Chapter 22 ♚ Her side

6 3 0
                                    

Tamra's POV

Paksyet.

Pakiramdam ko antok na antok pa rin ako. Hanggang sa panaginip ko, gingulo pa rin ako ng dalawang putres na 'yon. Umiiyak na nga ako sa reality, mas lalo pa akong umiyak noong nasa dream world na ako. Pati panaginip hindi talaga pinalampas. Tang*na.

Kaya pala hindi na ko napapansin ni Raine at bihira ko na siyang makita kase inaahas pala niya si Craig ng palihim. Nasaan sya noong nakipag-break sa akin si Craig? Nasa tabi ko ba siya para pagaanin ang loob ko? Wala. Hindi ko naramdaman ang presensya niya dahil siguradong pinagplanuhan niyang lahat 'to para magkahiwalay kami at mapasakamay niya si Craig.

Edi wow! Pag-untugin ko sila eh. Ngiting tagumpay ang bruha nung nakita ko silang naka- holding hands habang naglakad. Sarap ihampas ng dumbell at boxing belt na nasa kwarto ko sa mga pagmumukha nila. Isasama ko na rin 'yung stainless skateboard ko para magtino sila. Mga taksil, ahas, putres, plastik at manloloko/magnanakaw.

"Okay ka lang? Gusto mong bilhan kita ng pagkain or anything. Utusan mo ko o pahirapan. Okay lang." Narinig kong sabi ni nerd pero hindi ko siya pinansin.

Wala ako sa mood para pahirapan siya. Sinusubukan ko silang  tingnan sa paligid baka makita ko silang magkasama. Kaso wag na lang, masakit pala sa mata. Delikado pa naman mga mata nung Medusa kong best friend. Baka maging bato pa ko dito ng wala sa oras kaya wag na lang.

Napansin ko agad 'yung babaeng kumakaway sa direksyon namin. Kaagad ko siyang nakilala dahil sa mga ngiting 'yon...

*flashback*

[Chapter 20]

Naiinis na talaga ako. Ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Raine. Nasan na ba siya? Akala ko ba walang iwanan? Tss.

Bwisit. Mas lalo akong naasar dun sa chismisan ng mga chismosa kong classmate. Sino naman kaya 'yung fiancee ni Raine? Wala naman siyang nababanggit sa aking ganon. At talagang sa ibang tao ko pa nalaman. Wala ba siyang tiwala sa akin? Bestfriend niya ako eh.

Dahil curious at desperada ako, napagdesisyunan kong puntahan si Tita Jordan sa office niya para personal siyang kausapin tungkol kay Raine. Isa siya sa mga school admins ng USB.

Habang papunta ako sa sa Administration Office, may babaeng humarang sa akin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala pang estudyanteng nagtangkang humarang sa dadaanan ko. So, I raised my right eyebrow.

"Kung tititigan mo lang ako, better to get out of my way. May mahahalagang bagay pa akong dapat gawin." mataray kong sabi at mabilis siyang tinalikuran.

Wala akong panahon sa mga katulad niya.

"Alam ko kung nasaan si Raine ngayon" napatigil ako sa sinabi niya.

Hinarap ko siya ng magkasalubong ang kilay. "Nasaan siya?"

Hindi niya ko sinagot. She just smirked at me.

"I will tell you in one condition" Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Tss. Pinagloloko mo ba ako? Wala akong panahon dyan sa mga biro mo" walang gana kong sagot.

"I'm not kidding Tamra"

"I don't talk to stranger"

"Hays. Papunta sa siya ngayon sa building niyo. Check it out para malaman mo" then she gave me a creepy smile.

I rolled my eyes. "Whatever"

Namalayan kong naglalakad na ako papunta sa building namin. Tss. Nabago tuloy niya ang isip ko. Wala namang mawawala kung titignan ko di ba? Para makasigurado na din kung niloloko o pinagtitripan ako ng babaeng 'yon. Kung niloloko niya lang ako, humanda siya sa akin sa susunod na makita ko siya.

My Desperate Pretending Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon