Tamra's POV
Umagang-umaga nakakunot ang noo ko. Paano ba naman? Alas kwatro pa lang ng madaling araw ginising na ako ni nerd. Kung kailan kasarapan ng tulog ko. Panira talaga. Grr. Ang aga-aga niyang nandito purkit nasa kanya 'yung kotse ko, aba ano 'yon? Road Trip all you can? Aba.
"Wake up. Kailangan mong mag-exercise araw-araw para mapanatiling healthy ang katawan mo. Naalibadbaran ako sa lifestyle mo eh" reklamo niya.
Kainis naman oh. Kinusot ko ang mata ko pero pilit pa rin itong bumabagsak. Bakit ba kase kailangan pang mag-exercise? Ano bang mali sa katawan ko? Hindi naman ako obese o underweight eh. Aish.
"Bakit ba kailangang gumising ng maaga?" Reklamo ko. Nahiga uli ako sa kama ko. Nakapoker-faced siyang lumapit sa akin.
"Kailangan mong mag-exercise. Tuturuan kita ng disiplina sa pagkain at sa unhealthy lifestyle mo." Sabi niya.
Naghikab ako. "Hays. Nakakainis ka naman eh. Masarap kayang matulog." Sabay pikit.
Naramdaman kong umupo siya sa side ng kama ko. "Talaga? Gusto mong tabihan kita?" Sabay tawa ng nakakaloko.
"Ano? Sino nagbigay sayo ng pahintulot na tabihan ako? Lol. Lumayas ka nga dito sa kwarto ko!" Tinulak ko siya patayo pero natawa pa rin ang loko.
He grinned. "Sige. Madali naman akong kausap eh. Tatawagan ko na lang ang kuya mo at irereport ko sa kanya ang mga ginagawa mo"
Napabangon tuloy ako. Sht. Patay ako kay kuya kapag nalaman niyang nagpupuyat ako kalalaro ng Dota at Lol. Ang dami pang kalat dito sa kwarto ko na puro balat ng Junk Foods at hindi ko minsan nagagawang maligo dahil tinatamad ako! Yuck.
Tumayo ako. "Eto na pala. Sige intayin mo ako sa baba. Magsho-shower lang ako" sabi ko.
He smirked. "That's my girl" sabay layas.
I rolled my eyes.
"That's my girl mo mukha mo."
---
Napagdesisyunan naming dito na lang sa park ng subdivision mag-exercise kada umaga. Malapit lang kase 'to sa masyon kaya hindi kami mahihirapan kung malalate man kami sa klase.
Nagsuot ako ng jogging pants, rubber shoes at simpleng t-shirt na may logong Batman. Nagdala ako ng extrang tubig kung sakali mang sobra kaming mapagod.
Muntanga lang akong nakatayo habang pinagmamasdang mag-stretching si Nerd. Naka-white V-neck siya at black jogging pants. Ngayon ko lang din nalaman na retainer lang pala ang suot niya at hindi braces. Wala ring siyang suot na salamin kaya mas lalong umaliwalas ang mukha niya.
Ang astig niya pala kapag ganto ang porma niya. Isama mo pa 'yung magandang built ng katawan niya and that biceps...
Ang hot niyang tingnan dahil sa pawis sa noo niya. Ghad. Tumalon ang puso ko ng tingnan niya ako at ngumiti sabay hagod ng buhok. Ano 'yon? B-bakit ang attractive ng dating niya sa akin ngayon?
"Huy Tamra. Kanina ko pa sinasabi na gayahin mo 'yung mga stretching na gagawin ko. Kanina ka pa nakatulala dyan eh. Nabighani ka ata ng kagwapuhan ko." Sabay taas-taas niya ng kilay.
Binatukan ko siya.
"Aray ha! Sinaktan mo na nga damdamin ko pati ba naman pisikal? Masakit dito oh." Sabay turo ng puso niya at umaarte pa ng masakit.
I blushed. Binato ko siya ng bote ng tubig. "Yabang mo ah! H-hindi ka naman gwapo eh. Mas gwapo kaya sayo si kuya at si Craig. Tsaka kailan ka pa nagkaroon ng karapatang tawagin akong Tamra? Nerd lang kita at bully mo ako" I rolled my eyes. Naging seryoso ang mukha niya at tinignan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/44340993-288-k42692.jpg)
BINABASA MO ANG
My Desperate Pretending Game
Novela JuvenilWhat do you think will happen if a popular, famous and an almost perfect guy turns to a nobody, wimp, nerd, geek and loser? Do you think he'll choose to marry somebody? Or he will oppose the marriage for his own freedom? Did he just accept the deal...