Chapter 2 ♚ The nerd

35 16 2
                                    

Liam.

Tsk, yan talaga napapala ng mga taong lampa. Katulad ko. Tsk! Tsk!

"Hoy nerd! Kailan mo ba ibibigay yung project na pinagawa ko sayo?" Sigaw sakin nung lalaking hippo.

"A-ahh, baka sa monday!" Mabilis kong sagot at mabilis niya rin akong sinapak. Sht, mas uunahin ko pa ba yang project mo kaysa sakin?

"Tang*na! Di ba ang sabi ko sayo ngayong umaga? Kaya dapat ngayong umaga!" Sinapak niya uli ako at dahilan naman ng pagbagsak ko. Pinahid ko yung labi kong may dugo at ngumisi ako sa kanya.

"Nakukuha mo pangngumisi dyan ha?! Baka gusto mong baliin ko yang buto mo?" He smirked. Kinuha niya ang kwelyo ko.

Agad ko siyang sinipa sa sensitive part niya. Fck, mukha na ata akong babae sa ginawa ko sa kanya. Dinama niya ang sakit na ginawa ko, galing mo Leighton!

Pinagkakaguluhan na kami ng mga estudyante dito kaya agad na kong umalis. Sht lang, matuto ka kaseng gumawa ng sarili mong project hindi gawa ng iba.

Para saan pa ba yung Kung Fu, Taekwando at Wushu na tineraining ko dati kung di ko naman magagamit? Langya, lampa pa ba ko nito?

I'm Leighton Blisturde, they call me Liam at this school simula noong pumasok ako dito. Kailangan kase baguhin ang pangalan ko katulad ng napagkasunduan namin ni Tyler. Tch. 17 years old, transpery, 4th year student, only child, Filipino pero may lahi kaming Lebanise. Lumaki ako sa New York.

Nagmadali ako papunta sa room namin dahil malapit na magbell. Pucha. Malas ko naman -__- naiwan ko pala yung libro ko sa locker ko kaya nagmadali ako papunta sa locker room.

Habang tumatakbo ako bigla akong natapilok at sa hindi sinasadyang pangyayari, nasubsob ako sa sahig kaya pinagtawanan ako ng mga estudyante. Nilapitan ako ng mga bully, bwiset isa nanamang malas -__-

"Ang lampa mo naman nerd!" Nagtawanan uli sila.

Potek lang, kakasabi ko lang kaninang hindi ako lampa pero eto nanaman -__- tinignan ko sila habang nagtatawanan at hindi nga ko nagkamali, sinadya nila yun. Galing mo pa rin Leighton! Sabi ko naman sayo di ba? Hindi ka lampa!

"Hoy nerd! Nasan ba yung sagot sa Math? Ibigay mo na lang para di ka na masaktan pa!" Nagtawanan uli sila.

Napatingin ako sa relos ko, potek! Lapit na magbell -__- may nakaharang pa sa daan ko. Pucha, yung libro ko din pala. Hindi ko pa nakukuha.

"Ano nasaan na?" Tanong nung isa.

"Ahhhmmm....." iniintay nila ang sagot ko pero agad akong kumaripas ng takbo para takasan yung tatlong butiki. Sorry na lang nagmamadali ako ngayon. Tsk! Sana di ka na uli ako lampa -__-

--

"Excuse me.... a-ay sorry!!!-- a-ayos..... ka.... lang?..PASENSYA NA!" Dami ko pa ring nababanggang mga tao, pero kailangan ko lang talagang magmadali papunta sa locker ko.

Dali! Malapit na first period niyo! Physics pa naman! Bulong ko sa sarili ko.

Yes naman! Malapit na rin ako sa locker room. Nagmadali uli ako para hanapin yung locker ko pero may nakabangga akong estudyante kaya parehas kaming napaupo.

"Hoy! tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?" Sigaw niya. Pota, isa nanamang malas -__- bat ba ko nimamalas ng ganto? Ano bang date ngayon? Pucha, friday the 13th nga pala.

Kinuha ko na lang yung skateboard niya at inabot sa kanya.

"Sorry, sorry talaga! Patawad kailangan ko nang magmadali" aalis na sana ako pero hinila niya yung kwelyo ko. Nubayan? Pasensya na po ate....late na po kase ako.

My Desperate Pretending Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon