Yiess. Chapter 20 na den!! xD
Next chapter- Bastusan Interview Part 2
---
Tamra's POV
As usual, pasok sa school. Nakakatamad talagang pumasok kung umagang-umaga ka gigising para lang mag-exercise.
"Hoy, bilisan mo nga mag-drive. Male-late na tayo" utos ko kay nerd.
"Sino ba kase pabebe kaninang umaga? Nakailang katok ako sa kwarto mo ayaw mo namang lumabas" sagot niya habang nakatuon ang pansin sa kalsada.
Aba't? Marunong na siyang sumabat???
"Tsk. Wala kang pake. Basta bilisan mong mag-drive" sabi ko.
Napabuntong hininga siya at hindi na ako pinansin. Buti naman. I'm not in my mood to argue with him.
After several minutes, nakarating din kami sa school. Kasora lang. Naalala ko nanaman si Craig kasama 'yung babaeng Yokai na 'yun. Pagnakita ko talaga 'yun. Nako!
"Nakasimangot ka nanaman" pansin sa akin ni nerd habang naglalakad kami.
"Lakampake" I said sarcastically. Hindi na siya sumagot.
Nagpaalam na siya sa akin pagdating sa may room ko. Dadaanan niya na lang daw ako mamayang dismissal. Buti na lang din dahil hindi ako masyadong mababad trip dahil sa kanya.
Nagkakagulo 'yung mga classmate ko pagpasok ko ng room. Nagkukumpulan sila na parang may pinag-uusapan. Dahil bully at chismosa ako, nakinig ako sa usapan nila.
"Uy, Alam niyo ba may fiancee daw Loraine?" Tanong ni classmate 1.
"Parang narinig ko nga rin dun sa ibang section eh. Collage daw at mayaman." Sagot ni classmate 2.
"Oo nga. Taga-business management building daw eh." pagsang-ayon ni classmate 3.
"Wow. Sino kaya 'yun? Ang swerte niya siguro kapag gwapo 'yung fiancee niya. Kyaaa" sabi ni classmate 2.
"Lul. Malamang gwapo. Pipili ba 'yung pamilya ni Loraine na mukhang adik sa kanto?" Sagot ni classmate 1.
Nagtawanan sila.
Ano? May fiancee si Raine? Bakit wala naman siyang sinasabi sa akin?
"Haha. Ako rin naman eh. Kung gwapo ba naman ang magiging fiancee ko, hindi na ako makakapag-intay na magpakasal kami. Kyaa~~" sabi ni classmate 3.
"Grabe, gusto ko ng makilala 'yung fiancee ni Loraine. Pagnakita ko 'yun aagawin ko agad gamit ang charm ko" sabi ni classmate 1 habang kinikilig.
-____-
Mga talandi talaga. Mga wala ba namang lovelife sa buhay kaya naninira ng relasyon. Grr.
Bumalik na ako sa upuan ko. Mag-iisang linggo ko na din hindi nakakausap at nakikita si Raine. Hindi siya pumapasok, hindi naman ako makapunta sa kanila dahil may bantay ako.
Bwisit.
Kailangan kong alamin kung sino ba 'yung fiancee ng best friend kong si Loraine Vastino.
--
Craig's POV
Magkasama kaming naglalakad ni Raine papapunta sa room niya. Ito ang first day ng pagiging official namin. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang namin na makita kaming magkasama.
Tch.
Gusto ko na talagang matapos 'tong deal namin para makaalis na rin ako sa Arrange Marriage na 'to. I miss Tamra. Gusto ko siyang yakapin at hawakan pero hindi ko magagawa habang nakatali pa rin ako sa kasunduang hindi naman namin ginusto.
BINABASA MO ANG
My Desperate Pretending Game
Teen FictionWhat do you think will happen if a popular, famous and an almost perfect guy turns to a nobody, wimp, nerd, geek and loser? Do you think he'll choose to marry somebody? Or he will oppose the marriage for his own freedom? Did he just accept the deal...