Chapter 9 ♚ First Kiss

24 11 3
                                    

Tyler.

Yow! Ang saya ng araw ko ngayon.

Yes naman! May good news ako kay Raine. Sana matuwa siya sa sasabihin ko kase...

kase....

kase...

AKO ANG NAPILI NILANG ILABAN SA INTRAMS!

Gwapo ko talaga. Laglag panty nung mga professor na pumili samin kanina. Syempre kailangan magpa-impress para ako ang mapili. Kahit na ako ang magiging representative ng batch namin, hindi pa rin ako dapat mag-saya dahil di pa 'to ang tunay na contest.

Naglakad ako papunta sa parking lot. Kanina pa nakauwi si Raine dahil siya ang tutor ni Craig. Damn. Hindi talaga ako mapakali. Si Craig pa ba? Eh playboy ang gagong 'yun. Kaya nga nagagalit ako sa kapatid ko dahil nakipagrelasyon siya kay Craig.

Nadatnan kong nasa harapan ng kotse ko si Tamra. Nakasandal siya sa may gilid. Mukhang may iniisip na malalim. Tch. Ano ba trip nito?

"Hey" bati ko sa kanya. Agad siyang napatingin sakin at nagsalita.

"Kuya, pwede mo bang sabihan si Craig na 'wag na lang ituloy ang hamon niya kay Liam? Para naman wala ng maging gulo sa pagitan nila" nagulat ako sa sinabi niya. Ang alam ko, wala siyang pakialam kay Leighton este Liam.

Napangiti na ako. Siguro tinutupad na ni Leighton ang deal namin. VERY GOOD.

"Bakit hindi na lang ikaw? Tutal hindi mo din naman ako pinakikinggan" tinalikuran ko siya at sumakay sa loob ng kotse.

Tahimik kaming bumiyahe pauwi. Tss. Alam kong nag-aalala siya kay Leighton. Pero bakit kailangang ako pa ang magsabi? Siya naman ang bully eh.

"Kuya, ikaw na lang magsabi please? Baka sabihin ni Craig na mas kinakampihan ko si nerd kaysa sa kanya eh. Sige na kuya pleaseeeeeeeee?" Natawa ako sa kanya. Para kase siyang bata kahit dalaga na siya.

Wait-dalaga nga ba? Haha.

"Fine. Fine. Just stop whining"

"Yehey! Thank you kuya!" saka niya ako niyakap habang nagda-drive.

Hays. Ano ba nakain nito at ganto siya kabait ngayon? Tch. Ayaw pa aminin na concern siya kay Leighton. Madadagdagan nanaman ang ikukwento ko kay Raine. Tiyak matutuwa 'yon.

-------

Tamra.

Hays. Buti naman tapos na ang exams. 'Yung resulta na lang para sa top 100 ang iniintay. Sana naman makapasok ako huhuhu. Nagawa ko naman mag-aral kahit walang tutor dahil may goal kami ni Craig.

Pagnakapasok kami parehas, magde-date kami. Yiieeeee. Excited na ko.

Hindi ko rin ginulo si nerd ng ilang araw. Alam ko namang nag-aaral siyang mabuti para makapasok sa top 3. Tch. Nakikipagtagisan talaga 'yung nerd na 'yun kahit transpery. Sana naman pumasok siya para worth naman 'yung hindi ko pagpapahirap sa kanya ng ilang araw para lang makapag-aral siya.

Napagdesisyunan ko na ring 'wag na ituloy 'yung hamon ni nerd kay Craig. Para naman wala ng asungot sa schedule namin ni Craig sa weekend. Sabi niya weekend daw sila magtutuos ni nerd at hinding-hindi siya magpapatalo.

As if naman na mananalo 'yung lampang si nerd? Weak na nga siya kaya 'wag na lang ituloy baka maging loser pa siya. Pero hindi dahil concern ako sa kanya noh? Ayoko lang ng responsibilidad.

Naglabasan na 'yung mga classmate ko. Dismissal. Wala dito si men dahil todo suporta kay kuya. Yiiieee. Inggit naman ako sa kanila. Bihira na lang kase kami magkita ni Craig dahil tine-train na siya ng daddy niya sa kumpanya nila ng maaga.

My Desperate Pretending Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon