Ren's POV
I smell something fishy.
Sigurado akong may isang taong nasa likod ng lahat ng 'to. There's a pattern. Nakikita ko 'to sa bawat pangyayari. Nagkagulo-gulo lang ang lahat nung dumating si Liam.
Pero ano naman ang kinalaman ng lalampa-lampa, geek at loser na nerd na 'yun dito? Damn.
I need a proof. Kailangan ko ng patunay na si Liam nga ang dahilan ng lahat ng 'to. But how? I don't know where to start. I think he's hiding something. Kahinala-hinala na talaga siya noong una pa lang na pinakilala siya sa amin ni Tamra.
He's very familiar to me. The way he look, his gestures and his formality. Parang na-meet ko na siya dati. But— aish! Hindi ko maalala kung sino at kung saan ko siya nakita.
Dumaretso ako sa locker ko para kuhanin ang damit ko para sa practice. Ang hirap mag-isip kung ano ang pwede kong gawing butas kay Liam dahil hindi kami close. Bihira rin kaming mag-usap at mas lalong hindi ko pa siya nakakasama.
Tss.
Bahala na si batman.
Kinuha ko agad 'yung jersey ko at mga gamit ko sa locker. Nagtungo ako sa boy's room para magpalit ng biglang nag-ring ang phone ko.
Craig calling...
"Miss mo na ko?" Bungad ko.
[Gago. Samahan mo kong hanapin si Raine. Wala siya dito sa room nila]
Kumunot ang noo ko. "Baka naman kasama ni Tamra" sagot ko habang inaayos ang gamit sa backpack ko.
[Hindi ko alam bro. Alam na ng buong campus na fiancee ko si Raine at sigurado akong nakarating na sa kanya ang balita]
Napatigil ako. Fuck! Bakit hindi ko naisip 'yun? Bobo ko talagang gwapo.
"Shit. Oo nga noh? Wait. Magbibihis muna ako—"
[Wala tayong practice ngayon sabi ni coach]
Napatigil nanaman ako at nag-isip. Putungunu. Ano bang nangyayari sa sarili ko?
"Oo nga pala"
[Namo. Naka-drugs ka ba at wala ka sa sarili? Bilisan mo dyan. Hintayin mo ko sa tapat ng Admin]
"Sig—"
Call ended.
-___-
Bastusan talaga ang gago. Makakatikim talaga siya sa akin mamaya. Bumalik ako sa locker para ilagay lahat ng gamit na hindi ko naman kailangan. Dagdag bitbitin pa. Tss.
Katulad ng bilin ng gago, nagpunta akong Administation Building. Nakakunot ng noo ko habang naglalakad papunta. Bwisit. Bakit hindi ko nakikita si Tamra ngayon?
*boogshh*
"Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa daanan?" Sigaw sa akin ng isang babaeng estudyante nang magkabunggo kami.
"Hoy miss, ikaw na nga 'tong nakabunggo ikaw pa ang may ganang magalit. Sa susunod kase 'wag tanga" inis kong sabi habang pinapagpagan ang pantalon kong puno ng alikabok dahil sa pagkakaupo sa may sahig.
Sasabat pa sana siya ng magkatinginan kami.
O____o
"Ren?"
"Klea?" Sabay naming sabi.
Yumuko siya at hindi ako tiningnan. "Sorry, mauna na ako" sagot niya pero nahawakan ko siya sa pulso kaya napigilan ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/44340993-288-k42692.jpg)
BINABASA MO ANG
My Desperate Pretending Game
Teen FictionWhat do you think will happen if a popular, famous and an almost perfect guy turns to a nobody, wimp, nerd, geek and loser? Do you think he'll choose to marry somebody? Or he will oppose the marriage for his own freedom? Did he just accept the deal...