me. Siya mismo ang gumawa ng dahilan para makipag-break ako sa kanya"
Nagtangis ang bagang niya sa sinabi ko. "Tangina Craig. Wala ka bang tiwala sa kanya? Lahat ng picture na nakuha mo sa locker mo ay sinadya lang para magalit ka sa kanya. May gustong sumira sa relasyon niyong dalawa"
I clenched my fist. Hindi ako naniniwala sa kanya. "Siya mismo ang dahilan kung bakit kami naghiwalay" matigas kong sabi.
"Ayaw mong maniwala? Ayan tignan mo." Inihagis niya sa akin ang isang envelope. Nanlambot ang kamay ko ng makita ko laman nito. Shit.
BINABASA MO ANG
My Desperate Pretending Game
Genç KurguWhat do you think will happen if a popular, famous and an almost perfect guy turns to a nobody, wimp, nerd, geek and loser? Do you think he'll choose to marry somebody? Or he will oppose the marriage for his own freedom? Did he just accept the deal...